Chapter 10: Ends

32 3 0
                                    

Hays. Ano kaya magandang gawin? Bukod sa kumain ng Ice Cream? Itext ko kaya si Brenna? Ay wag nalang. Si Kram? Mas lalong wag! Nakaka hiya naman. Baka isipin niya may gusto ako sakaniya kahit meron naman talaga. Sila Cherrymae kaya? Ay wag den. Baka busy yon. Sino kaya pwedeng tawagan? Nakakatamad naman walang pasok.

Now playing: Heartbreaker by Justin Bieber

Calling...
Nathan

Ako tatawag, hindi yung ako ang tatawagan. Bakit kaya napatawag 'tong si Nathan? Ay! Kami pa pala! Pero.. paano 'to? Hindi ko na siya mahal! Ayoko naman maging unfair! Urgggh. >_

"Hello babe? Baket?" Tanong ko. May kasama ng babe! Kami pa eh. Baka biglang magtaka 'to.

"Magkita tayo ngayon sa SM Dasma. May sasabihin ako, Which is really important" Seryoso niyang sagot. Ano naman kaya sasabihin nito? Bakit parang kinakabahan ako? Grabe 'to ha!

Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nag paalam kila mama sa pagmamadali ko. Nag pahatid naman ako agad kay manong Charles. At nung makarating kami nakita ko agad si Nathan na nakatayo sa labas ng Mall. Agad agad naman akong bumaba ng kotse para lapitan siya.

"Tara Babe" Sabi niya sabay nauna na siyang naglakad papasok sa mall.

Babe? Mahal ba niya ako? Ba't hindi ko maramdaman? Akala ko kase hindi na niya ako mahal kasi ang cold na niya saken kaya hinayaan ko nalang yung puso ko na magustuhan si Kram. Pero paano 'to kung mahal niya pa talaga ako? Waaaaaa! Lagot na!

Naglakad kami hanggang sa pumasok siya sa isang restaurant. Sinundan ko naman agad siya. Humanap na kami ng table namin at umupo kami doon. Tumawag naman siya ng waiter para makapag order.

"Waiter" sambit niya sabay itinaas niya yung kamay niya. Lumapit naman agad samin yung waiter.

"Umorder ka na." Sabi niya habang nag hahanap naman siya ng o-orderin niya.

"Kung ano nalang sayo, ganon nalang din yung sakin" sabi ko sabay tungo. Naiilang ako sakaniya. Hindi ko alam kung baket. Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay at tiningnan sa mata.

"Mahal na mahal kita babe. Sorry kung naging busy ako ha? Palihim nalang nga ako gumagamit ng phone eh. Kase nagagalit yung nag a-assist samin kapag gumagamit ako ng phone kaya pinapatay ko na agad. Sorry talaga babe! I'll do everything para makabawi. Forgive me please"

Ito na nga yung sinasabi ko eh! Paano na 'to? Help me pleaseeeeee!

"Ahmm.. Nathan ayokong maging unfair sayo, but I really need to tell you about this." Sabi ko. Eto na. Ayoko talagang maging unfair sakaniya eh. Pero kailangan kong gawin 'to para hindi na siya masaktan.

"Ha? Ano yon?" Sabi niya. Takang taka siya sa sinabi ko.

"Sir eto na po yung order niyo" singit nung waiter. Hays! Buti nalang! Inilapag niya yung inorder namin. Sumubo muna ako ng isa. Umalis na yung waiter. At eto na yung continuation.

"So ano na babe? Kinakabahan na ako sa sasabihin mo eh" sabi niya. Bahala na kailangan talaga 'to. Lakas lang ng loob Dana. Kaya ko 'to!

"Nung 2 weeks kang nawala, I met this guy. He's always here by my side when I'm upset, making me smile as always , the one who always reminding me that there are so many reasons to be happy." Sabi ko sabay tumungo ako. Ayokong makita yung magiging reaksiyon niya. Hindi ko kaya.

"Ano ba talagang gusto mong sabihin?" Sabi niya na may malungkot na boses.

"Gusto ko na siya" sabi ko sabay unti-unting bumibilis yung tibog ng puso ko.

"Are you breaking up with me?!" Sigaw niya. Bigla bigla naman tumulo yung luha ko.

"Alam kong hindi tama yung nagawa ko. Pero ito lang yung paraan para mai tama yung nagawa ko. I'm so sorry Nathan" sabi ko. Nakatungo parin ako at patuloy na pumapatak yung luha sa mga mata ko. Syempre nasasaktan din ako. Minahal ko rin naman si Nathan.

"Sh*t! Dana! Sige kung ayon ang gusto mo! Tapusin mo yung 2 years na pinagsamahan natin! Bahala ka!" Sabi niya habang tumutulo yung luha sa mata niya. Umalis na siya at iniwan niya ako doon sa restaurant na balisa.

Napaka sama kong tao. Tinapon ko yung 2 years na pinagsamahan namin ng ganon ganon lang.

"Sobrang sama ko talaga!!!!!" Sigaw ko habang iyak parin ako ng iyak. Ako yung nakipag hiwalay pero nasasaktan ako para kay Nathan.

"Dana!" Sigaw ng lalake. Kilala ko yung bosess na yon. Dahan dahan akong humarap at pagtingin ko. Nakita ko si Kram. Teka! Anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito Kram?" Tanong ko. Bigla naman siyang lumapit saakin at hinila niya ako palabas ng restaurant. Patuloy kaming naglalakad habang hawak hawak niya parin yung kamay ko. Saan nanaman ba niya ako dadalhin? Ang hilig niya tala akong hilain kung saan saan.

"Umupo ka diyan. May bibilhin lang ako" sabi niya sabay binitawan niya ako at pina upo. Nandito kami sa isang cafeteria. Pinilit kong tumahan sa pag iyak kase napansin ko na maraming tumitingin sakin, nakakahiya naman. Habang bumibili si Kram, umalis ako at pumuntang lavatory. Kailangan kong mag retouch! Konti nalang kamukha ko na si Sisa eh.

Pag katapos kong mag retouched.. actually nag polbo lang ako. Ayokong mag make up. Allergic ako don eh. Na i-irritate yung balat ko. Bumalik na ako sa cafeteria. Sa malayo palang kitang kita ko na si Kram.

"Kaya mo 'to Dana. Kailangan mong mag mukhang malakas" sabi ko sa sarili ko at huminga ako ng malalalim. Lumapit na ako kay Kram.

"Kram." Sabi ko sabay ngumiti ako. Watta! Ang fake.

"Hindi mo naman kailangang mag pretend na masaya eh" sabi niya sakin sabay iniinom yung coffee na binili niya. Umupo naman ako sa table namin at ininom ko narin yung isa pang coffee.

"Masaya naman ako eh" sambit ko. Sinusubukan ko talagang maging masaya sa harap niya. Kasalanan ni Kram to eh!

May advantages at disadvantages siyang naidulot sakin. Yung advantage is natuto akong maging masaya palagi. At disadvantage naman natuto akong magmukhang masaya sa paningin nila kahit sa loob loob ko gusto ko na talagang umiyak ng umiyak.

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon