Missing Reality 15: Incendium (Burning Fire) Ḓḁ﹩ℌ유€ℓ 〠
~Eurice, the Coldest Ice~
Nasa ibang dimension na naman ata kami ng Magic Realm. Asan naman kaya kami ngayon? Isa lang ang nararamdaman ko, mainit.
"Cole, bakit ang init? Wala naman tayo sa disyerto ah?" Tanong ni Kai na kulang na lang eh maghubad na.
Nagsmirk si Cole bago magsalita. "Dash."
"I know." Ano daw?! May sarili din silang mundo? Hala! Sila lang nagkakaintindihan?! Kung ano anong pumapasok sa utak ko tas biglang may lumitaw sa harap namin. Isang napakagandang fairy. Si Bev kasi cute, eh eto maganda. Ang ganda niya~ Kaya lang mainit talaga eh.
"Sorry for the hot welcome." Lol. Natawa ako sa isip ko. Meron bang hot welcome? Pffft. Diba warm? Sabi ko nga meron eh. Napatingin kasi sakin ung babaeng fairy na maganda. Mukhang gets ung iniisip ko. "I'm Lestava. The Fire Guardian." Buti ngumiti na siya. Nagsisimula na kasi akong matakot sa tingin niya eh.
"We're the Angels of Heaven."
"Yeah. C'mon, let's go to my house." Kailangan english?! Pero mainit pa din. Sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami dun sa bahay daw niya. Maganda, kaya lang mainit talaga eh. Mainit yata ang word for the day ko ngayon. Ang init kasi talaga eh. "Upo kayo." Umupo naman kami tas pumunta ata siyang kusina.
"Ang init naman dito. Natatakot tuloy akong lumapit dun sa babae na yun." Sabi ni Cirrus na di mapakali sa buhay. Wala bang aircon? Ang init talaga eh.
"Ano kayang gagawin niyo Dash? Magpapainitan? Hanggang kung sino matalo? Hahahaha!" Nakatingin lang kami kay Hikaru. Siya lang kasi tumawa sa joke niya? Joke nga ba yon? "Hindi man lang kayo natawa?"
"May nakakatawa ba don?" Sagot ni Lilly na naka-death glare kay Hikaru. Tumahimik na lang si Hikaru.
"Eto, inom muna kayo." Nagbaba ng juice si Lestava. Kumuha kami ng tigi-tigisa. "May problema ba?" Nakatingin siya kay Bubble.
"Ahh, wala po."
"Ayaw mo ba ng juice?"
"Hindi. Baka kasi.. mainit?" Oo nga noh? Pero hindi naman mainit.
"Hindi. Sige, eto oh." Saka niya binigay kay Bubble ung natitirang juice. "Malamig yan, promise." Kinuha na din ni Bubble ung juice saka ininom. "Hindi ko pa nga pala kilala kayong lahat. Si Dashiell at ang chosen one lang ang kilala ko."
"Ako po si Bubble!" Saka siya nagtaas ng kamay. "Hindi ako kasali sa Angels of Heaven." Pero nakangiti pa din siya habang sinasabi yun.
"Kai here." Na may kasama pang kindat.
"Hikaru!"
"Cirrus." Pero nakangiti.
"Ako naman si Zoe."
"Daphne."
"Lilly." As usual. Alangan namang ngumiti si Lilly?
BINABASA MO ANG
Missing Reality
FantasyJoin Eurice to her adventure in Magic Realm. Wanna come? But.. what's your magical power?