13.3

11 0 0
                                    

VICTORIA PAULA'S POV

"Kyaaaaahhhhh!!!! Bes!! Oh my gee! Oh my gee!!" Doon ako muling nabalik sa wisyo. Sino ba namang hindi matatauhan pag di inalog alog ng paulit ulit katawan mo diba? Kung hindi lang ako shocked ng mga oras na to baka nasapak ko talaga tong bruha na to. Oo tama! Sino pa nga ba kundi si Cassie!

"Is this for real?" Medyo nag-aalinlangan pa din akong nagtanong kahit na alam ko naman talaga ang sagot sa tanong ko. Hindi ko nga namalayan na may suot na ako ng sash at may hawak na akong trophy. Oh diba? Ganon ako na shock. Matagal na din kasi ng huli akong sumali ng contest at first time ko lang din sumali sa isang duet competition.

"Yes. Let's celebrate?" Sagot naman ni Tristan Jake na sobrang lapad ng ngiti.

"Yeeees!! Sama ako ha. Ilibre nyo ako!" Singit naman ni Cassie sa usapan. Aasarin ko sana sya ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko muna ang dalawang kasama ko. Nag nod naman sila kaya lumayo ako ng konti para sagutin ang tawag.

"Mom!" Naexcite ako ng malamang si mommy pala ang tumatawag.

"Hi honey! You did great. Daddy and I are so proud of you!"

Mom must be really happy. I could hear it clearly. I am really touch. I almost forgot that they have watched my performance dahil nga naka livestream kami. Sossy? Naah. Sinadya talaga yun ng school because they know na most of the students here ay anak ng mga businesswomen and businessmen. At dahil nga doon, hindi lahat ng events ay makakapunta ang mga parents to cheer their sons and daughters.

"Thank you, mommy. Thank you for watching me. Thank you for sparing a little time to support me kahit wala kayo dito ni Dad" Speaking of dad. I missed him. I really do. I was a daddy's girl. But now-- ugghh!! Erase erase! I should be happy.

"Of course darling! Si dad pa ang nagpa resched ng mga meeting para mapanood ka namin. He's really excited nung nasa stage ka na."

Really? Si dad? Can't believe it. But I'm so happy with my mom's news. Atleast naramdaman kong kahit malayo sila, di nila nakakalimutan na suportahan ako. I smile with the thought.

"Thank you, mom. Please send my thanks also to Dad. I miss you both." Nakangiting sagot ko kay mommy. Sana makauwi na sila. I missed bonding with them.

"I will. I'll hang up na darling. I just called to say that we are proud of you and congratulations. Mag celebrate ka ha. Im so happy that you're old self is coming back. Always remember that we love you. Okay?"

Napangiti ako lalo sa mga sinabi ni mommy. Totoo nga talaga ang kasabihan. Mas magiging magaan ang bigat na nararamdaman mo kung matututo kang tanggapin ang mga nangyari na. I'm decided sasabihin ko na kila Tristan at Cassie kung sino at ano ba talaga ako. Wala naman masama diba? They're my friends. I should trust again.

"Okay mom. Thank you again and yes I will celebrate with my friends. Well, dalawa lang naman sila haha. Bye" I hear mom's laugh bago ko inend ang call. Binalikan ko naman agad ang dalawang kasama ko. They must be hungry lalo na si Cassie.

"Let's go?" I told them. Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Girls, saan nyo gusto? You decide." Tanong sa amin ni Jake. Actually napag isipan ko na kanina pa kung saan kami pupunta pero sana pumayag sila.

"Is it okay if we go to Antipolo?" i asked them. Medyo nagulat nga yata sila. Ang layo ba naman kasi ng Antipolo mula dito. It will take us 2 hours bago makarating doon. Lalo na ngayong gantong oras traffic.

"Bes, are you sure? Medyo malayo yun. Baka gabihin tayo masyado pabalik" tanong ni Cassie sa akin

"Actually, naisip ko na yan. Would you mind if mag stay tayo don for the whole night? We'll go home tomorrow din naman agad" sana talaga pumayag sila. I'm crossing my fingers under my bag.

"Sa akin okay lang naman. Ikaw Cassie?" Tanong ni Tristan kay Cassie na mukang nag iisip pa.

"Okay bes. If that's what you want. Daan muna tayo sa bahay para kumuha ng gamit ha" nakangiting sabi nya sa amin. Natuwa ako na pumayag sila sa gusto ko. Sana talaga tama ang desisyon ko.

"Yup. Thank you guys" sincere na sabi ko sakanila. Nagtataka siguro kayo dahil di na ko masyadong maldita no? Haha. Ako din eh. Well, ang hirap din naman kasi magpanggap. Tama ang kasabihan na 'be yourself'

After namin kumuha ng nga gamit namin, kumain muna kami sa pinakamalapit na restaurant and then nag grocery na din kami ng snacks namin before kami dumiretso ng antipolo. Exactly 8pm nakadating naman na kami agad. Dumiretso agad kami sa receptionist para makapag check in na kami. Dalawang rooms ang nirentahan namin. One for Tristan and another one para sa amin ni Cassie. Di naman na kami nag hintay ng matagl dahil inabot na sa amin agad ang susi at inassist na din kami papuntang mga rooms namin.

"Ang ganda dito bes. Very relaxing! Ang lamig pa ng hangin at fresh." sabi ni Cassie habang inaayos ang mga gamit nya.

"Oo nga eh. Very calm ang atmosphere dito" sagot ko naman sakanya habang kinukuha na ang swimsuit ko. Di naman na kailangan maghanda ng towel at balabal kasi binigyan kami kanina ng robe at towel na nakalagay pa sa basket. Kasama pala yun sa binayaran namin.

"First time ko dito sa Antipolo bes. Lalo na sa place na to. Ano nga ulit pangalan ng resort na to? Nakapunta ka na ba dito dati?" Tanong sakin ni Cassie habang nag reready na papasok ng cr upang magbihis.

"Actually first time ko din. Nag research lang ako kaya nalaman ko to. And ang name nya is Luljetta's hanging garden and resort" sagot ko naman sa kanya. Pumasok na din sya ng cr at pagtapos nya magbihis sumunod naman ako. After non, lumabas na din kami dahil baka naiinip na din si Tristan.

"Tara? Let's roam around the place. Mukang maganda ang water amenities nila dito. Thanks Paula for bringing us here. Nakaka relax dito" sambit ni Tristan habang bumababa kami ng mga hagdan.

"Welcome. Let's enjoy the night" yan lang ang naisagot ko sakanila habang nauupo kami dito sa Dr. Fish.

"Hahahahahha!!!!!! My gosshh!! Hihi hahahaha" sino pa nga ba ang eskandalosa dito? Si Cassie lang naman diba? Paanong di mag iingay e sobra daw syang nakikiliti sa mga Dr. Fish na kumakagat kagat sa paa nya. Parang maiihi na nga ang isang yon kakatawa.

"Tara guys doon naman tayo sa hydro massage" yaya sa amin ni Tristan after ng mga ilang minuti. Kanya-kanya naman kami ng pwesto. Ang ganda ng place na to. Breathtaking talaga. Overlooking sya and highlight talaga nya is to get away from stress.

"Ang sarap naman dito sa hydro massage parang ayoko ng umalis sa pagkakadapa ko dito" wika ni Cassie. And yes, nakadapa kami. Meron kang dadapaan and then may water na babagsak sa likod mo.

"Are you guys enjoying it?" tanong ko sakanila and they answer me 'yes' in chorus. Na try namin lahat ng lahat ng pwede nilang i-offer dito like sauna,jacuzzi,hydro pool and more. Nakapag picture na din kami and now, nakatambay kami dito sa infinity pool nila. Kami nga lang ang tao eh which makes it easy for me.

"Uhm guys?" Basag ko sa katahimikan. Mukang sarap na sarap na kasi yung dalawa sa pagtanaw ng kabundukan muntik ko ng malimutan ang purpose ko. Sabay naman silang tumingin sakin bago ako tuluyang nagsalita.

"I have something to say"

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon