Take Four: Still His Game

323 32 25
                                    

MIO’s POV

Nakakabwisit talaga siya, ang sarap niyang patayin  T_T pero di ko din kaya yun. Mabuti pa lumabas na muna ako para makasagap ng magandang hangin at mood na rin. Tinext ko ang mga barkada ko and YES! makakapaag party-party na rin ako uli. Meron na rin akong paglalabasan ng sama ng loob.

Dumating ako ng restaurant nila Chrome, one of my bestfriends nalagi kong kasama at pinakamaingay sa barkada.

Lagot! Nandun na sila lahat at ako na lang ang hinihintay, siguradong para nanamang mga asong ulol yung mga yun sa karereklamo.Pumasok ako ng resto at para bang nakakita sila ng baliw, di mo alam kung naaawa o natatawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang mababad trip din ako dito. O_o..Lumapit na ako sa kanila.

“Aba madam anong oras na?!” biro ni Peach, ang pasosyal ng barkada.

“E-e-h-h-h-h-h----”

Dipa lang tapos ang sinasabi ko pero puro na sila daldal at reklamo.

chu...chu...chu...

“Bongga! late for 2 hours!” asar ni Peter na Penelope pag gabi. :D, Oo bakla siya at siya ang pinakamadrama sa barkada at pinaka chismosa pa kamo.

“Better late than never naman diba?” sugsog pa ni Kean, ang pinakamatalino at pinakamayaman sa amin. Siya na siguro ang pinakamalas dahil kami ang barkada niya dahil halos lahat LIBRE XD.

 Pero kung iisipin swerte siya sa buhay niya dahil I’m sure papasa siya sa board for medicine. Eh ako? makagraduate kaya? :(

Huhuhu. Naalala ko tuloy lahat ng nangyari. Asar!..Hmppt wag na nga, i need to have some fresh air.

“Ano ba?! Nagyaya na nga yung tao kasi may problema diba?!” inis kong sabi sa kanila. Pano kasi puro reklamo eh.

Sabay kunwari walk-out, at wala man lang ni isa sa kanila ang pumigil!

Bwisit! T_T Huhuhuu. Iiyak na ko!

Bumalik ako with matching hawak sa bewang at masamang tingin sa kanila.

“Oh akala namin aalis kana, kukunin na sana namin yung bill ehh” biro ni peter.

“Huh! talaga lang ahhh, wala talaga kayong balak pigilan ako?”

“Bat ka namin pipigilan right mo yan noh! eh di gorabells ka na!” asar pa niya.

Hay! ayoko ko nang makipag away kaya umupo na ako sa mesa at sumimangot. Sabay biro nanaman nila.

“Oh Chrome, si Mio daw magbabayad ng bill oh with matching tip pa.Hahahahhahahahha” biro ni Peach.

Tawa naman silang lahat! Nakakabwisit  na talaga.

HAHAHAHAHAHHAHA..

Lakas ng halakhak parang kay mokong kanina. Kahit kelan talaga, lahat na lang sila pinagtritripan ang buhay ko. tama nga si Lance kanina kawawa naman ako..huhuhu. ang sakeet!

“Oh?! ano ba kasing problema mo? bat ka nagtawag huh?” tanong ni peach.

Seryoso mode na lahat. Yieeeeeeehh. They feel me na! buti naman.

“Kasi—Kasi--”

“Kasi ano?” tanong ni Kean.

“Di ko pa kasi sinasabi sa inyo na – na----na ikakasal na ako.”

“WHHHHHHAAAAAAAAAAAT!!!!” sigaw nilang lahat at kitang-kitang gulat na gulat, pati nga si Chrome na nasa malayo ay biglang lumapit at nakiosyoso.

Scripted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon