Lance’s POV
Nagising ako na wala sa tabi ko si Mio. San nanaman bang lupalop pumunta yung kiti-kiting yun. Hinanap ko siya sa buong resto.
“Mio? Lumabas ka na nga di ako nakikipagbiruan ah. Bahala ka pag nawala ka” pananakot ko sa kanya.
Walang sumagot sa tawag ko. This time, nag aalala na talaga ako. Di pa alam ni Mio ang lugar kaya nga kahit kagabi eh di niya alam kung saan siya dadaan. Agad kong tinawagan ang security at pinahanap si Mio.
“May lumabas bang medyo matangkad,maganda at maputing babae sa gate?”-ako
Wait! What? Did I just say maganda? Seriously? O_O
“Sir, Yung kasama niyo po ba yung sinasabi niyo?” tanong ng guard
“Ah Oo, Nakita niyo ba?”-ako
“Girlfriend niyo po ba sir?” tanong niya ulit.
This time tinanong ko ang sarili ko, Ano nga ba si Mio para sa akin? Kapatid nga lang ba ang turing ko sa kanya? Magbabago balahat pagkatapos ng kasal?
“aa-aah She’s my fiance”-ako
O_O nagulat ako sa mga sinabi ng labi ko pero mukhang kinikilig tong bwisit na guard na to. Di ko yun sinasadya, I’m not proud of it. At tsaka ano bang nakain mo lance at bigla mong inamin ha?!
My brain is not working with my choice of words. Fiance? Ulol, pano ko nasabi yun.
“Pero nakita niyo ba siya?”seryoso kong tanong
“Nakita po naming siya kaninang lumabas ng resto pero di po siya lumabas ng gate” -guard
Hayyyyyyyyyyy! Mabuti nalang at di inatake ng kabaliwan yung babaeng yun. Ice cream lang naman pala katapat niya eh.
Sumakay ako sa golf cart para libutin ang buong resort para hanapin si Mio. Kahit kailan talaga sakit ng ulo yun!
Nilibot ko ang buong resort pero di ko parin siya nakikita.Para na akong baliw sa kakatanong sa bawat customer sa resort. Why am I doing this? Is Mio worthy of this thing naginagawa ko ngayon? Well, She’s still my responsibility dahil dinala ko siya rito.
Pabalik na ako sa golf cart nang may makabangga ako sa sobrang pagmamadali. It’s her. Not Mio, its Lira,the only girl I loved.
Nagkatinginan kaming dalawa. I don’t know how to react, di ako agad nakapagsalita.
“Lance?”- tanong niya. Mabuti naman at natatandaan niya parin akong mukha ko.
“Yes. Lira right?” kunwari ko pang tanong na di ko siya nakilala agad.
“What are you doing here? Are you here with friends?” – Lira
Di pa rin siya nagbabago, she still have that aura that makes me fall in love with her.
“No, We own this resort. I just came to check it.” Sagot ko
“Really? Mukhang bigtime na talaga ang pamilya mo. Well, I’m here with my boyfriend. We’re having some time together, alam mo na, bakasyon.”-lira
What?! nakaya niya yung sabihin ng harap-harapan? With her boyfriend? Ano bang akala niya masasaktan ako? Di noh.
“Well,I’m with my fiance” pinaninindigan ko na talaga to ah.
“Talaga? Ikakasal ka na? Congratulations!” Bati niya sa akin sabay abot ng kamay niya.
Nakipagshakehands naman ako. I don’t know what to feel about this. Pakiramdam ko ginagamit ko lang si Mio as a proof na wala na akong nararamdaman sa kanya. But I know deep inside I’m guilty and hurt.
She asked me to show her around dahil may pinuntahan daw ang boyfriend niya. Utang na loob lira, don’t make me suffer more than this. Pero di ko siya natanggihan after all siya lang ang babaeng minahal and I think mahal ko parin.
Kung saan saan na kami nakarating. Ang dami ko nang nakwento sa kanya. This moment feels like the happiest time in my life. Being with her again is really so wonderful, I missed her so much.
Hapon na nang matapos kaming maglibot. Totoo bang may boyfriend siya? Pakiramdam ko kasi walang nagbago sa kanya, katulad parin siya ng dati na hihilain ako kung saan niya gustong pumunta and even stay so close to me kahit na alam niyang may boyfriend na siya. O sadya nga bang hanggang kaibigan lang at kapatid ang turing niya sa akin.
*Flashback*
“Lance go swimming na, naghihintay na mga friend mo oh” sabi sa akin ni mommy.
Agad namn akong pumunta sa pool tumakbo ako sa gilid ng pool nang makita ko si Axcel, ang bestfriend ko. It’s our summer lesson when I was in grade 1.Nagmamadali akong tumakbo nang…
*Splash*
Nahulog ako sa 6ft. pool until a hand grabbed me and inahon ako sa pool. It’s Lira,grade 2 pa lang siya nun pero ang galing na niyang lumangoy, maybe because swimmer din ang daddy niya. Maybe I liked her because I never had such appreciation to a girl. Niligtas niya ako, simula noon pakiramdam ko siya na ang babaeng gusto kong makasama. I started coming at their house and became friends with her until that day came that she left me without any word and did not even gave the chance to say a part of how I feel about her.
*End of Flashback*
“Naaalala mo pa ba the first time we met?” tanong niya sa akin habang nakatanaw siya sa beach.
Natulala ako sa kanya. Di ko alam kung bakit niya pa yun tinatanong eh may boyfriend na siya.
“Of course, pano ko namn yun makakalimutan.” Sabi ko looking at her face.
“Sabi mo sa akin dati, ako ang papakasalan mo diba? Remember? ” this time she said it directly looking at my eyes.
I don’t know what she means, yet, may karapatan pa ba siyang tanungin ang tungkol dun? She did not give a chance para masabi sa kanya lahat and now?
“Bata pa tayo nun, wala patayong alam sa mga bagay-bagay.” Sagot ko sa kanya
“Don’t you remember this?” sabi niya.Napatigil ako, Ipinakita niya sa akin ang isang maliit na laruang sising. It’s the ring that I gave her 12 years ago.And take note 18 na ako and she’s a year older than me, yet nasa kanya parin yun and still remember the exact words I said years ago.
Napangiti ako nang Makita ang singsing. But I felt pissed off. Why? Bakit kailangan niyang ungkatin lahat ng nakaraan? Is she alarmed na ikakasal na ako? Or she’s just making her way para baguhin ang isip ko. Oo, hindi ako sigurado kay Mio, di ko siya minahal but I’m not an ass para iwanan siya nang ganun ganun na lang.
“You still have that?” nakangisi tanong ko sa kanya.
“Yes. It’s probably the only precious thing I have.” Sabi niya
“Why are you doing this?”-ako
This time I saw a tear in her eye. She’s crying. Dahil ba to sa akin?
“I never thought you’ll find someone better than me that you will be married this soon” umagos na ang luha sa mga mata niya.
I have nothing to do with that decision. Di ko ginustong makasal agad pero anong magagawa ko. She’ll be left alone pag di ko siya pinakasalan at matagal nang gusting ibigay ni mommy at daddy ang apelyido naming sa kanya but they have waited for the right time para gawin yun. At yun ay ang ipakasal ako sa kanya.
“She might not be better than you but I hope she’ll be enough for me. I’m sorry.” –ako
I left her standing there weeping her eyes. Nakalimutan ko na hinahanap ko nga pala si Mio and hanggang ngayonay di ko parin siya nahahanap. I spent my time with Lira rather than looking for Mio. I'm sorry Mio. From this day on I'll take responsibility of you.
AUTHOR’S NOTE:
Sorry for the very very very late update readers Here you go! Enjoy and wait for some more.
Nasan nga ba si Mio?
BINABASA MO ANG
Scripted Husband
Romance"ITS HARD TO PRETEND YOU LOVE SOMEONE, BUT ITS HARDER TO PRETEND YOU DONT LOVE SOMEONE EVEN IF YOU DO." - LANCE QUING Pano kung ang simpleng PAGPAPANGGAP ay maging TOTOHANAN nang di mo NALALAMAN? Pano kung mahalin mo ang taong di mo inaasahang kaya...