Chapter 18: The Question

50 4 2
                                    

Author's Note:
Sorry kung nagkaka baliktad na yung name ni Kram at Nathan ha? Tska yung ibang words nagkakamali mali na. Rush kase to. May upcoming exams kasi ako. Kaya hindi ko na nache-check before ipublish. Sorry na. Mapapatawad niyo pa ba ako? Hahahahahaha. Hindi ko pa po sure kung itutuloy ko pa tong story after ng chapter na 'to. Pagiisipan ko nalang po muna. Thanks sa sumuporta nitong story. :) Sorry for the long note. Eto na yung continuation. =))))
~

"Ha? In what way?" Tanong sakin ni Brenna. Bumangon rin naman ako sa pagkakahiga para makapag usap kami ng maayos.

"Gawin mo lahat para magustuhan ka niya. Please Brenna, do it for me please? Napaka laking tulong nito saken promise"

Ito lang talaga yung naisip kong paraan. Kung tinutulungan niyo ko edi sana hindi ko 'to magagawa. Hahahahaha dejoke lang. Seryoso. Ito lang talaga. Sana pumayag siya...

"Nababaliw ka bang babae ka?! Alam mo naman yung pwedeng mangyari kapag ginawa ko 'yon! Nako Dana, hindi ko kayang gawin yang favor mo. Sorry!" Sabi niya sabay bigla naman siyang tumayo. Masyado siyang nagulat sa nasabi ko. Tumayo rin ako.

"Please be.. Bestfriend mo ko diba? Sige na. Gawin mo 'to para saken. Kapag naging kayo okay lang din saken promise.. Pag nagawa mo 'to hindi lang ako yung matutulungan mo. Pati narin si Nathan. Sige na be please"

"Oh sige. Pag ako na fall kay Nathan dahil diyan sa pinapagawa mo, wag kang magagalit sakin ah! Buti nalang at bestfriend kita kung hindi, hindi ko talaga gagawin 'to. Para ko naring isinisugal yung puso ko eh!"

Yes yes! Napaka bait talaga nitong bestfriend ko. Buti nalang at pumayag siya. May katulong na ko para malutas tong problema ko.

"Ayhiiieeeeeeee! Thankyou talaga be! Thankyou thankyou thankyou!" Sabi ko sabay niyakap ko siya. Sobrang thankful ako kase pumayag siya. Sabi na nga ba hindi niya ako matitiis eh!

"Oo na tama na yan. Uwi na tayo be" pag aaya ni Brenna. Kinuha na namin yung mga gamit namin sabay umuwi na kami.

Sana maganda yung maging epekto ng naging desisyon ko.

Ng makapasok ako sa pinto ng bahay bigla naman akong sinalubong nila Mama at Shi.

"Break na pala kayo ni Nathan?"

"Kelan pa?"

"Anong naging reaksiyon niya?

"Nagalit ba siya sayo?"

Sunod sunod nilang tanong. Grabe! Showbiz sila ah! Di ko pa nga pala sila nakwekwentuhan about sa nangyari samin ni Nathan. Hays! Kelan ba matatapos 'tong issue na 'to? Paulit ulit nalang. Nakakasawa na eh.

"Wait lang mga nigga. Hindi ko pa nga nailalapag yung gamit ko sa kwarto eh. Pwede bang mag bihis muna? Mamaya ikwekwento ko sainyo. Easyhan niyo lang. " sabi ko sabay umakyat na ako sa kwarto ko. Mukhang marami akong ipapaliwanag at ikwekwento sa kanila. Nagbihis na ako sabay bumaba ulit at kapag baba ako andon silang dalawa sa may sala. Naka upo sa sofa na tila parang hinihintay akong sagutin yung mga tanong nila. Lumapit naman ako sabay umupo rin sa tabi nila.

"Kasi nga ganto yon Ma, Shi.. Kahapon tumawag si Nathan, sabi niya magkikita daw kami. Nakauwi na siya from Olongapo. tapos nag meet kami sa SMD. Pinaliwanag niya sakin kung bakit siya naging busy na akala ko cold this past few weeks. Tapos ayon, sinabi ko na sakaniya yung gusto kong sabihin na may iba na akong gusto. Sabihin narin nating mahal, may iba na akong mahal" pagpapaliwanag ko. Nakikinig talaga sila sakin. Kaloka tong famies ko. Hahahuahua

"Ano naging reaksiyon niya ate?" Tanong naman ni Shi. Syempre nagalit. Alangan namang masaya pa siya ano siya abnormal?

"Syempre nagalit siya." Sagot ko naman.

The Alien Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon