Chapter 7: Kram

30 4 0
                                    

Author's Note:

Sorry kung natagalan yung pag update ko nito nag bakasyon kasi yung WiFi namin eh. Haha! Dejoke lang. Babawi nalang po ako. :)) eto na yung first point of view ni Kram. Ayhiiiee Thanks for reading guys. Enjoy!
~

Kram

Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak, ng babaeng nasasaktan dahil sa mga boyfriend nila. Pakiramdam ko nasasaktan din ako. Naranasan ko na kung paano masaktan at kung paano maiwan. Sobrang sakit sa puso! Pakiramdam ko dinudukot ito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga lalakeng liligawan yung mga babae tapos iiwan sila. Tama ba girls? Pero ang hindi ko lang din alam, kung baket may mga babaeng iniiwan kameng mga lalake? May mali ba saamin? Mas masakit para saaming mga sobrang nag mahal yung maiwan lalo na kung seryoso kami. Wanna know why? Kase ang lalake kapag nag mahal ng seryoso ibibigay lahat para sa taong mahal nila. For your information girls, ang lalake ang pinaka matagal mag move on lalo na kung sobra silang nasaktan. Kase ang lalake kahit break na kayo yung babaeng iniwan sila isang text o tawag lang nila mahal na mahal namin sila kaya handa kaming makipag balikan kung makikipagbalikan sila. Hindi ko alam, siguro depende din sa tao.

At ako yon! Si Kram Martin. Minahal ko ng sobra si Dea Hayle. Pero iniwan niya lang ako bigla bigla without any reason. Sobrang sakit kasi minahal ko siya ng sobra. Hanggang ngayon mahal ko parin siya. Siya nga yung dahilan kung bakit ako pumuntang HongKong eh. Kasi gusto ko siyang kalimutan. After 1 year, nag decide si mama na umuwi na kami dito sa Pinas. Besides, namimiss ko narin yung Gawgwapo at yung barkada. Pero nung una parang ayoko parin nga eh. Kasi hindi pa ako totally nakaka move on kay Dea. Pero hayaan na. May mga bagay talaga na dapat hindi na pinapatagal. At ang pag momove on yon.

Ng makauwi na kami ng Pinas, Gumala muna ako ng MOA. Ako lang mag isa. Ayoko muna kasi tawagan yung barkada kasi alam kong marami akong ikwekwento kaya wag muna. Pero sa kasamaang palad... nakita ko si Dea Hayle! Yung ex ko na hanggang ngayon mahal ko pa. Hindi ako mapakali kaya pagtapos non naglakad lang ako habang nakatungo at may naka bangga ako. Si Dana

(Flashback)

"Buuuugsssssh!"

"I'm so sorry miss" napatingin siya saakin at kinuha niya yung libro na nabili ko.

"All about Aliens"

Nakaka badtrip talaga! Nag sayang lang ako ng pera para sa libro na 'to! Hindi ko naman gusto to eh. Nakakahiya tuloy. Baka isipin niya alien ako. Napaka over acting pa naman ng mga babae nowadays. Dejoke lang!

"It's okay sorry din" Sambit niya sabay inalalayan ko siya tumayo. Medyo malakas rin kasi yung pagkaka bagsak niya. "Nasaktan ka ba?" Tanongko. "Ah medyo pero ayos lang, It's not your fault" sambit niya.

"Sige aalis na ako.Sorry ulit" pagpapaalam ko. "Sige" sagot niya. "Sor--" Nagulat ako nung nakita ko si Brenna. Ang tagal rin kasi namin hindi nakita since pumunta ako sa Hongkong "Brenna ikaw pala yan" sambit ko. "Oo Kram! Anong ginagawa mo dito kamusta na? Tagal natin di nagkita ah?" Sambit naman ni Brenna. "May binili lang ako okay lang naman ako, Sige na kitakits nalang bukas. Bye" sabi ko sabay umalis na ako at umuwi.

Kailangan ko pa kasing pumasok ng maaga bukas dahil doon na ako papasok sa University nila Brenna. Parehas kasi kami ng Course eh. Multimedia Arts. Gusto ko maging Photographer someday. Yun kasi yung gusto ko. At ng pagpasok ko nakita ko agad si Brenna. Nakilala ko rin sakaniya si Dana. Naging malapit kami agad sa isa't isa. Napaka kalog niya kaseng babae! She's very attractive. Kaso lumipas ang mga araw...

To: Dana

Yow. Goodmorning =)))
-
Baliw! Gising na!

Tinext ko siya. Hindi maganda yung umaga ko kase nakita ko si Dea. Kasi masaya siya kausap. Kaya alam ko kapag tinext ko siya gagaan yung pakiramdam ko. Pero hindi.. Hindi maganda yung nireply niya. Wala manlang ngang connect sa sinabi ko eh. Baliw


From: Dana

Walang maganda sa umaga! Kainis ka Nathansyzhsuabsushas St f gs BBC d gee see Dee gaff see gs g a gs g a d gs ft

Diba? Sobrang connected sa sinabi ko? Tapos may NATHAN pa. Si Nathan? Yun yung boyfriend ni Dana ah? Kasalanan niya kung bakit ganto yung tinext ni Dana sakin eh! Ng pumasok na ako sa school....

"Psst Kram! 'Asan si Brenna? Ba't wala pa siya?" Tanong niya saakin. Hindi ko siya pinansin. Ito lang kasi yung paraan para malaman ko kung ano yung problema niya eh. Alam kong meron. Buong klase hindi niya na ako kinulit. Nung matapos na yung klase namin.

"Psst Kram. Anong problema?" Tanong niya. Napahinto naman ako.


*Dedma*



Hindi ko parin siya pinansin at nagsimula na ulit akong maglakad.

"KRAAAAAAAAM! OKAY LANG! SANAY NAMAN AKONG BINABALEWALA EH!" Sigaw niya sabay tungo.


Sorry Dana.. ito lang talaga yung best way para makatulong ako sa problema mo.


"Dana..." Sambit ko sabay bigla akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya.


Bigla nalang may tumulong luha sa mata niya nung bigla ko siyang niyakap. Ayoko siyang paiyakin pero dahil dito. Nalaman kong may problema siya.

"Sige lang Dana. Iiyak mo lang" sambit ko. Sabay tinanggal ko yung isa kong kamay sa likod niya at inilagay yon sa ulo niya at hinahaplos haplos ko para mapatahan siya.


"Hindi ko *huk na alam yung gagawin ko. *huk Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. *huk I'm so sorry kung ano 'man yung nagawa ko, hindi ko sinasadya. *huk" Sabi niya sabay sinok siya ng sinok epekto ng pag iyak niya ng sobra.


"Its okay. Tara sama ka sakin." Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakayakap sakaniya at hinawakan ko yung braso niya pahila.

"Teka saan tayo pupunta?" tanong niya. Sabay punas ng luha sa mga mata niya. Sa EK ko siya dadalhin para sumaya siya. Isasama ko na yung barkada para makilala din niya. Tska gusto ko narin kasi silang makita eh.

"Basta" sabi ko sabay hinila ko siya palabas ng room.

At ayon. Pumunta kami sa EK. Pinakilala ko sakaniya yung buong barkada. Nakita ko naman na masaya siya. Sana nakalimutan na niya yung problema niya sa lalakeng 'yon.

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon