Andami na naming napag usapan ni Kram. Close na nga kami eh! Ang saya niya kausap Hahahahaha. Masayahin pala siyang tao. Paveve lang niya yung kanina. Palubog na yung araw kaya kailangan ko na umuwi. Kaya nagpaalam na ako kay Kram.
"Kram, I have to go. Ikaw?" Sabi ko sa pinagpag ko yung pwetan ko at tumayo.
"Oo uuwi narin ako" sabi niya sabay tumayo narin siya.
"Ah ganon ba? Sige bye ingat ka. That was great" (I'm talking about sa pag uusap namin kanina) Sabi ko sabay nginitian ko siya at naglakad na ako.
"Teka Dana. Wait" Hinawakan ni Kram yung braso ko dahilan para mapahinto ako sa pag lalakad.
"Bakit Kram? May problema ba?" Sabi ko sabay tiningnan ko siya.
"Ay wala. Pahingi ng contact number mo." Sabi niya sabay binitawan niya na yung braso ko.
Bibigay ko ba? Syempre....
"Sige sige". Iniabot niya yung phone niya then, tinype ko yung number.
Swerte niya ha! Hindi ako mahilig mag bigay ng number. Bibihira lang! Nako, napaka swerte naman ng batang ito. Nabigyan ng malaking opportunity. Napaka blessed kid. Hahahua.
"Salamat. Bye ingat ka" sambit niya. Sabay nginitian ko siya at dire-diretso na kong naglakad. Di ko alam kung umuwi narin siya. siguro naman naka uwi na 'yon. Sumakay na 'yon sa spaceship.
Ng makarating ako sa bahay nakita ko si Mom. Nanonood ng TV sa sala. Si Shi wala, nasa school. Then, si Uncly naman nasa trabaho. Hindi nag wo-work si mom kase ayaw na siyang pag trabahuin ni Uncly. He wanted to treat mom as a Queen. Syempre, ako yung Prinsesa. Char!
"Hi mom" bati ko. Then, lumapit ako sakaniya para ikiss.
"Hi daught. How was your day?" Tanong niya.
Ayon, okay lang naman. Okay lang ba ko? Syempre hindi. Umalis si Nathan. 2 weeks sila don sa Olongapo eh! Ni isang araw nga lang hindi ko na kayang hindi siya nakakausap. Kaya nga nung almost 3 days siyang hindi nag paramdam sakin para na akong mababaliw! Syempre ayoko ng maulit yung nangyari dati. Nakakapagod rin kaya!
"Okay lang naman po mom." Sabi ko then, I smiled.
Napaka fake.
"Good." Sabi niya.
Hindi siya good mom. Hindi eh. :(
"Sige po mom, akyat na po ako" sabi ko.
Umakyat na ko sa room ko para makapag pahinga. Nakakapagod yung araw na 'to. Ano ba ginawa ko? Pumasok sa school, nag aral ng mabuti tapos chikahan together with Kram. Nakakapagod talaga! Haha. Kows! Nag palit na ko ng damit na pambahay. Tapos humiga na ko sa kama. Unti-unti nang pumikit yung mata ko. Bigla naman tumunong yung phone ko. Istorbo naman 'to! Mananaginip na yung prinsesa eh. Inudlot pa.
(Unknown Number)
Yow Dana
Sino naman kaya tong 'unknown number' chuchu? Wait wait wait. Flashback muna tayo. Hinawakan ni Kram yung braso ko tapos tinanong ko kung baket. Then, he asked for my....
Si Kram to. Alam na.
(Unknown Number)
Yow Kram?
I replied. Pasalamat siya at close na kami! Kundi. Who you sakin to. Istorbo eh! Sinave ko na yung number. Nagmumukhang stranger si Kram pag number lang yung nakalagay.
From: Kram
Kamusta? Hahaha.
Kamusta daw oh? Kaka usap lang namin kanina. Kamusta agad? Ayos yon pre ha. Alien talaga 'to eh. Bagay na bagay sakaniya yung libro na binili niya.
BINABASA MO ANG
The Alien Stole my Heart
JugendliteraturDedicated to Mark Daniel Martin Pag mahal ka, babalikan ka? No. Kung mahal ka, in the first place hindi ka na niya iniwan. This story is all about Dana Cane and Kram Martin. Nakipag hiwalay si Dana Cane kay Nathan Ford ang kaniyang EX Boyfriend dahi...