"Ha? Anong ibig mong sabihin Beth?" Tanong ko sakaniya out of curiosity.
"Baka kasi pag sakay ko diyan, tumalon na ko sa sobrang kaba ko. Takot kasi ako sa matataas eh." Sabi niya pabiro. Grabe naman 'to si Bethany nakaka kaba eh! Akala ko kung ano na. May pagka baliw rin pala siya. What if tawagin ko siyang BAL? short for BALIW? ay panalo 'te! Lol.
"Oy dalawang babae! Ang bilis niyong tumakbo. May lahi ba kayong cheetah? Iniwan niyo kami eh!" Sigaw ni Brix. Papalapit na sila nila Kram papunta saamin. Nagtinginan kami ni Bethany sabay...
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Hala? Tawa? Ang saya niyo ha?" Singit naman ni Quelvin. Yes, were happy pero hindi okay. Drama again! Rawr.
"Ano diyan ba tayo sasakay?" Tanong ni Kram sabay turo sa Biking na ride. Kahit kabado sige go! Mukhang masaya to.
"Oo diyan nalang!" Pag sang ayon naman ni Gedin.
Nag grupo grupo kami. Tig tatatlong magkakasama. Magkakasama Ako, Si Kram at si Lexter. Magkakatabi naman sila Gedin, Cherrymae at Brix. Tapos si Angela, Paat at Lhyn. Then.. si Bryan, Sean at Tanya naman yung magkakatabi. Isa isa na kaming sumakay. Sabay narinig naman ang isang malakas na tunog na parang signal na aandar na. Dahan dahan umandar paatras na paakyat. Bumibilis ng bumibilis naman yung tibok ng puso ko. At yung dalawa ko namang katabi ni wala manlang kaba na makikita sa mukha nila. Mukhang sanay na 'tong dalawang to.
"Waaaaaaaaaaaaaaahhhh!!"
Sigaw ko ng bumaba na ito ng pagkabilis bilis. Grabe talaga tong BIKING na to! Parang gusto akong patayin sa sobrang takot! Sila Kram at Lex. Sumisigaw din sila pero hindi sa takot! Kundi sa sobrang saya! Rinig na rinig ko naman si Bethany mula sa likod namin na nagsisisigaw.
"MAMA!!!! AYOKO NAAAAAAA!" Sigaw ni Beth. Nakaka tawa siya hahaha! Takot na takot talaga siya sa matataas. Okay lang yan beth. I feel you. Haha
"HAHAHAHAHAHAHA WAAAAAAAAAA!" Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot eh! Nakakatawa kasi yung hitsura nila Quelvin at Bryan. Parang hinahagip ng hangin yung mga mukha nila. Nakakatawa kung titingnan haha. Natatakot narin siguro tong mga to.
Tatlong beses ito nagpabalik balik. At ng matapos dahan dahan na itong huminto. Sa wakas natapos na rin. Delubyong 'to! Pasakit sa buhay eh.
"Wooooooooooooo! Wohooo!" Sigaw ni Tanya. Ng huminto na yung sinakyan namin.
"Tapos na! Nagsisisigaw ka parin diyan! Bumaba ka na nga" Seryosong sabi ni Sean kay Tanya. Sabay bumaba na siya. Bumaba narin kaming lahat.
"Wala kang pake" mataray na sabi ni Tanya kay Sean. Ang cute nilang tingnan.
"Ano? Saan tayo sunod na sasakay?" Tanong ni Bryan. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatulalang nakatayo si Bethany. Di pa yata siya nakaka recover. Haha! Kaya I decided na kumain nalang muna kami. Medyo nagutom rin kasi ako eh! Hindi pa ako kumakain simula kanina. Salamat sa Tabs (Taba) ko at Nakakayanan ko pa naman.
"Kain kaya muna tayo? Nakakagutom eh" sagot ko. Kumakalam na talaga yung sikmura ko kanina pa.
"Sige sige tara" sagot naman ni Kram. Salama at nakaramdam 'tong lalakeng 'to at sumang ayon saken.
Pumunta kami sa isang restaurant at doon na kami kumain. Umorder na kami. Habang kumakain hindi naiwasan mag kwentuhan.
"Ngayon ko lang naalala! Nasaan nga pala si Glean? Kaya pala parang hindi ako mapakali kanina kase alam kong may kulang." Sabi ni Kram na parang nanghihinayang. Who's Glean?
"Wala bro eh, tinawagan namin siya kanina kaso sabi niya busy daw siya eh. Hindi daw siya makakasama. Babawi nalang daw siya sa susunod." Sagot naman ni Quelvin. Habang sumusubo ng pagkain. Ang lakas niya kumain! Halatang gutom na gutom eh. Kabarkada rin siguro nila si Glean? Sayang hindi ko manlang siya nameet. Sana sooner or later mameet ko siya. Para buong barkada ni Kram kilala ko na.Sarap sa feeling! Dami ko ng friends.
"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Dana, Bunso?" Tanong sakaniya ni ate Lhyn. Sige Kram! Explain it to her. Yung detalye ha!
"Nakabangga ko siya sa Moa tapos kay Brenna. Then....
Boom!" Sagot niya. Pinag sama niya yung kamay niya na may tunog na malakas nung pagkakasabi niya nito.
Adik talaga 'tong si Kram. Expected ko pa naman na detail by detail niya ikwekwento. Pero hindi! 10 words lang yung salita na na lumabas sa labi niya! Grabe. Hindi naman ipinag kakait sakaniya yung magsalita pero ayaw niyang gawin. Abnormal
"Ay panalo! Tinulungan na kayo ng tadhana to find each other. Ayhieee" panunukso saamin ni Gedin. Ngumisi sila sa amin na parang nang aasar. Ang lakas talaga ng trip nila.
"Ewan ko sainyo" sabi ni Kram sabay sinamaan niya ng tingin sila Gedin.
30 minutes din kami inabot sa pagkain namin. Sila Quelvin at Sean kasi nag extra rice pa. Hahaha takaw talaga. Ng matapos na kaming kumain nag paalam na kami sa isa't isa. Hindi na kami ulit sumakay sa iba pang rides kasi busog kaming lahat eh. Baka lahat kami sumuka kung sasakay pa ulit kami. Tsaka kailangan ko naring umuwi. Hindi ako nakapag paalam kila mama eh.
"Ano bro? Una na kami?" Sabi ni Paat.
"Ah sige bro! Ingat kayo ha? Salamat. Sa susunod ulet" sabi naman ni Kram.
"Nice to meet you again, Dana" sabi naman ni Lhyn
"Salamat. Salamat sainyo sana makita ko kayo ulit" sabi ko sakanila sabay niyakap ko sila isa-isa. Ang warm ng pagtanggap nila saken. Ang saya lang.
Nag paalam na sila saamin at umalis na rin kami. Sabay sabay na silang umuwi. Gamit nila yung kotse ni Paat. Then, ako naman kasama ko si Kram. Hinatid niya ako sa bahay. Hanggang sa makarating kami.
"Diyan nalang Kram" sabi ko sabay turo sa tapat ng bahay namin. Hininto niya yung kotse at inalis ko na yung seatbelt para bumaba. Bumaba narin siya.
"Salamat ulet Kram ha? Ang saya saya kasama nila Bethany. Sana makasama ko ulet siya." Sabi ko kay kram sabay nginitian ko siya.
"Ah oo naman. No problem" sagot niya sabay nginitian niya din ako.
"Would you like to come in?" Pang aaya ko sakaniya. Para makapag kape siya. Medyo malayo layo rin yung binyahe namin eh.
"Ah hindi na. Sa susunod nalang. Sige una na ko" sagot niya sabay naglakad na siya papunta sa kotse niya. Hindi pa siya nakakapasok ng kotse niya kaya nagpasalamat ulet ako sakaniya.
"Ah Kram! Salamat ulet" sabi ko sabay huminto siya, tiningnan niya ako at nginitian. Pumasok na siya sa kotse niya at pinaandar na niya ito. Hinintay ko siya na makalayo habang nakatayo ako sa labas ng bahay namin.
Salamat Kram, kahit nagalit ka saken pinasaya mo ako. Sana katulad ka ni Nathan. Hindi gustong makitang nasasaktan o nalulungkot ako. Hays! Ayokong mag isip ng negative ngayon. Masaya ako! Masaya. =)))
BINABASA MO ANG
The Alien Stole my Heart
Teen FictionDedicated to Mark Daniel Martin Pag mahal ka, babalikan ka? No. Kung mahal ka, in the first place hindi ka na niya iniwan. This story is all about Dana Cane and Kram Martin. Nakipag hiwalay si Dana Cane kay Nathan Ford ang kaniyang EX Boyfriend dahi...