Take Five: Unexpected

314 30 24
                                    

Mio’s POV

Hay naku! di ko alam kung anong gagawin ko. Ginigisa nila ako sa mga tanong tungkol sa amin ni Lance, Eh di ko nga rin yun maintindihan ehh..

“So, anong plano mo?” tanong ni Chrome.

“Plano?” puzzled ako.

“Oo, syempre ikakasal ka sa kanya kahit di ka namn niya gusto. Pano yung honeymoon?” tanong niya uli.”

Kita mo nga nman oh! Honeymoon agad?! Eh wala pa ngang kasal  Honeymoon agad?! Mas mukha pa silang excited kesa sa akin ehh.

“Excited? Kayo na lang kaya magpakasal.” sumbat ko sa kanya.

“Sus! Denial Queen ka talaga kahit kelan.” sabi ni Peter sa akin sabay tapik sa balikat.

“Hoy! Hoy! Hoy! wala akong gusto dun ahh. Sa pangit ba naman nun magkakagusto ako!  ako?!di ganun ang type ko noh!” sagot ko sa kanila.

“So...Ano ang type mo?”

nagulat ako ng makarinig ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Waaaaaaaaaaahhh!!!!!!

Si Lance nandito! Kanina pa kaya siya dito? Para talaga siyang linta na di maalis sa buhay ko.

“Oh? bat di ka makasagot? Anong bang type mong lalaki?” tanong niya with so gorgeous eyes and sexy appeal.

Waaaaaaaaaahhh! nakakatunaw talaga siya.

Únti-unti kong tinutok sa kanya ang mata ko, gusto ko nang sagutin ang tanong niya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko  puro hangin lang.

“A-a-a-a-a-a-a-a-h-h-h-h-h-h-h-h”

Napatingin sila lahat sa akin na para bang takang-taka sila sa reaction ko.

“ANO?” malakas na tanong niya uli.

“AKO.”

Nagulat ako nang sumagot si Kean mula sa kinauupuan niya. Ano bang pinagsasasabi niya? Anong ibig sabihin ng AKO?! na sinabi niya.

“Ako ang type niya.” dagdag pa ni Kean.

AAAAAAAAhhhhh... O_O Para akong nadaganan ng malaking bato sa dibdib na di na ako halos makahinga. Ano bang pumasok sa utak niya at mukhang nalason na. Di na niya alm kung anong pinagsasasabi niya. Muntik nang malaglag ang puso ko sa sinabi niya. Gulat na gulat din ang mga kaibigan namin  pero si Lance wala lang pakialam na para bang di man  lang siya nagulat.

wala lang ang reaction niya. at ako NGANGA! di ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko alam kung papatulan ko ba yung sinabi ni Kean o hindi. Baka kasi sinab niya yun para di na ako mainsulto ng Unggoy na Lance na yun.

“Oo! Siya ang type ko!” sagot ko kay Lance para tumigil na siya.

Biglang tumaas ang kilay niya na para bang sinasabing “Are you joking?!”

“Oh! I’ll never wonder why. You need someone that is smarter than you and is much more better para di ka naman kawawa. Nice choice!” sabi niya sabay ng nakakabwisit niyang ngiti.

T_T....Whaaaaaaat!!!!!! kahit kelan talaga di niya kayang mabuhay na di ako iniinsulto! Ang Sakeeeeeeeet! di ba niya lam yun?! Oo, matalino siya pero wala syang karapatan para  alipustahin ako ng ganun! Pati si Kean dinamay niya.

“Ang yabang mo talaga noh!” sigaw ko sa kanya.

Nanggigigil na ako sa sobrang galit. Gusto ko siyang sapakin ng pagkalakas-lakas para maalog ang utak niya at maging bobo siya para magising siya sa katotohanan na bobo talaga siya dahil magaling lang siya sa academics pero di siya marunong gumalang.

“Bakit? Take it as a compliment. ”

Urrrrgggggghh! gigil na gigil na talaga ako. COMPLIMENT daw? Aba! ang kapal talaga ng mukha niya, akala niya ba di ko alam ibig sabihin ng mga pinagsasasabi niya!

“Nagsasayang lang ako ng oras sa pakikipag-usap ko sa wlang kwentang taong tulad mo!” pasigaw kong sabi sa kanya sabay tayo sa kinauupuan ko para umalis.

Pero bago pa man ako makalayo hinawakan niya ang braso ko.

“Come with me.” sabi niya.

 “Huh! Bitiwan mo nga ako!”

“Halika na.”

Sabay hila niya sa akin.Di ko nga alam kung hila pa bay un o kaladkad na dahil halos matapilok na ako sa paglalakad. Hanggang sa matanggal ang isa sa mga heels ng sapatos ko.

What! naalis ang heels ko!

“Anu ba! Dahan-dahan naman!”

“Bilisan mo na lang”

“Natanggal yung heels ko!”pagrereklamo ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng seryoso

Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at binaba ang taas ng katawan.  Parang piggy back ba.

“Bilis na!”

Nagulat ako sa pinapagawa niya. Gusto niya akong buhatin? Pero sa tagal ko tumayo siya ulit at nagulat ako ng buhatin niya ako with his arms na para bang bagong kasal.

“Ano? Reklamo pa? Bigat mo!”

Sabay lakad niya papunta kung saan man niya ako balak dalhin.

“Ibaba mo na nga lang ako! maglalakad na lang ako.”

“Kaya mong maglakad nang ganyan? ”

Napatigil ako sa tanong niya. Kung sa bagay di ko nga naman kasi kaya eh. Kya di na lang ako umimik.

“E-h-h-h-h”

“Wag ka na ngang magreklamo! Itapon kita eh!”

Hmpt! Sama niya talaga. Pero san ba ako dadalhin ng asungot na to? Baka naman kung anong gawing kalokohan nanaman neto sa akin tulad ng KISS niya kagabi. Ano nga ba? Pero kinakabahan ako, di ko lam kung mabuti ba o hindi ang gagawin ng unggoy na to sa akin pero kahit papano may tiwala parin naman ako sa kanya eh.  Bakit kaya niya akong inaya umalis? Nagalit ba siya sa sinabi ni Kean o wala lang talaga siyang magawa sa buhay kaya ako nanaman ang napili niyang paglaruan?

AUTHOR’S NOTE:

ABANGAN! HEHEHE, SANA SA MGA NAGBABASA DI KAYO MAGSAWA ESPECIALLY SA FRIEND KONG SI @ChoiHyein. Thank u sa mga nagbabasa, Don’t forget to comment and vote.. :D

Scripted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon