8

25 1 0
                                    

VICTORIA PAULA'S POV

I'm here at Starbucks na katapat lang ng school while thinking kung ano ba ang dapat naming kantahin ni Jake para sa competition. Nakaka frustrate bakit ba ang hirap pumili ng kanta. This is not so me. Well, siguro dahil di ko pa naman masyadong kilala si Jake that's why nahihirapan ako kung ano bang kanta ang mag fifit saming dalawa.

Well, speaking of Jake. Nasaan na nga pala ang lalaking yon? I get my phone from my bag and check the time. It's already 1:20 pm and if i'm not mistaken 1pm lang ang labasan ni Jake  dahil yun ang sinabi nya sakin kagabi sa text. I was about to text him nung may tumikhim sa harapan ko so I diverted my gaze from my phone to the person in front of me.

"Sorry natagalan ako. May ipinasa pa kasi akong mga project sa professor ko." Jake was wearing a fitted charcoal gray polo shirt and a black pants na tinernuhan niya ng gray topsider to be exact. At napaka neat niyang tingnan dahil sa suot niya.

"Okay lang. Nag iisip din naman kasi ako kung anong kanta ba ang pwede nating kantahin sa competition. May naisip ka na ba? I asked him habang umuupo sya sa upuang kaharap ko.

"Before that, nag lunch ka na ba?" tanong niya sakin ng tuluyan syang makaupo at humarap sakin

"Not yet. Di ko kasi namalayan ang oras dahil sa pag iisip ko" sagot ko naman sakanya

"What do you want to eat? Dito mo na ba gustong kumain or you want a rice meal? Don't worry my treat" sabay wink nya sakin. Seriously??

"Mr. Tan, kahit ilibre mo ako o hindi. May pambili ako." sabay irap ko sakanya na ikinatawa naman niya

"Haha i know. Ms. Lopez pero pinaghintay kita so that's my way of saying sorry" nakangiti niya namang paliwanag sakin.

"Whatever. Okay na sakin ang green tea frappe at sausage roll" tama rin naman siya at siya ang lalaki so dapat lang talaga niya kong ilibre.

"Okay then. Just wait me here" sagot naman nya sabay tayo mula sa kinauupuan niya


"I was thinking between heaven and breakeven from boyce avenue but I'm not sure yet kung okay ba siya for a competition" I suggested while sipping my frappe

"Oo maganda naman siya depende naman kasi yun kung pano natin ipeperform. Actually naisip ko din yung heaven eh" Jake said while slicing his cake.

"So, i guess we've decided. Kelan tayo magsisimulang magpractice?" tanong ko ulit sakanya habang pinupunasan ng tissue ang bibig ko.

"We can start later if you want since ilang araw na lang ang meron tayo para magpractice. Mahirap na kung mamadaliin natin sa akin okay lang. Ewan ko lang sayo hahaha" Jake said jokingly.

I threw him my deathly glare. "So what do you think of me? A novice? Hello! Victoria Paula Lopez yata ang kaharap mo. Ikaw yata ang dapat kabahan."

"Hahaha. I know right nagbibiro lang ako masyado ka kasing seryoso eh." sabi ni Jake pagtapos niyang tumawa ulit.

"Let's go. Doon na lang tayo sa place ko dumiretso. Wait, did you bring your car?" tanong ko sakanya ng makatayo ako mula sa pagkakaupo habang pinapagpagan ang salmon pink na dress na suot ko.

"I thought you're a Lopez. Then why don't you have a car?" ngingisi-ngising tanong sakin ni Jake na ikinaasar ko naman

"Wait magpapatawag ako ng chopper nakakahiya naman sayo eh" I said habang iniirapan sya at dinudukot ang phone sa bag ko.

"Woahhh! Chill hahahaha. I'm just kidding" Jake said while laughing at lalong mas lumalim ang dimples niya dahil doon.

Uggh? So what!??

"Paula! Ano tatayo ka na lang dyan? Haha. Mauuna na ako sainyo hahaha" at hindi pa rin talaga siya tapos pagtawanan ako.  His dimples are annoying

"Ugh! Let's go" at nauna na akong maglakad sakanya palabas ng Starbucks

"Wow. Alam mo ba kung saan ako naka park? Sinasabi ko na nga ba eh. Lihim mo kong sinusundan eh." pang aasar na naman ni Jake. Bakit ba kasi ako nagpatiuna hindi ko naman alam kung saan sya nag park. Aiiiishh!

"Hahaha. Doon tayo sa parking ng school." sabi naman niya habang sinabayan na ako sa paglalakad

Kaya kita nag------- eh!

I heard him mumbled a word pero hindi ko na naintindihan dahil sa dumaang ducati. Ugh! Ang yabang naman ng isang yon.

Nandito na kami sa kotse ni Jake at medyo malapit naman na kami sa mansion. Napapansin ko na kanina niya pa ako tinatanaw tanaw sa rearview mirror nitong sasakyan pero hindi ko na lang masyadong inisip yon dahil iniiwas niya ang tingin nya pag lumilingon ako.

Napatingin ako ulit sa rearview ng maramdaman ko na namang may pares ng mata na nakatingin sakin.

And this time, our eyes are locked with each other. Now, whattt???

"Uh, nandito na tayo sa labas niyo." pagbubuksan sana niya ako ng pinto pero inunahan ko na siya at mabilis akong bumaba ng kinakabahan.

Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso ako ng punta sa kitchen. I think kailangan ko ng malamig na tubig.



What's with me? I thought to myself.

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon