Chapter 14: He needs me

28 4 0
                                    

Pumasok na ako agad sa kwarto ni Kram dala dala yung planggana na may tubig at bimpo. Nakita ko na natutulog na siya.

"Hays. Kawawang Kram" bulong ko sa sarili ko sabay nag buntong hininga ako. Naalala ko, may tubig at gamot pala ako sa bag. May naitulong talaga yung pagiging girl scout ko nung elementary. Hahahua! Kinuha ko ito sabay ginising ko si Kram.

"Kram, gising. Inom ka muna nito oh. Paracetamol to." Sambit ko sabay dahan dahan niyang iminulat yung mata niya.

Hays.. napaka gwapong nilalang.

"Ito pa oh tubig" dagdag ko pa pagka inom niya ng gamot.

"Salamat Dana. "  sabi niya sabay inom niya nung tubig.


*Knock Knock*


May kumakatok kaya binuksan ko na yung pintuan.

"Ay ate Christine, ikaw po pala"

"Ahh oo Dana.. ito oh pagkain niyo for dinner. Tell him nalang na hindi makakauwi si lola ngayon kase baha sa manila. Nag stay muna si lola don." Sambit ni ate Christine habang dala dala niya yung pagkain namin ni Kram na nasa tray.  Wala na talaga akong ma say sa ate ni Kram. Kundi THE BEST! napaka swerte ni Kram sa ate niya.

"Ay sige po. Salamat dito te. Pasok ka po muna" pag aaya ko. Sabay kinuha ko na yung hawak niyang tray.

"Ay hindi na Dana.. salamat ah? Inaalagaan mo yung kapatid ko" sabi ni ate Christine. Oo naman po. Basta para kay Kram, I'll do everything no matter how hard it is.

"Okay lang po yun." Sabi ko sabay nginitian ko siya.

"Sige sige. Baba na ko ha?" Sambit naman niya sabay bumaba na siya. Sinarado ko naman yung pintuan.  Iniligay ko naman yung pagkain sa table tabi ng kama ni Kram. Umupo naman ako sa tabi ni Kram.

"Kram pinag papawisan ka na. Pinatay ko muna yung aircon para hindi ka ginawin. Halika punasan ko muna yung mukha mo" sabi ko sakaniya. Agad agad naman siyang lumapit sakin.

Shocks! I really hate this feeling. Konting konti nalang mababaliw na ko dito kay kram.

Binasa ko na ng tubig sa planggana yung bimpo na kinuha ko kanina sa cabinet niya. Pinunasan ko na yung mukha niya.  At mga braso.  Pagkatapos, binasa ko ulit yung bimpo.

"Oh ito,.. hawakan mo muna. Ilagay mo lang yan sa noo mo. Para matanggal yung init sa loob ng lamang lupa mo"

"Hahaha. Baliw ka talaga" sabi niya. Nakakamiss din pala tong ngiti niya kahit ilang oras ko palang hindi nakikita.

Calling...
Mama Harei

Tiningnan ko si Kram. Tumungo naman siya sakin na parang sinasabi niya na sagutin ko na yung tawag. Kaya sinagot ko na.

"Yes Ma?"

"Asan ka bang bata ka ha?! Ang lakas ng ulan! Tska gabi na hindi ka pa umuuwi!" Sigaw ni mama. Halos ilayo ko na yung tenga ko sa lakas ng boses niya. Narinig rin yon ni Kram kaya napatingin siya sakin.

"Sorry po Ma. Andito ako ngayon kila Kram. May sakit kasi siya eh. Tska baha na po sa labas gawa ng malakas yung ulan kaya hindi po muna ako makakauwi sa bahay ngayong gabi. Don't worry ma. Okay? Safe ako dito"

"Ah ganon ba? Sige sige. Basta magiingat ka diyan ha? Iloveyou babye" sabi niya. Diba? Kampante agad siya? Kase kinwento ko na sakaniya si Kram. At boto naman siya. As if naman na magiging kame -.- lol

"Iloveyoutoo ma"

Pinatay ko na yung tawag at kinuha ko na yung tray ng pagkain namin.

"Tara dito Kram, kumain ka muna. Susubuan nalang kita" sabi ko sakaniya.

"Wag na.. ako nalang kakain mag isa. Ikaw kumain ka na lang diyan." Sambit ni Kram sabay kinukuha niya yung plato na hawak ko.

"Ako na Kram okay? May sakit ka eh." pagpipilit ko. Hindi niya ako mapipilit. Makulit ako eh. Haha

Tumango nalang siya. Sinubuan ko siya hanggang maubos yung pagkain niya. Ang sarap ng feeling kapag inaalagaan mo yung taong mahal mo.  Pero ang tanong? Kailangan niya ba ako? Waaa. Sad


Ikaw yung nandiyan, pero hindi ikaw yung kailangan.

"Maya maya ka na muna matulog mga 10 minutes. Magpahinga ka muna diyan." Sambit ko sabay ako naman yung kumain.

Kinuha ko yung pagkain ko at kumain na ako sa tabi niya. Hindi na ako umalis. After 10 minutes natapos narin ako.

"Pwede ka nang matulog Kram" sambit ko sakaniya.  Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.


"Good night sugar"


Sugar? Sugar? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit niya akong tinawag na sugar? Bagong callsign ba namin yon? So sweet.



"Good night den sugar. Matulog ka na para gumaling ka agad"  sambit ko.  Sabay nginitian ko siya.

Gustong gustong gusto ko na talagang kiligin. Yay!  Woooooooooooo! Wag dito Dana. Nakakahiya haha lol

Kinuha ko na yung tray na pinagkainan namin ni Kram at naglakad na ko sa pintuan para lumabas. Bumaba ako sa hagdan. Wala ng gising. Ako nalang. Ang aga nila matulog  gantong oras nag babasa pa ko ng wattpad eh. Hahaha Dumiretso naman ako sa Kitchen para hugasan yung mga pinag kainan namin.

That should be me

holding your hand

That should be me

makin' you laugh

That should be me

this is so sad

That should be me

That should be me~

Kanta ko habang nag huhugas ng plato. Sabi nila pag nag huhugas daw ng plato sabay nakanta gusto na daw mag asawa? Di naman totoo yon eh. Hindi ba pwedeng inspired lang? Inspired sa isang tao na hindi naman ako magagawang mahalin.

"Ang ganda pala ng boses mo"

"Ay bukaka!'

Nagulat nanama ako. Buti nalang hindi ko nabitawan yung plato. Paglingon ko nakita ko si Ate Christine. Gising pa pala siya eh. Akala ko ako nalang yung gising dito sa bahay. Mas mabuti na 'yon. Medyo natatakot ren kasi ako mag isa eh.

"Hahahaha. Sorry kung nagulat kita" sabi naman ni ate Christine.

"Ay. Sorry rin po. Okay lang ate. Bat hindi ka pa po natutulog?" Sambit ko habang binabanlawan ko na yung plato.

"Hindi ako sanay matulog ng maaga eh. Eh si Kram kamusta na siya?"  Tanong niya.

"Ayon.. tulog na siya ate" sambit ko.

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon