Nanlamig at halos nangangatog ngatog na yung katawan ko. hawak parin ng lalake yung bibig ko at dahil madilim hindi ko siya mamukhaan.
And when he removed his hand nagkaroon naman ako ng chance para mag salita. ayokong sumigaw. First, baka saktan niya ko and Second, walang makakarinig samin wala namang tao dito kundi kaming dalawa lang.
Asan na ba kasi si Kram? WAAAAA
"Sasaksakin mo ko? okay lang sige. Tutal wala na namang mawawalan pag namatay ako eh"
Nasa panganib na ko nakuha ko pang magdrama. Wala eh. Buhay buhay lol
"Meron. Ako"
Siya? ba't siya?Teka sino ba to?
Bigla niya akong hinila sa may court nakahood siya kaya hindi ko parin makita yung mukha niya kahit maraming ilaw.
"Sino ka ba?! Bakit ikaw? Di mo nga ako kilala eh!"
Hindi siya umimik, kaya lumapit ako sakaniya at dahan dahan akong lumapit at dahan dahan ko rin inalis yung hood niya.
"K-k-kram"
Halos mautal utal na ko ng makita ko si Kram. Baliw talaga to tinakot ako parang masamang loob eh. Ang gwapo niya namang masamang loob pag nagkataon hahahahua.
"Kanina ka pa dito?"
"Kanina? alien ka! paanong kanina pa eh hindi pa nga ako nakatapak dito sa court ng bigla mong tinakpan yung bibig ko. Abnormal ka. Holdaper ka ba? Papatayin mo ko sa takot eh."
Lumayo ako sakaniya na kunwari galit. Pero ilalagay ko lang talaga yung gamit ko sa may bench. Medyo nabibigatan narin kasi ako. Ang dami kong dala na kung ano ano.
"Hala. Sorry na nga eh"
Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin akong nag lakad. Ang aga aga, sinasapian siya ng ka alienan.
"Joke lang. hahaha! Game?" pag yayabang kong tanong nung mailapag ko na yung bag ko. Pumunta na ko sa may gitna ng court para mag ready.
Nag warm up muna kami. 3 times namin inikot yung buong court. Warm up dito, warm up doon. Warm up palang nakaka pagod na. At ng matapos kami sa pag wa-warm up. This is it. The game started.
Unang tira ko, nasalo niya. Tuloy tuloy kaming naglaro. Nasasalo niya. Ang galing! kahit sa mga smash ko nasasalo niya. Ng tumagal, sakin paren huminto. Hindi ko kasi nasalo.
"Ang daya, ang tangkad mo"
Hindi lang talaga siya matangkad. Magaling den talaga siya.
"Hahahaha. Ang liit mo kase."
I admit it. Maliit ako. Well, cute kaya yung mga maliliit. Ehem hahahahuahua.
Na motivate ako sa pang aasar niya kaya nung tumira ulit ako. Nasalo niya paren.. Tuloy tuloy. Pero ng huli sa kaniya naman huminto. Siya naman kasi yung hindi nakasalo sa shuttle cock nung nag smash ako.
"WHAHAHAHAHA. Panis ka *Evil Laugh*"
"Pag gwapo kaya hindi napapanis. haha dejoke. Nice game"
Nagpatuloy ulit kami sa pag lalaro. After 30 minutes. Natapos ren kami. The best talaga yung badminton pampa pawis. Swear!
"Wait Kram, time-out muna pagod na ko eh"
Pumunta muna ko kung saan nakalagay yung bag ko para kunin yung bottled water. Nakaka uhaw kase. Pagka bukas ko ng Bag ko..
"SHOOOOOOOCKS!"
Malakas kong sigaw. Bigla namang nagmadaling lumapit si Kram saken. Mukhang alalang alala siya.
"Dana baket?"
"Wala pala akong dalang bottled water. Nakalimutan ko sa pag mamadali ko kanina ikaw kase eh!" Pag bibiro ko sakaniya.
Kitang kita naman sa mukha niya yung pagka dismayado.
"Yun lang pala akala ko kung ano. Heto oh. Binili ko yan kanina habang wala ka pa. Ang tagal mo kase"
Tignan mo 'to. Ako pa sinisi.
"Ako pa talaga sinisi mo ha? Sige sa susunod di na kita sasamahan mag laro. Mag laro ka diyan mag isa" Pag tataray ko sakaniya. Kinuha ko na yung tubig. Walang pride pride kapag uhaw ka. haha lol. Umupo na ko sa may bench at tumabi rin naman siya saken.
"Bakit ka nga pala biglang nagyaya na maglaro nito?" Tanong ko. I'm just trying to lighten up the mood. Mukhang nag kaka initan na eh. Ng ulo po. Greenminded readers are not allowed here. hahaha
"Namiss ko na kasi yung babaeng gusto ko eh. Este! yung maglaro nito."
Miss niya na yung babaeng gusto niya kaya siya nagyaya maglaro ng badminton? Paki connect nga po.
"Sino? ." Bigla naman siyang napatingin saken.
Sino kaya? ang swerte naman nung girl kilala na siya ng lola ni Kram. Ako kaya? kelan kaya ako makikilala ng lola niya at kelan ko kaya mamemeet yung lola niya?
"Basta hahahaha"
"Sus. Lahat naman gusto mo eh! hahaha joke lang." Pagbibiro ko. Bigla naman siya tumingin sakin. Hindi naman masama. Sobrang sama lang.
"Isa lang gusto ko haha. Kilala ka na ng lola ko haha. Daldal kase ni ate"
Ha? ano daw? di ko gets? hahahahaha. joke! Nagets ko naman ayoko lang umasa. Sino ba naman ang maniniwala kada isang salita may "hahahaha" na kasunod?
Isa rin sa pinakamahirap na pakiramdam sa isang babae yung piliting hindi maniwala sa mga bagay bagay. Hays
"Paano?" Curious kong tanong.
"Pagka uwi ko tinanong niya kung sino yung Dana"
Ako po yung future daughter in law niyo lola. Hahahaha Libre lang naman mangarap eh.
"Ah. hahaha si Ate Christine pala nagsabi"
Naubusan na kami ng topic. Maya maya bigla namang nagyaya si Kram na pumasok na kami. Malapit narin kase mag start yung class namin. Ayokong masermonan nanaman ni Mr. Goyl
"Tara na Dana. Magbibihis pa tayo. Sa University nalang tayo mag bihis."
Tumungo nalang ako sabay inayos ko na yung mga gamit ko. Inalagay ko na sa loob ng bag ko yung Shuttlecock pati yung raketa ko. Kawawa nga eh. Lasog lasog na yung feathers.
Naglakad na kami papunta sa Univ. Malapit lang kase, Actually magka tabi lang yung part tsaka yung University na pinapasukan namin.
Habang papalapit kami, bigla naman akong napahinto sa nakita ko.
"Oh bakit ka tumigil sa pag lalakad?" Tanong ni Kram. Hindi niya siguro nakikita yung nakikita ko ngayon. Pag naglalakad kase si Kram palaging nakatungo tapos naka lagay yung mga kamay niya sa bulsa.
"Ah wala" I smiled. Then, nag continue na kami sa paglalakad. At ng makarating kami sa may tapat ng university, may awkwardness na naganap.
Nasa harap namin ngayon si Nathan at Brenna na magkasama. Sila ang dahilan kung bakit ako napahinto sa paglalakad.
Ano kayang ginagawa ni Nathan dito? Tsaka bakit sila magkasama ni Brenna?
BINABASA MO ANG
The Alien Stole my Heart
Teen FictionDedicated to Mark Daniel Martin Pag mahal ka, babalikan ka? No. Kung mahal ka, in the first place hindi ka na niya iniwan. This story is all about Dana Cane and Kram Martin. Nakipag hiwalay si Dana Cane kay Nathan Ford ang kaniyang EX Boyfriend dahi...