Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puro puting pader ang nakapalibot sa akin. May maliit na mesa sa tabi ko na puno ng bulaklak, mga violet Iris. Ang gaganda, I wonder kung sinong nagbigay. I think I'm in a private room in a hospital pero wala man lang akong kasama. Nasan na si Lance? Siya ang huli kong nakita bago ako makarating dito sa lugar na ito. Ang that terrible accident sa elevator, Ugh! Just forget it, nagmukha akong kawawang daga dun. Ewan ko ba kung kamalasan lang talaga ng paboritong higupin ng aura ko. Hay Naku! Nahihilo parin ako hanggang ngayon.
Narinig ko ang pagpihit ng doorknob.
*Clak*
Andito na ata si Lance.Pinikit ko muli ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog.
"Di ka parin pala nagigising" sabi ng boses na papalapit sa akin. Narinig ko ang paghila niya sa upuan malapit sa akin. But I don't recognize his voice, it's not Lance's voice. Pero mukhang narinig ko na ang boses na to.
"You look so innocent, you're so deceiving." Dagdag pa ulit ng boses. Naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay niya sa noo ko. Hinawi niya ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa aking mga mata.
I'm really curious kung sino tong lalaking to. I slowly opened my eyes para makita kung sino ba tong lalaking ito.
At nang makadilat na ako. I saw his beautiful face. The perfect contour of his pinkish lips at ang maamo niyang mata na sinabayan pa ng mahaba niyang eyelashes. It's a Greek God, nasa langit na ata ako.
Nang mahimasmasan na ako sa pagpapantasya ko, si Kio lang pala. Siya yung lalaking nakilala ko sa beach front si KWIYOMI. Hahahaha, Loka-loka talaga ako, katatapos ko lang matrauma eh ganito na agad ang utak ko, lumala pa ata.
"Oh, mabuti namn gising ka na." sabi niya.
"Ah, Ikaw pala. Akala ko namn kung sino." Sagot ko habang inaangat ang katawan ko. Tinulungan naman niya akong makaupo. Ang gentleman niya talaga.
"Mabuti naman at di mo pa din ako nakakalimutan." Buong tamis ng ngiti niyang sinabi.
I felt a sudden jolt in my heart. Naku! Mio maghunustili ka! Heart, makinig ka, may gf na yan! Itong puso na to talaga ang landi, kung kani-kanino na lang tumitibok.
"Syempre naman, you made me laugh that day, KWIYOMI.Hahahaha" I tried to make him laugh but he just smiled at me. Ngumiti ako sa kanya at tinitigan niya ang mga mata ko.
"You're just another thing I can't forget. I regret seing you. I regeret meeting you knowing na ikakasal ka na pala." Mahinahon niyang sinabi sa akin. Nakaramdam ako ng kilig at hiya, pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko.
"Ano ka ba! Binobola mo pa ako, gusto mo ba akong atakihin ng hiya dito?" pangbibiro ko sa kanya para mawala ang pagiging seryoso ng mukha niya.
"Is there any chance for you to backout?" bigla niya tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, akala ko ba may gf na tong lalaking to tapos maka-echos sa lovelife ko wagas.Parang bigalang nagprocess ang utak ko sa tanong nay un. Pwede pa nga ba akong magbackout?
"Parang arranged marriage lang naman yun eh" pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumango siya. "Parang sa movies, stories, yun nga lang less romantic. Cliché right?" biro ko sa kanya na may kasamang tawa.
"But in stories, movies, there's a chance na main-love ung girl sa boy and vice-versa" kontra niya sa akin.
"But my life is not a book that have a story neither a movie to be watched, I'm just like any girl girl in the world that made, makes and will make mistakes." I felt so attached sa mga sinabi ko. Napayuko na lang ako at huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Scripted Husband
Romance"ITS HARD TO PRETEND YOU LOVE SOMEONE, BUT ITS HARDER TO PRETEND YOU DONT LOVE SOMEONE EVEN IF YOU DO." - LANCE QUING Pano kung ang simpleng PAGPAPANGGAP ay maging TOTOHANAN nang di mo NALALAMAN? Pano kung mahalin mo ang taong di mo inaasahang kaya...