Take Ten: Moments Together

214 9 7
                                    

Mio’sPOV

"Sige naa!! kung Hindi Hahalikan kita ulit!" Pangugulit niya sa akin na gamutin ang sugat niya.  Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Ano ba! Di ko na problema yan! " sagot ko sa kanya.

Umupo siya sa sofa at hinawakan ang mga sugat niya. Hinayaan ko lang siya. Bakit? Ano ako nurse niya?! NO WAY! di niya ako alipin para utus-utusan nang ganun noh. Plus sinira niya pa ang araw ko kaya nabwibwisit ako sa kanya.

"Nga pala, kelan tayo babalik sa Manila?" maayos na tanong ko sa kanya.

"Malay ko!" sagot niya.

"Ano ba! Tinatanong ka ng maayos sumagot ka ng maayos!"

"Bakit ako, concern ako sayo pero di ka naman concern sa akin. And now you want me to give back the favor kasi maayos kang nagtanong at kailangang maayos din ang sagot ko? Eh ikaw nga di marunong eh." seryoso niyang sabi.

Di ko alam kung nagbibiro lang siya. Ewan ko kung maniniwala ako sa mga pinagsasasabi niya ehh BEST ACTOR kaya yan.

Di ko nakikita ang mukha niya nakatalikod ang sofa na inuupuan niya. Mukhang galit ata or i mean, Nagtatampo?!  Ano tO?!   JOKE?

"Masyado ka namang DEEP." sumbat ko

"Palibhasa ikaw MABABAW lang. ''

“SENTI mo ngayon Ahhh! OA?! Para yan lang eh.. Akin na nga yang kamay mo.” lumapit ako sa kanya at tabi ko sa sofa para hawakan yung napaso niyang kamay.

“Wag na!” agaw niya sa kamay niya na mukhang nagtatampo pa ang mokong. Natatawa tuloy ako sa mukha niya, ngayon ko lang siya nakitang magtampo palibhasa laging napagbibigyan ang gusto niya.

“Sus! nagtatampo siya! Uyyyyyyy!!” biro ko sa kanya with matching kiliti sa bewang.

Ramdam ko parin ang pagkapikon ni Lance pero alam ko namang lalamig din yan mamaya.

“Kaw pang may ganang magalit ah. Eh ikaw namn may kasalanan niyan ahhh.”

Inihanda ko na ang mesa para makakain na kami. Ewan ko nga kung anong klaseng ulam to eh XD. pero mukhang masarap namn ehh. Tinawag ko na si Lance para kumain pero ni lock niya yung pinto ng kwarto.

“Lance! Kakain na.” tawag ko sa kanya sabay katok sa pinto niya.

“Ayoko!” sagot niya. Hay naku! nagtatampo parin ang mokong.

“Sige ka, mas lalong lalala yang sugat mo.” sabi ko para kumain na siya.

“I know how to take care of myself.” pagpupumilit niyang ayaw kumain.

“Bahala ka, di namn ako ang magugutom eh.” sabi ko with rolling eyes.

Isusubo ko na sana ang pagkain ko nang magulat ako kay Lance na kumaripas ang takbo palabas ng kwarto papuntang kusina.

“Oh? bakit ka ba tumatakbo, nagutom ka na noh.”

“A-a-ahh, Oo”

“Sus!arte arte pa kasi ehhh.” biro ko.

Nang bigla siyang sumigaw.

“Sh*t!!!may palaka!!!!!!!”

May palakang lumabas galing sa kwarto at papunta na sa kusina. Anong ibig sabihin neto? takot siya sa palaka?! Whahahhahha Para siyang bakla nakakatawa ang itsura niya. Agad siyang umakyat sa upuan nang nakatayo. Yun siguro yung dahilan kung bakit nagmamadali siyang tumakbo papuntang kusina. Hahahahaha :D

Scripted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon