Mio’s POV
Hay! nakatulog ako sa kakatawa kanina. Si Lance naman kasi eh! Di na niya ako tinigilang patawanin kanina. But then i feel relieve and happy na. Nakalimutan ko na lahat ng problema ko kanina. Siguro nga kailangan ko lang ng taong magchecheer-up sa akin at si Lance yun. Ang lalaking di ko alam kung pinapasaya ba ako o pinapaasa lang.
“Wake up bird brained!”
Boses pa lang alam ko na kung sino ang nagsabi. Eh sino pa ba, eh di yung magaling na si Lance Calyle Quing. Kinompleto ko para tanda niyo ang pangalan ng kontrabidang lalaking to.
“Gising na!” pangungulit pa niya.
“Oo na! Istorbo!”
“Anong istorbo, Eh anong oras na kaya. Natulog ka lang maghapon.”
Bumangon ako at nagyawn.
“Bakit, ano pa bang gagawin natin?” tanong ko sa kanya.
“Bumangon ka na. Sumakay ka na ng kotse.”
“HA!”
“Bilis! babagal-bagal eh.”
Sabay hila ng kamay ko. Dumiretso kami sa kotse at yun nagsimula nanaman ang mahabang biyahe at awayan.
“Saan nanaman ba tayo pupunta? Malapit nang exams ko,kailangan ko nang magreview.”
“Eh kung yan ang inisip mo kanina bago ka mamasyal, Eh di sana nasa bahay ka ngayon at nagrereveiw!”
“Di naman ako namasyal ah!”
“Eh ano? nagpaLIGAW?”
Huh! ano bang nagpaligaw ang sinasabi neto. Hay! Siguro yung kay Kean kanina,utu-uto naman tong mokong na to.
“Pwede.”
“Bakit, ano bang nagustuhan mo dun?”
“Nagustuhan ko sa kanya? Ahmmm.. Kasi marunong siyang umintindi, loyal at higit sa lahat DI SIYA KATULAD MO!”
Napatingin siya sa akin.
“Anong kamo? DI SIYA KATULAD KO?! ”
“OO” Pang aasar ko sa kanya.
“Talagang hindi! Dahil higit ako sa lahat ng bagay sa kanya noh!”
Kahit kelan talaga di siya mauubusan ng hangin sa katawan. Di man lang marunong magpakumbaba o mahiya. Nakakabwisit talaga siya. Akala niya siya na ang pinakamagaling sa lahat kaya pag natalo siya di niya matanggap.
Napatahimik na lang ako sa sinabi niya. Kung sa bagay siguro nga totoo. Sa talino parehas lang sila. Sa itsura pantay lang din. Sa ugali ibang- iba talaga. Sa pamilya swerte siya dahil si Kean broken family na. Matagal nang hiwalay ang mga magulang niya kaya lola na lang niya ang nag-aalaga sa kanya. Siguro nga kung di namin siya naging barkada eh natuyo na ang laway nun dahil nung nakilala namin siya super LONER siya.
Nagising ako sa tunog ng cellphone. Narinig kong may kausap siya sa phone.
“Hello Ma.”
“Oh anak, nasan ka ba? Kanina pa wala si Mio, Alam mo ba kung nasaan?”
“Hindi po ba nagpaalam sa inyo? Baka nagtanan na.”
Nanlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasasabi niya. Ano bang pinagsasasabi niya eh kasama naman niya ako.
“Ano ka ba naman, di yun gagawin ni Mio.”
“Sus! Akala niyo lang yun ma.”
Sh*t kahit kelan talaga di niya ako kayang ambunan ng konting kabaitan man lang.
“Hoy!” sumigaw ako sa loob ng kotse na halos magulat pa siya at mapatalon sa kinauupuan niya.
“Anu bang pinagsasasabi mo ah!” sigaw ko sa kanya.
Agad niyang binaba ang phone.
“Bat ka ba sumisigaw?!”
“Ano bang pinagsasasabi mo sa Mommy mo ah!”
“Paki mo, Buhay mo?!”
Gusto ko nang lumabas ng sasakyan at sabihing kinidnapped ako ng lalaking to kaso nga lang sobrang bilis ng takbo niya.
“Itigil mo tong kotse.” seryoso kong sabi sa kanya.
“Bakit? Alam mo bang nasa gitna tayo ng High-way! Baka madisgrasya pa tayo madaming sasakyan.”
“Eh di igilid mo BOBO!”
Nagulat ako sa sinabi ko.BOBO. Apat na letrang ako lang siguro ang nagsabi sa kanya dahil ako dahil haloslahat sila puro puri na lang ang sinasabi. Ewan ko pero ayaw kong makita ang mukha niya ng mga oras na yun dahil sa sobrang init ng dugo ko sa kanya, para akong mahahigh-blood eh!
Pero di niya parin tinigil at patuloy ang pag andar ng kotse.
“Ano ba! sinabing tigil eh.”
“You better watch your words.”sabi niya with dark aura.
Mukhnag seryoso na rin siya, pikon na ata. Lagot ako! Waaaahhh! Ngayon ko lang siguro nakitang ganyan kasungit ang mukha niya. And gosh! mas gwapo pala siya pag galit. Tuloy-tuloy parin ang pagdradrive niya, sa sobrang bilis halos mapahawak na ako sa kinauupuan ko. Mabuti na lang at konti lang ang sasakyan kaya malabong madisgrasya kami.
Pero ang tanong. San nga ba niya ako dadalhin? Eh di namn to pabalik ng bahay eh.
AUTHOR’S NOTE:
SAN NGA BA NIYA TALAGA DADALHIN SI MIO? HALAAA! LAGOT KA MIO! ABANGAN!!!
THANK U FOR ALL THE READERS AND SUPPORTERS, HOPE YOU’LL CONTINUE TO READ AND SUPPORT THIS. PLS, DON’T FORGET TO VOTE AND COMMENT. :D
BINABASA MO ANG
Scripted Husband
Romance"ITS HARD TO PRETEND YOU LOVE SOMEONE, BUT ITS HARDER TO PRETEND YOU DONT LOVE SOMEONE EVEN IF YOU DO." - LANCE QUING Pano kung ang simpleng PAGPAPANGGAP ay maging TOTOHANAN nang di mo NALALAMAN? Pano kung mahalin mo ang taong di mo inaasahang kaya...