"Mahal na mahal kita Iloveyou forever Nathan Ford." Sabi ko sa kaniya ng punong puno ng pagmamahal. "Mahal na mahal din kita Iloveyou forever Dana Cane hindi kita iiwan at hindi tayo maghihiwalay unless, iiwan mo ko."
"Anong iwan iwan? Nakakain ba yon?" Sabay tawa ako ng tawa. "Ikaw talaga babe puro ka biro kaya mahal na mahal kita eh." sabay yakap niya sakin. "Mahal na mahal kita I loveyoutoo forever babe." niyakap ko rin siya ng mahigpit.
Mahal na mahal ko si Nathan kahit lagi kaming nag aaway.Sa katunayan nga halos ilang beses narin kami nag break dahil minsan marami na siyang pagkukulang.Minsan wala na siyang time sakin kase lagi siyang busy sa school.Minsan naman sa photoshoots niya.Pero pag may free time naman siya di manlang siya makapag spend ng time para makasama ako and I really hate it! Feeling ko nga hindi siya seryoso sakin.Pero at the end of the day,sakaniya parin ako bumabagsak at bumabalik.Ewan ko ba, Sana siya na talaga.
Sana nga...
Pangalawa ko na siyang boyfriend. Yung first boyfriend ko hindi nagtagal kase hindi niya ko nakayanan.Hindi niya nakayanan yung pagiging bipolar at moody ko.Kaya nga bilib na bilib ako kay Nathan eh.Isipin mo kahit ganto yung ugali ko natitiis at tinatanggap parin niya ko.That's why I know that Nathan really loves me.
"Babe iuuwi na kita sa inyo gabi na." Kumalas na ako sa pagkaka yakap niya saakin. "Mabuti pa nga" Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa kotse niya.Hanggang sa makarating na kami sa bahay sakto naman na lumabas si uncly.
"Salamat sa pag hatid sa kaniya Nathan,mag iingat ka." sambit ni uncly. "Salamat po tito Darwin. "Sumakay na ng sasakyan si Nathan.Nag wave siya sakin kaya nag wave rin ako sa kaniya.Napagod ako ngayong araw kasi ang dami naming pinuntahan kaya natulog na ako.
Alarm 4:30 am
(Kring! Kring! Kring!)Maaga pa pala ko papasok ngayon.Tinignan ko yung phone ko wala paring text si Nathan.Bakit kaya? Kahit mga gantong oras may narereceive parin akong text messages from him pero bakit ngayon wala? Ito nanaman ba yon? Mawawalan nanaman siya ng time saken? Hays..
Bumangon na ko para maligo.Pagkatapos,bumaba na ko sa dining area.Then,sakto nakita ko sila mom and uncly gising narin pala sila.
"Oh anak gising ka na pala, kumain ka muna dito." pag aaya ni mom. "Sige po." sambit ko naman sabay sinabayan ko na sila.
Tahimik kaming kumakain. Maya maya binasag ni uncly ang katahimikan.
"Kamusta na kayo ni Nathan?" Tanong ni Uncly. "Okay lang naman po uncly". Sambit ko.Pag katapos ko kumain nag paalam na ko kila mom and uncly.
"Mom.. Uncly. I have to go" lumapit ako sakanila para magbigay ng goodbye kiss. "Take care daught" sambit ni mom.
Close kami ni Uncly but not too much. Si Mom lang kasi yung lagi kong kasama.
"Manong tara na po" sambit ko sa driver namin. "Yes Miss Dana" sagot naman niya. "Nako po manong Charles, Dana nalang po o anak yung itawag mo sakin para ko na po kayong tatay eh." I said
"Salamat anak" sagot niya sabay pinaandar na ni manong yung kotse.
Wala pang kalahating oras nakarating na kami sa university wala kasing traffic kaya mabilis lang yung byahe. Bumaba na ko ng kotse at umalis na siya.
"Danaaaaaaaa Cane!!!!!!!!!"
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin."Ay Bukaka!"
Napatingin ako at nakita ko si Brenna Delos Santos, yung bestfriend kong abnormal na kasundo ko sa lahat ng bagay. Siya yung tipo ng tao na iintindihin ka, tutulungan at itre-treat as one of her family. Kaya nga mahal na mahal ko 'to eh. *EWWWWW!
BINABASA MO ANG
The Alien Stole my Heart
Teen FictionDedicated to Mark Daniel Martin Pag mahal ka, babalikan ka? No. Kung mahal ka, in the first place hindi ka na niya iniwan. This story is all about Dana Cane and Kram Martin. Nakipag hiwalay si Dana Cane kay Nathan Ford ang kaniyang EX Boyfriend dahi...