MR 27: Accept Them (⌣́_⌣̀)

4.1K 96 3
                                    

Missing Reality 27: Accept Them (⌣́_⌣̀) 

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Nakausap ko na sila. Medyo gumaan na ang loob ko. Nasagot na ang iba sa mga tanong ko. Basta ang alam ko, hindi sila masama. At gusto ko matanggap nila sila.

"Tara, kain na tayo!" Ako na ang nag-aya sa kanila. Sumama naman sila. Friends na kami eh! Katabi ko sila. "Kilala niyo ba silang lahat?" Bulong ko kay Maya.

 "Hindi masyado eh." Bulong din niya.

 "Guys! Pakilala ko kayo ah?" Sinimulan ko sa malapit sakin. "Si Lilly, Dashiell, Hikaru, Pepper, Zoe, Cirrus, Daphne, Kai at Bubble." Isa isa ko silang tinuro para malaman nila. "Eurice here and si Cole." Saka ko din tinuro ang sarili ko at si Cole. "Si Maya at Corby pala." Tumango yung iba tas yung iba nr lang. No reaction at all. Poker face. "Kain na tayo." Nginitian ko na lang yung dalawa para hindi sila malungkot. Nagsimula na kaming kumain at walang nagsasalita.

Natapos kami ng wala pa ring nagsasalita. Umalis na lang agad sila. Tumulong ako sa pag-uurong.

"Pwede ba akong tumulong?" Natuwa ako nung lumapit samin si Maya. Alam kong gusto niyang tanggapin sila ng mga kasamahan ko.

 "Oo naman! Okay lang naman diba, Bubble?" Tumango lang si Bubble at binigyan ng space si Maya. Ngiting-ngiti akong nag-uurong. Baka si Bubble ang unang tatanggap sa kanila.

Pero mali ako. Maya maya lang at umalis na si Bubble ng walang paalam.

"Sorry." Yun na lang ang nasabi ko kay Maya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

 "Okay lang. It takes time." Tama siya.

Natapos na kami sa pag-uurong at naki-upo ako sa kanila. Tinawag ko si Corby at Maya para makinuod sila samin. Bonding na to! Nakaupo sila sa mahabang couch katabi ko. Sa tabi ko naman ay si Kai.

"Ang boring naman. Ano kaya kung maglaro tayo?" Okay to. Isasali namin sila Maya. Sino kaya mananalo? Masaya to! "Yung lagi nating nilalaro? Okay lang naman kung kasali sila diba, Cole?" Ngiting-ngiti kong tanong sa kanya. Syempre, siya leader eh.

 "Ayos lang naman sakin." Yes!

 "Ano na guys? Para mawala boredom natin! Okay pa nga to kasi may bago tayong kalaban. Sino kayang mana--"

 "Pass ako." Napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Kai. Katabi ko lang siya kaya rinig na rinig ko sinabi niya.

 "Me too." Sunod naman ni Pepper. Isa isa silang nag-alisan. Ako, si Maya at Corby, Cole, Dashiell at Lilly lang ang natira. Mukhang wala lang sa mood yung dalawa kaya nagpaiwan pero sa tingin ko hindi rin naman sila papayag na makipaglaro samin. Nagkatinginan lang kami. Pero wag susuko! Kaya mo yan, Eurice!

Gusto munang umalis ni Maya at Corby pero hindi ko sila pinayagan! Baka eto na yung oras para pansinin nila sila kaya hindi pwedeng papalampasin ko ang oras na yon!

Nasa kwarto sila. Nagbabatuhan ng unan. Okay to, pillow fight! Sali kami! "Hey, guys!" Napatigil sila at tumingin sakin. "Sali?"

 "Oo ba!" Yes! Pinapasok ko na sila.

 "Go!" Saka ako kumuha ng unan at pinagbabato sila. Sandali lang at tumigil na ako. Hindi naman sila nakikipagbatuhan eh. Ako lang mag-isa. "O, ano na? Talo ko na kayo!" Saka ulit ako nagbato ng unan.

 "Labas muna ko." Sambit ni Daphne at nagsunuran naman sa kanya yung iba. Naiwan na sa baba si Lilly, Dashiell at Cole kaya ako, si Corby at Maya na lang ang nandito sa kwarto. Napaupo ako sa kama at binaba yung mga unan na hawak ko. Nanlulumo ako. Ano bang dapat kong gawin?

 Nagulat naman ako ng biglang may tumama saking unan. "Pillow fight?" Nakangiting sabi sakin ni Maya na may hawak na unan. Pagtingin ko kay Corby ay may hawak din siyang unan.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila at nagsimula na akong magbato ng unan.

At least, nakapagpillow fight pa rin kami. Hindi nga lang sila kasama.

Nasa labas sila! Yung iba nakalutang, yung iba nakaupo lang. Mukhang nagpapahangin sila. Puntahan ko nga! "Hey!" Nakangiting bati ko sa kanila. Papunta pa lang sila Maya sa kinalalagyan namin kasi nauna ko dahil nagtatakbo ako.

 Napatingin sila sa likuran ko at nag-iwas sila ng tingin. "Uy, Ice." Awkward na bati ni Zoe. Bati nga bang matatawag yun?

 "Cheer up naman oh! Parang ang tatamlay natin ah? Gusto niyo bang sumaya? Teka. Maya, Corby!" Tawag ko sa dalawa at kinawayan sila para pumunta dito. "Mas masaya kung kumpleto tayo. Tarang maglaro! Ano bang gusto niyo? Ang bang maganda? Hmmm." Nakahawak pa ko sa baba ko habang nag-iisip. "Mag-isip tayo. Yung bago para uni---"

 "Enough!" Napatigil ako sa pagsigaw ni Pepper.

 "Ice, tama na." Seryosong sabi ni Hikaru.

 "Bakit?" Buti may lumabas pang boses galing sakin.

 "Hindi kami natutuwa." Gusto ko ng umiyak sa sinabi ni Pepper. "Hindi na nakakatuwa 'yang ginagawa mo."

 "Ice, tara. Pag-usapan muna natin to." Hinawakan ako ni Daphne at bigla na lang kaming napunta sa ibang lugar. Naiwan si Maya at Corby. Wala din si Lilly, Dashiell at Cole.

Nakatingin lang ako sa kanila. Hinihintay na isa sa kanila ay magsalita. Hindi ko lang din naman alam kung anong dapat kong sabihin.

"Hindi naman siguro tamang pilitin mo kaming tanggapin sila noh?" Bungad ni Pepper. Tinignan siya ni Cirrus at hinawakan. Nagbuntong-hininga lang si Pepper.

 "Ice, sa tingin ko hindi tama ang ginagawa mo."

 "Pero, gusto ko lang namang tanggapin niyo sila eh. Gusto ko maging okay tayong lahat. Mali ba yon?"

 "Hindi, pero mali ang paraan mo." Galit na ba sila sakin? Pati si Zoe na laging umiintindi? Si Bubble na laging kong karamay? "Ice, hindi mo kami masisisi. Dito sa mundo namin," NAMIN. "kapag nabuhay kang masama, hindi ka na pwedeng magbago."

 "Diba dahil lang naman sa bead yun? Hindi sila talagang masama. At alam niyo yun dahil tao rin sila katulad ko. Hindi kami ipinapanganak na masama."

 "Yun na nga yung point eh." Nagsalita ulit si Pepper pero this time, malumanay pero andun pa rin yung tigas sa boses niya. "Tao sila. Hindi namin sila katulad." Hindi ko kayo katulad.

 "Ice, bigyan mo lang kami ng konti pang panahon. Hindi naman kami ganon kagalit sa kanila eh." Sabay tapik sakin ni Bubble.

Gets ko na. Tanggap ko na.

 "Sorry. Kasalanan ko. Okay pa naman tayo diba?" Ngumiti sila at nagthumbs up sakin. Pagkakita ko nun, nauna na akong umalis. Hindi muna ako babalik sa hide-out.

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Tumulo ng sunod sunod ang mga luha ko.

Hindi nga ba talaga ito ang mundo ko? Dapat ba wala ako rito?

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon