Chapter 17: Favor

21 4 0
                                    

Dana

"HAHAHAHAHAHAHA grabe! Hindi pa nga nagiging kayo may anak  na kayo agad agad? Napaka mapusok na talaga ng mga kabataan ngayon"

"Tangek! Hindi naman ako yung nagsabi na anak namin yon eh. Siya nag sabi..  tska hinaan mo yung boses mo! Baka may makarinig sayo eh. Ang dami pa namang tao dito sa Park. Ikaw talaga kahit kelan yung mukha mo Brenna extraneous!" Sagot ko baliw kase.

Extraneous means wala. Parang mukha ni Brenna. WALA hahahahahahahaha joke! Tumawag sakin si Kram kanina then, he told me na may nagtext daw sakaniya Dana Cane Martin daw yung pangalan. Sino kaya yon? Nagtataka ren ako. Kase baket kay Kram nag text at hindi saken. Tas Dana Cane Martin pa yung pangalan. May pinag sabihan ba siya ng pangalan ko? O may pinagkwentuhan ba siya? Niloloko kame eh! Ang lakas mang trip.

Pero wag kayo! Close na kami ngayon. Nakaka asar! Pero hindi niya parin sinasabi kung sino siya. Hayaan na.  Kung sino man siya. Friends na kame. Hahahaha!

From: Anak namin ni Kram

Hoy! Ba't hindi ka na nagrereply ha?!

Pagkabasa ko sa message. Diba? Close na kame? Hoy tawag saken eh. Pinanindigan ko na talaga na anak namin siya ni Kram. Grabe! Hindi ko maintindihan pero kinikilig ako nung sinabi niyang anak namen 'tong mystery girl A.K.A Dana Cane Martin. Kahit kalokohan nakaka kilig parin. Hahahahahahahua!

To: Anak namin ni Kram

Sorry na nga eh! Hahahua. Ano ba talaga yung totoong pangalan mo? Please sabihin mo na. Hindi naman ako magagalit eh.

"Mukhang enjoy na enjoy kang katext  yung 'ANAK' niyo ni Kram ah?"

"Baliw. Hahahahaha inggit ka lang eh. Palibhasa single." Pang aasar ko sakaniya.

From: Anak namin ni Kram

Claudine.

Reply ni Mystirl short for Mystery Girl. Claudine? Wala naman akong kilalang claudine na pangalan niya eh.

"Kung makasabing single. Kala mo siya hindi eh! Baket? May kasiguraduhan ka ba na magiging kayo ni Kram? Ni hindi pa nga siya nakaka move on sa Ex niya diba?"

Nasaktan ako sa sinabi ni Brenna. Parang pumasok mula ulo hanggang paa yung Karayom sa katawan ko. Ang sakit talaga takte! Pero hindi ko naman maiwasang umasa kasi pinaparamdam niya sakin na gusto niya rin ako.  Kaya nakakatakot umasa eh! Hindi ko rin naman masisi si Brenna kasi totoo naman yung sinabi niya. Hindi ko na naiwasan na tumulo yung luha ko.

"Oo walang kasiguraduhan na mahal o gusto rin ako ni Kram. Walang kasiguraduhan na magiging kami. Alam kong napaka tanga ko kasi pinagpalit ko si Nathan kay Kram. Alam kong mali kasi nagustuhan ko si Kram kahit mag iisang buwan palang kami mag kakilala.. Pero Brenna, hindi mo ako maiintindihan eh. Iba si Kram. Ibang iba si Kram sa lahat ng mga lalakeng nakilala ko. Napaka dali niyang magustuhan. Alam mo bang ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon? Kasi naiinis ako dahil hindi niya pa makalimutan si Dea. Pinaparamdam niya sakin na nakalimutan na niya yon pero everytime I'm asking him about this hindi parin niya nakakalimutan si Dea yung palagi niyang sagot. Minsan nga naisip ko na balikan ko nalang si Nathan kahit alam kong imposible na makikipag balikan saken. Ngayon wala na akong magawa. Hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko. Kaya napag isip isp ko nalang na ituloy nalang yung nararamdaman ko kay Kram. Yung kalokohang pagmamahal na 'to."

Sambit ko habang patuloy paring tumutulo yung luha sa mata ko. Ang saya ko kase nailabas ko yung gusto kong sabihin tungkol sa nararamdaman ko para kay Kram.

"Sorry be.. naiintindihan naman kita eh. Pero yung gusto ko lang kasing malaman mo na wag mo sobrang mahalin si Kram lalo na't hindi naman kayo. Kase be alam mo, mahirap mag desisyon o gumawa ng isang bagay na alam mong wala namang kasiguraduhan na mangyayari  or what. Kaya chin up okay? I know na strong person ka. Kaya wag ka na iyak ah? Nagreply na yung anak niyo.  Replyan mo na yan. Baka umiyak hindi mo pa yan napapainom ng gatas"  pagbibiro niya. Minsan ko lang marinig magbigay ng seryosong advice 'tong bestfriend ko.

Kung seryoso naman, may pabiro sa huli. Brenna, thanks for listening to my nonstop dramas. Hahaha

"Hahahaha sira! Salamat be" sabi ko sabay pinunasan ko yung luha sa mukha ko.  Tinignan ko yung phone ko at tama, may text na nga tila yung mystirl.

From: Anak namin ni Kram

Claudine Baretto. Hahahaha

Ay! Anak nga to ni Kram. Alien den eh.  Claudine Barreto daw? Wala siguro tong tulog simula nung pinanganak. Bangag eh! Hahahaha lol

To: Anak namin ni Kram

Ah sige. Hahahaha Ilang taon ka na?

"Claudine daw pangalan be. Claudine Baretto. Abnormal eh! Niloloko ako. "

"Ay! Anak niyo nga ni Kram yan. Abnormal den eh. Mana sayo! Hahahahaha kakaloka!"  Pagbibibiro ni Brenna. Baliw!

From: Anak namin ni Kran
15

15? So 3rd year highschool palang pala siya. Mas matanda pala kami ni Kram sakaniya ng 3 years. Hindi na ako nag reply. Tinatamad na kase ako mag type eh. Nakakapagod den.

Humiga kami ni Brenna sa damo. Tinignan namin yung pag lubog ng araw. Ang ganda. Kasing ganda ko hahahahaha dejoke lang.

"Be.. nagtetext pa ba sayo si Nathan?" Tanong ni Brenna.

"Hindi na be eh. Bakit?"

"Ah wala... kase nakita ko siya kahapon dito sa park. Umiiyak. Tinanong ko siya kung bakit. Yun nga, nakipag break ka daw sakaniya" sambit niya sakin. Eto nanaman eh! Naalala ko nanaman yung ginawa ko kay Nathan. Pinagsisisihan ko na nga yon eh. Pinag sisisihan ko na :'(

"Ah oo be. Mas mabuti na yung maaga palang sinabi ko na sa kaniya kesa naman kung kelan lumalim na yung nararamdaman ko kay Kram tsaka ko sasabihin. Ayoko namang masaktan si Kram sa coldness na ipaparamdam ko sakaniya pag nagkataon." Sabi ko.

"Sabagay tama ka be."  Sambit naman niya sakin. Tama ba yung naging desisyon ko o mali? Syempre hindi ko alam. Iba ibang pananaw naman yan eh.

"Ahmmm be.. pwedeng favor?" Tanong ko sakaniya. Bigla naman siyang napabangon sa pag kakahiga.

"Sige be ano yon?" Tanong niya.

"Tulungan mo naman si Nathan na kalimutan ako."

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon