Chapter 13: Sick

32 4 0
                                    

"Baka magalit ate mo ah?" Andito kasi kami sa isang kwarto na sobra... as in sobrang linis! naka organize lahat ng gamit. Kaya alam kong babae yung may ari neto. At si Ate Christine yon.

"Ha? Hindi ah. Ba't naman siya magagalit?" Tanong niya habang kumukuha siya ng damit sa wardrobe niya. Habang ako naman nakaupo sa kama niya.

"Eh kaniya kaya 'tong kwarto. Baka magalit yun." Sambit ko sabay nagbuntong hininga. Nilalamig narin ako eh may aircon pa dito. Aww! Magkakasakit kami nito eh.

"Hahahahahaha!"

Boom! Abnormality strikes. Tumatawa bigla ng walang dahilan? Hala?! Kram, malala ka na. Hahaha kaloka! Baket kaya 'to natawa? Abno talaga.

"Luh? Tawa ka? Saya no?"

"Hahahaha. Nakakatawa ka kase eh baliw." Sagot naman niya sabay inihagis yung damit niya sa kama.

"Wooo. Grabe! Ang High! Anong nakakatawa don ha? Baliw ka ba ha?" Sinabi ko ito sa BABALU VOICE with feelings pa. Haha



*Knock Knock*


"Ate pasok.. bukas yan" sigaw ni Kram.

Bumukas yung pinto at nakita namin si Ate Christine dala-dala yung damit na ipapahiram niya saakin.

"Dana, eto yung damit oh. Ang lakas ng ulan eh. Mag stay ka muna dito ngayong gabi.  Gusto mo ba sa kwarto ko nalang ikaw matulog?"

Napatingin naman ako bigla kay kram at tingin ko pigil na pigil yung tawa niya. Ang cute sana niyang tingnan kaso ang lakas mang asar eh. Tumingin ako sakaniya at binigyan ko siya ng look na nagsasabing  'Oo na! Hindi na kwarto ng ate mo to alien!' .

"Ayy sige po ate Christine. Dito nalang po ako salamat" sambit ko sabay kinuha ko na yung damit na ipapahiram niya sakin.


"Sige sige." Sabi naman niya at lumabas na ulit siya at sinarado yung pintuan.

"Ilabas mo na yang tawa mo. Halatang pigil eh!"


"Hahahaha. Ba't mo naman nasabing kay ate 'tong kwarto?" Tanong niya sabay umupo siya sa kama.

"Ang linis kaya! Bakla ka yata eh."

Bakla si Kram? No way!


"Porke't malinis yung kwarto bakla na? Hindi ba pwedeng malinis lang talaga yung pagkakalinis ni Ate? Hahaha." Pagbibiro niya.

Kaya pala maayos lahat! Si ate Christine yung nag aayos. Buti hindi naiirita si Kram sa nakikita niya? Ang alam ko kase makalat sa kwarto yung mga lalake eh? Hahaha joke lang po.

"May sinabi ako? Haha alien."

"Wala. Hahaha! Mauna ka na maligo. Lalabas muna ako ng kwarto" sabi ni Kram. Iiwan niya ko dito mag isa? Nakakatakot! Mamaya may mga masamang nilalang dito eh.

"Hala! Dito ka lang kram. Wag mo akong iwan dito" takot kong sabi.

"Eh paano ka makakapag bihis?"


"Isusuot ko yung damit malamang" pamimilosopo ko sakaniya. Ang sarap niya talagang asarin lasang pandan hahaha lol



"Ah sige labas na ko"


"Joke lang naman Kram! Sa Cr nalang ako mag bibihis. Please dito ka lang" sabi ko. Ayoko talaga maiwan dito mag isa.

"Oo na sige na. Maligo ka na!"


"Thankyou!" Lumapit ako sabay niyakap ko siya. Teka! Ouch! Nasa lutuan ba ako? Ba't ang hot. Huahua

"Hala? Ang init mo ah? Mauna ka na maligo.  Lalagnatin ka niyan sigurado" pag aalala kong sabi. Yung mga nabeberde diyan. Tigilan niyo hahaha.

"Wag na. Ikaw na yung una maligo. Baka ikaw pa yung magkasakit eh" sabi niya. Ang tamlay ng mukha niya. Ang tigas ng ulo namin. Dapat hindi kami nag pa ulan eh! Ang lakas pa ng aircon dito. Hays! I admit na sweet talaga si Kram at caring. Aish. Delete delete! Bawal naaaa may Dea na siya. Awts balikan ko nalang si Nathan? Waaa. Asa pa na babalik sakin 'yon. Pagkatapos ko ba naman saktan eh.


"Hindi Kram. Ikaw na. Nilalagnat ka na oh? Dali na ikaw na. Wag ng matigas yung ulo" sambit ko sakaniya. Tumango naman siya at agad tumayo at naglakad papuntang CR. Mabuti ng ako yung magkasakit kesa si Kram. Malakas naman yung resistensiya ko eh. Kaya, kaya to!

After 15 minutes.


Bumukas na yung pinto at lumabas si Kram. Ang gwapo talaga niya. Wet look shocks! Lumapit siya saakin habang pinupunasan niya yung buhok niya ng towel. Naka damit na siya ha! Wag kayong ano diyan guys. Nilapitan ko siya agad para i-check kung mainit parin siya.


"Ang init mo parin Kram. Wait ah hintayin mo ko diyan. Maliligo lang ako." Sabi ko sabay agad agad ang pumasok ng CR. Pag tingin ko, maygad! Ang linis talaga! Takte. Hahaha. Pag tingin ko sa damit na binigay ni ate Christine may kasama ng Towel, at underwear, bra at toothbrush. Bago, nasa isang pouch pa nga eh! For visitors siguro to.



Nagmadali akong nag sabon, nag shampoo at nag toothbrush narin ako.  After ko gawin yon nag suot na ako ng damit at yung towel nakalagay sa ulo ko. Para matuyo, hindi kase matutuyo yon sa kwarto ni kram. Malamig eh! Inabot ako ng 10 minutes sa pag ligo. Mabilis pero proper naman. Pag sa bahay ako naliligo inaabot ako ng 1 hour. Hahaha marami pa kaseng seremonyas eh. Ng lumabas ako ng CR nakita ko agad si Kram.


"Ay jusko! Kram!" Sigaw ko.  Nagulat ako nung makita ko si Kram na nanginginig habang naka salukbong ng kumot. Agad agad naman ako kumuha ng bangko para abutin yung aircon para hinaan. Ang taas kase eh! Pagkahina ko. Naghanap ako ng towel. Sakto naman at may nakita ako sa isang cabinet.

"Wait lang kram, wait lang"


Agad agad akong bumaba para kumuha ng maligamgam na tubig. Dali dali akong lumapit kay ate Christine.


"Ate! Saan po ba may maligamgam na tubig? Tska planggana? Nilalagnat kasi si Kram eh. Andon siya sa taas" taranta kong sabi.

"Wag kang mataranta Dana. Ganyan talaga si Kram. Nanginginig siya no? Ganyan siya pag nilalagnat eh. Ako nalang bahala" sabi ni ate Christine. Nakakahiya naman kung siya pa yung mag aalaga kay Kram eh ako naman yung dahilan kung bakit siya nagkasakit.


"Ay hindi na po ate. Ako nalang po. Ako naman yung dahilan kaya siya nilalagnat eh. Asan po ba yung mga kailangan ko?" Taranta ko paring sabi.


"Ah sige. Andon" sabi niya sabay turo sa direksyon malapit sa kitchen.

Dali dali akong kumuha ng planggana at isang thermos. Naglagay ako ng tubig sa planggana at agad agad naman akong umakyat sa kwarto ni kram pagkatapos nito.





The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon