Lance’s POV
Di ko alam kung anong nakain ko at bigla ko siyang hinila. Kakausapin ko lang naman dapat siya at magsosorry pero di ko alam kung bat bigla ko siyang hinila palabas ng resto at ngayon isinakay sa kotse ko.
“Oh! pasok na.” bulyaw ko sa kanya.
“Aba! akala mo kung sino kang Don ah, eh hinila mo lang naman ako eh.Dapat nga ireport pa kita kasi harassment yun!”
Aba, may nalalaman na siyang harassment ahh. Pero bakit ko nga ba siya pinunta dito? Saan ko naman siya dadalhin ngayon?
“Basta sakay na lang kasi. Ang dami mo pa kasing tanong ehh”
Sabay bukas ng pinto para sa kanya. Agad naman siyang pumasok. At sumakay na rin ako sa driver’s seat.
“Saan mo ba ako ipupunta ahh!” reklamo niya.
Kahit talaga hindi siya mawawalan ng ipuputak. Kawawa namn ang mapapangasawa neto.
“Pwede ba manahimik ko kung ayaw mong ilaglag kita!”
“Sama mo talaga kahit kelan kaya walang nagtiyatiyaga sayo eh.”
Bigla kong natanong sa sarili ko, ganun ba talaga ako kasama kaya walang nakakatiis sa akin? Kaya ba iniwan niya ako?
Tinignan ko siya sa mata nang masama.
“Eh bat ikaw?”
mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko. At naguilty pa siya dahil siguro alam niya na pagdating sa akin di niya kaya.
“Anong ako! Eh punong-puno na nga ako sayo eh!”
“Hmmpp, di mo din naman ako kaya eh!”
“Che! kala mo naman kung sino ka!”
“Pwede ba tumigil ka na sa kakatalak, kawawa naman magiging asawa mo niyan eh. puro ka dada.”
Natigilan ako sa sinabi ko. Sino nga bang mapapangasaw niya?, Ay Tanga! ako nga pala.
“Bakit?! Sino nga ba?” sabi niya sabay duck face sa akin.
“Bakit, sa tingin mo ba matutuloy?” sabay smirk ko sa kanya.
“Sana nga HINDI!” pasigaw niyang sabi.
Ewan ko kung matutuwa ako o mapapahiya. tinignan ko lang siya ng masama.
“Shut up!”
Mio’s POV.
Nagulat ako sa reaction niya, “shut up!” ba naman ang sabihin sa akin with matching burning eyes na para bang kakain ng tao. Kaya nag shut up na lang ako.Hahahaha, pero kinkahaban parin ako kung saan ba ako dadalhin ng taong to.
At last!
Nakarating din kami, di ko alm kung saan to pero maganda siya. Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang bahay that looks very familiar sa akin. Lumabas na kami ng kotse at dun ko na narealize kung saan niya ako dinala.
I almost cried when i saw the house. OUR house. This is my family’s house, the house where i grew up. I look at the garden and then i remember my childhood days. Its late when i realize that i’m already crying in front of this bastard. And he looks very surprised and guilty of why he’d brought me here.
“Pwede ba pumasok na tayo” yaya ko sa kanya habang pinupunasan ang luha.
Pumasok na kami sa loob. Di ko mantindihan ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak nang umiyak pero di ko magawa. Gusto kong maiwan na lang dito,sa lugar kung saan ako lumaki.
Pagbukas ng pinto nagulat ako nang wala na sila. Wala na ang pamilya ko, tanging mga lumang gamit na lang. Nagmistulang bodega ang bahay namin.
Di ako makapaniwala sa nakita ko. Gusto kong magwala at halughugin kung nasaan man sila ngayon.
“Nasaan na sila?” tanong ko with teary eyes.
“Di mo ba alam?” tanong niya na para bang takang taka kung bakit di ko alam.
Oo di ko naman talaga alam eh. The last thing i know babalikan daw nila ako at kukunin uli. But that thing never happened.
“Nasaan na nga sila!” sumigaw ako sa harap niya at di ko na mapigilang umiyak.
Tuluyan nang bumagsak ang malalaking luha at di ko na natigilang humikbi.
“Tahan na.Sorry kung pinunta pa kita dito. Di ko naman alam na ganitong mangyayari eh.”
“Akala ko kaya ko na, pero hindi pa pala. Di ko pa sila nakalimutan after how many years na iniwan nila ako.”
“Syempre pamilya mo sila, There’s nothing more precious than your family naman diba?”
“Pero sabi mo nga diba, wala na silang pakialam sa akin.”
“Andito naman kami ahh. You don’t need to worry. Mahal ka namin.”
His words struck me. MAHAL KA NAMIN. Mahal niya din ako? I feel so very touched of what he said. Di ko alam kung yayakapin ko ba siya o tatawa na lang ako pretending na joke lang yung sinabi niya.
“Mahal mo ako?”
OMG! ang awkward ng tanong ko. Eh iba naman yung sinabi niya ehh.
“Huh!” gulat niyang sagot
“A-h-h-h-h-h” nauutal kong sabi
“Iba nanaman iniisip mo eh.” asar niya
“Hindi ah!”
“Uyyyyyyyyyyyyyyyy! gusto niya ako”
“Feeler!”
Di ko na napigilang mapangiti at mapatawa. Sabay tapik ko sa mga braso niya habang nagkukwento ng kung anu anong kalokohan.
Napaiyak man niya ako, napangiti naman at napatawa pa niya ako. Di ko alam kung bakit kahit sobrang lungkot ko kaya niya akong pasayahin kahit sa malilit na bagay at lalo na sa mga corny jokes niya.
Lance’s POV
Natakot ako kanina nung umiyak siya, di ko lam kung anong gagawin ko. Mabuti naman at tumawa ang loko sa mga biro ko. Pakiramdam ko tuloy kanina imbes na makabawi ako sa kasalanan ko dinagdagan ko pa. Pero samga ngiti niya ngayon, I know bawing bawi na ako sa mga kasalanan ko.
Nakaidlip siya.
Napagod siguro sa kakatawa at kakapalo sa akin. Hahaha. Pero ngayon ko lang narealize kung gano siya kabait at kung gano siya kadaling magpatawad.
“Ang EWAN talaga ng babaeng to.”
nakapatong ang ulo niya sa sa hawakan ng sofa.
“Sige matulog ka muna para may energy ka mamaya.hahahahha”
AUTHOR’S NOTE:
ANO KAYANG PLANO NI LANCE? ENERGY MAMAYA? ANONG GAGAWIN NIYA KAY MIO? OMGEE! HAHAHHAHAHHAHA. ABANGAN. SORRY KUNG SLOW UPDATE LANG TO MGA READERS :D BUT I’L TRY MY BEST NA MAPABILIS. DON’T FORGET TO COMMENT OR VOTE :D
![](https://img.wattpad.com/cover/5412448-288-k900950.jpg)
BINABASA MO ANG
Scripted Husband
Romansa"ITS HARD TO PRETEND YOU LOVE SOMEONE, BUT ITS HARDER TO PRETEND YOU DONT LOVE SOMEONE EVEN IF YOU DO." - LANCE QUING Pano kung ang simpleng PAGPAPANGGAP ay maging TOTOHANAN nang di mo NALALAMAN? Pano kung mahalin mo ang taong di mo inaasahang kaya...