Chapter 8: Ouch!

40 4 0
                                    

"Araaaayyyyyyyyyyyyyyy! Ang sakeeeeeeeeeeeeeeeet! Ayoko naaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko.

Mangiyak ngiyak na ko. Hindi ko na talaga kaya! Sobrang sakit ng ngipin ko! Ang dami kong nakain na sweets kagabi! At ngayon eto ako. Ngumangawa sa sobrang sakit ng ngipin! Hoy nag toothbrush ako ha?! Masakit lang talaga ngayon. Siguro may sira na talaga yung ngipin ko. Kailangan ko ng magpabunot. Aray ko po!

"Ate! Ate! Baket?" Sabi ni Shi habang kumakatok siya sa pintuan ko. Hindi naman naka lock yun eh. Abnormal talaga 'tong kapatid ko. May pinagmanahan talaga.

"Bruha! Di naka lock yan!" Sigaw ko habang nakahawak parin sa pisngi ko. Sobrang sakit! Hindi yata ako makakapasok ngayon. Nakaka asar! Pumasok na si Shi sa room ko

"Ano ba kasi nangyayari sayo ate ha?" Nag aalala niyang tanong

Sa totoo lang natutuwa ako sa kaniya. Kase kahit lagi kaming hindi nagkakasundo, may isa lang sa amin na umiiyak o nasasaktan. Nandito parin kami sa isa't isa to help each other. Hindi lang talaga kami sweet at showy pagdating sa usapang love.

"Masakit! Sobrang sakit!" Sabi ko. Sabay takbo niya papalapit saakin. Tinabihan niya ako sa kama.

"Sabi naman kasi sayo ate iwanan mo na yon eh! Hindi ka mahal 'non! Babaero yon eh! Nako. Pag iniwan ka niyan tamo! Hindi na ako magtataka!" Sigaw niya. Baliw talaga 'tong kapatid ko. Hindi naman si Nathan 'yung sinasabi ko eh! Ayaw niya rin kase kay Nathan kesho daw lolokohin at iiwan lang daw ako non. Hay nako! May nag eexist pa bang Kram sa mundo? Sana kase siya nalang!

Ayyyyy! Wala po akong sinabi ha?!! Walaaaaa!

"Baliw! Hindi si Nathan!"

"Eh ano ba kase 'yon ate?!!" tanong niya. Hindi pa ba niya nahahalata na masakit yung ngipin ko? Nakahawak na nga ako sa pisngi ko eh!

"Yung paa ko masaket kase! Kumain kase ako ng sweets kagabi kaya sumaket!" Pamimilosopo ko sakaniya.

"Pabunot mo na ate. Kaso mas masakit pag walang paa. Hahaha" sambit niya. Kitams? Kahit anong gawin mong pamimilosopo sakaniya may katapat eh! Manang mana saken eh.

"Bruha ka talaga. Kuha mo nalang ako ng gamot. Namamaga pa yung ngipin ko, bawal pa 'to ipabunot. Siguro bukas nalang"

"Sige ate wait mo lang" sabi niya sabay agad agad naman siyang bumaba para kumuha ng gamot. Kailangan ng mawala yung pamamaga nito para bukas makapag pa bunot na ko! Waaaaa.

To: Brenna

Be! Hindi ako makakapasok ngayon tska bukas. Ang sakit ng ngipin ko eh bukas magpapabunot pa ako! Kung gusto mo pumunta kayo ni Kram dito sa bahay after ng class niyo.

Tinext ko na si Brenna. Sigurado akong hahanapin ako 'non eh.

From: Brenna

Sige be! Yayaain ko si Kram. Hinahanap ka nga niya kanina eh. Actually kasama ko siya ngayon.

Hinahanap? Bakit naman niya ako hahanapin?! Sabagay si Brenna nga hinanap rin ako eh.

Calling...
Kram

My G! Bakit tumatawag si Kram? Waaa. Sagutin ko na nga lang. Mamaya magalit nanaman siya saken eh.

"Oh baket Alien? Este Kram?" Tanong ko sakaniya.

"Bakit si Brenna tinetext mo, ako hindi?! Tska baket hindi ka pumasok ha?" Tanong niya ng pasigaw. Ano kayang problema nitong lalakeng 'to? Nag aala ba siya saken? Ayhieeee. Haha kenekeleg eke. -_________-

"Ang OA neto." Sabi ko naman sakaniya. Ang OA naman kase eh! Alien. Pero nakakatuwa rin kase may isang tao na nag aala sayo eh. Hays.. hindi ko naiwasan mapangiti.

"Ano nga? Nako nako Dana pag naging tayo mas OA pa ko sa OA pag nag alala hahaha malabo."

Whaaaaaaat?!! Anong sinasabi nitong lalakeng 'to?! Anong pag naging kame?! Pag ako na fall dito eh! Waaa! Ano bang iniisip ko? Hindi pwedeeeee.

"Hahahahaha. Wag mong pangunahan Kram"

What the H! Anong sinabi ko?! Kung ano ano nalang yung lumalabas sa bibig ko! Note to self, bawal ma fall!!

"Hahaha sige sige." Sabi naman niya. Nakisakay naman tong lalakeng to! Alien talaga eh! Pinatay niya na yung phone. At ako naman naiwang taranta sa nagawa ko. Dapat hindi ko sinabi yon eh!

"Ate sino si Kram?" Tanong ni Shi. Nakakuha na pala siya ng gamot. Narinig niya din pala yung pangalan ni Kram. Aasarin nanaman ako nito sigurado!

"Ah.. eh... Classmate ko" sabi ko nag pautal utal. Kinakabahan ako eh!

"Weh? Hindi nga ate? Crush mo 'yon no?! Ayhie ayhieee. Hahahahahahaha" pang aasar niya. Sabi na aasarin ako nito eh! Kabisadong kabisado ko na 'tong kapatid ko.

"Crush crush ka diyan?! Hindi ah!" Pag de-deny ko. Crush ko ba 'yon si Kram? Di na uso crush ngayon no!

"Sus ate! Namumula ka kaya habang kausap mo siya tas nakangiti! Boto na ko diyan kay kuya Kram" sambit niya. Baliw tong si Shi! Di pa nga niya nakikita at nakikilala boto na agad siya?!

"Anong boto boto yung pinag sasasabi mo diyan?! Hindi mo pa nga nakikita yon boto ka na agad?!"

"Oo ate!" Sabi niya na may malaking ngiti. Lakas maka Ryan Rems eh! Idol niya siguro yon.

"Ha bakit naman?!" Pag tataka ko.

"Eh kasi napapasaya ka niya" sabi niya na may kasamang normal na ngiti. Yung ngiti na masaya para sa kapatid niya.

Oo nga? Dahil kay kram may "Hahahaha" ng kasama lagi kapag nag tetext ako. Pag kasama ko si Kram masaya ako. Lagi niya akong napapasaya. Bakit kaya hindi ko siya gustuhin?

Calling...
Nathan

Ay! May boyfriend pala ako! Nakalimutan ko! Sinagot ko yung tawag ni Nathan. Bakit parang hindi na ako excited nung tumawag siya? Tska bakit parang hindi ako nalungkot nung hindi siya nag tetext o tumatawag? Ang weird!

"Hello? Baket?" Tanong ko sakaniya. Teka! Boyfriend ko ba talaga to? Bat wala akong 'BABE' na binanggit? Kaloka.

"Sa isang araw na yung uwi ko." Sabi niya. Wala manlang ako naramdamang saya nung sinabi niya yon. Bakit bigla bigla nalang nagkaganito yung nararamdaman ko?

"Ahh ganon ba sige." Tipid kong sagot. Parang hindi kami in a relationship eh. Para lang kaming barkada mag usap. Hindi ko maintindihan yung kinikilos ko ngayon. Takte! Pinatay niya na yung phone. Wala siyang pake saken? Okay lang. Nakita ko naman si Shi na nakatingin sakin na nakangiti sabay bigla siyang sumigaw

"Yes wooooooooo!"

"Oh bakit ang saya mo?" Tanong ko sakaniya. Para siyang nanalo sa lotto kung makasigaw eh.

"Hindi mo na mahal si Kuya Nathan! Kase may iba ka ng gusto! Woooooo!" Sambit niya sabay nag tatatalon siya at tinataas niya pa yung mga kamay niya.

Ibang gusto? Anong pinag sasasabi nitong kapatid ko?

"Ha??! Hindi kita magets!" Tanong ko sakaniya. Ang weird niya eh!

"Kase habang naguusap kayo ni Kuya Nathan hindi ko nakita na masaya ka, diba ilang araw na siyang hindi nagtetext sayo ate? Pero para wala lang sayo nung tumawag siya. Hahahaha"

Bilib din ako dito sa kapatid ko eh. 2nd year highschool palang ang dami ng alam sa pag ibig! Sabagay, siya pala yung pinag kwekwentuhan ko minsan tungkol kay Nathan. Kasalanan pala nung ate hahahahaha!

"Talaga Shi?"

"Oo ate. Gusto mo na si Kuya Kram..Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Kilala kita ate" sambit niya sabay tumabi siya saakin.

Oh. Nabasa niyo naman diba? Gusto ko na nga si Kram hindi ko alam kung kelan pa 'to. Siguro nung pumunta kaming EK. Hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. They say,

When you know why you like someone, it's a crush. When you have no reason or explanation, it's love.

Sometimes, you can't explain what you feel for a person. Kailangan ko lang talaga siguro ng tao na makakapag linaw sakin ng nararamdaman ko. At si Shi yung nakatulong sakin. Pero paano si Nathan? Paano?????

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon