MR 49: Molli Niti ✣

3.3K 102 22
                                    

Missing Reality 49: Molli Niti (Soft Bubble) ℬṷ♭ḅℓ∊ ✣ 

~Third Person~ 

"--I'm Cole, the Dark Light. The mastermind."

"Pepper here. The real doll master." 

And then, they all froze. Maliban kay Ice. Hindi niya inexpect na si Cole ang tunay na kalaban, pero parang hindi siya nagulat. Siguro ay dahil may pagkamanhid na siya ngayon. Dahil nga isa siyang matigas na yelo. Pero hindi mo maiiwasan sa kanya na magtanong. Napakaraming tanong. Silang lahat. Miski si Corby at May ay naguguluhan. Si Cole ang tunay na mastermind? Ang nagpaikot sa kanila? Prank ba ni Cole ang lahat ng ito?

"Teka." Sa wakas nagsalita na si Kai. Sa wakas may nagsalita na. "Joke ba 'to?" 

Ang iba ay tahimik lang. Seems like cat got their tongue. "Do I look like I'm joking?" Hinawakan ni Daph ang origami na ginawa ni Cole. Oo, dala dala niya iyon. Hindi niya alam kung bakit pero mukhang ito ang dahil non.

"Ikaw ang makalaban namin?" Nakarecover na si Ice sa pagkashock pero hindi pa rin niya lubos maisip at matanggap ang nangyayari. Tumango ang mastermind na si Cole ng nakangiti. Not the smile he always wears. Not the smile that attracted Ice.

It's a smile of dark. "Cole, hindi. Hindi tayo maglalaban." Nagiging emosyonal na si Zoe. "Si Pepper--" Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi halo halong emosyon ang nararamdaman niya. Isa lamang. Iyon ay sakit.

"I knew it." Napatingin sila kay Cirrus. Nagstep si Cirrus para mas malapit kila Cole. "Alam kong robot si Pepper pero hindi ko akalain na ikaw Cole ang mastermind."

"Paano mo nalaman?" Sang-ayon ang iba sa tanong ni Daphne. Alam na pala ni Cirrus? Kelan pa?

"Naalala niyo nung kadadating pa lang ni May at Corby?" Tumango sila. "Naligo tayo sa lawa malapit sa hide-out natin." Sunod na sunod na tango lang ang ginagawa nila. "Nahimatay nun si Pepper kaya kinailangang itigil ang kasiyahan. Nangyari yun kay Pepper dahil nasira ang circuit niya. Nakita ko ang circuit niya. Sa bandang kanan niya." Tinignan nila ang kanan ni Pepper. Kita nga doon ang electricity na nanggagaling sa kanya. "Nagkaproblema ang circuit niya dahil nababad siya sa tubig. Dahil nga naglalaro sila ni Ice." Parang nagegets na ng iba. Ang galing ni Cirrus. Siya lang ata ang nakapansin nun.

"Grabe Kuya." Manghang mangha si Bubble. "Matalik ko siyang kaibigan pero hindi ko man lang nahalata."

"Bakit hindi mo sinabi samin?" Dahil kung ganon, baka sakaling natuklasan nila na si Cole talaga ang tunay na kalaban.

"Naisip ko, robot lang naman siya." Napatitig si Pepper kay Cirrus. Lang? Ganun lang siya? "Eh ano ngayon kung kasama natin siya?"

Napatingin sila sa taas nang makarinig sila ng mabagal na palakpak. "Very good, Cirrus. Hindi ko akalaing matutuklasan mo yun."

"Eto ba ang dahilan kung bakit ka nagalit sakin?" Medyo tumatalim ang pagsasalita ni Pepper. Naiinis siya. Oo, robot lang siya pero kahit ganon ay may nararamdaman pa rin siya. Natutunan na rin niyang maging fairy.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon