Mio's POV
WHAAAATTT?! Katabi ko siyang natulog!, di ko na kasi namalayan na nakatulog na ako, at sa kwarto at kama na niya ako nalipasan ng gabi. At ang mga kamay niya ay nakabalot sa akin, nakayakap siya nang sobrang lapit ng katawan niya sa akin. Tumaas tuloy ang mga balahibo ko.
"Hmmmmmm" ungol niya sabay yakap pa ng mas mahigpit sa akin.
Ano ba namn to, di na ako makahinga sa sobrang higpit.
Bigla niyang dinilat ang mga mata niya.
"Ano ba ang gulo mo naman ehh!"
Nagulat ako sa sinabi niya, di man lang siya nagtaka kung bakit siya nakayakap sa akin.
"Eh, bat ka ba kasi nakayakap?"
"Eh na sayo yung unan kong isa ehhh, kaya ikaw na lang niyakap ko"
Hmmp, yun lang pala...akala ko naman sinadya niya at may pagnanasa na siya sa akin..hahaha. ambisyosa ang peg?!
"Anak, gising na---"
Pumasok ang mommy niya sa kwarto at nagulat sa nakita niya, magkayakap kasi kaming dalawa..
Nagulat din kaming dalawa at bigla niya tinanggal ang pagkakayakap sa akin.
"Ma! Ano ba? Di ka namn kumakatok ehhh." Pagrereklamo ni Lance na mukhang nahihiya sa nakita ng mommy niya
"Bakit?, dati ko naman nang binubuksan ang kwarto mo nang di kumakatok ah." Sagot ng mommy niya.
"Asus! Nahihiya ka ba sa nakita ko?, mabuti nga yan at nagkakamabutihan na kayo atleast di na ako magkakaproblema sa honeymoon niyo." Pang aasar ng mommy niya na mukha naming go na go sa ginawa ni lance napagyakap sa akin.
"Ma!!, pwede ba niyakap ko siya dahil wala akong unan. Okay?" palusot ni Lance
"Naku, luma na yan anak. Mabuti pa tumayo na kayo at mag aalmusal na. :)" nakangiting sabi ng mommy niya na mukhang kilig na kilig.
At ako, SPEECHLESS nahihiya ako and at the same time kinikilig. Sige na nga, di na ako mag dedeny, Oo may gusto ako sa kanya, kanino pa ba eh di kay Lance. Siguro nga di siya mabait sa akin at kadalasang sinisira ang araw ko pero di ko kayang magalit ng matagal sa kanya at lagi akong natatameme pag tinititigan niya ako, ang hilig pa naman niyang gawin yun. At tungkol sa kasal?, half Oo at half Hindi. Bakit?, Oo dahil gusto ko siya at napapasaya niya ako at Hindi dahil di ko alam kung mutual ba tong nararamdaman ko. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.
"Ohhh, sabay ata kayong nagising ah?" tanong ng daddy niya.
Lagot, siguradong aasarin nanaman si Lance neto pag nalaman niya yun.
"Eh pano naman magkatabi silang natulog ehh.." pangaasar nanaman ng mommy niya.
"Ano?!" gulat na sabi ng daddy niya na halos masamid pa sa iniinom niyang kape.
Agad umupo si Lance sa mesa at may nakakabirong ngiti.
"Ano bang mali dun?, ikakasal na rin naman kami ehhh." Kampante niyang sagot para hindi maguilty.
"Oo nga naman." Dagdag pa ng mommy niya.
"Ahh—aahh-- Oo" pautal-utal na sagot ng daddy niya.
Natapos na kaming kumain at nakita ko si lance sa sala.
"Uy!, turuan mo na ako ulit. Please." Pagpapacute ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Scripted Husband
Romance"ITS HARD TO PRETEND YOU LOVE SOMEONE, BUT ITS HARDER TO PRETEND YOU DONT LOVE SOMEONE EVEN IF YOU DO." - LANCE QUING Pano kung ang simpleng PAGPAPANGGAP ay maging TOTOHANAN nang di mo NALALAMAN? Pano kung mahalin mo ang taong di mo inaasahang kaya...