MR 4: Murky Dark ☠

9.2K 270 45
                                    

Missing Reality 4: Murky Dark ☠

~Eurice, the Coldest Ice~

Murky Dark? Yun ang tawag nila sa lalaking nasa harap namin ngayon. Ang pinuno ng kasamaan. Ano kayang problema niya at gumagawa siya ng ganitong gulo? Nakatingin siya sakin. Bakit.. ang daming emotions ng mga mata niya? Hindi siya mukhang masama.

"Ice!" Nagulat na lang ako nung nasa sahig na kami ni Cole. Eh? "Wag mong titigan ang mga mata niya. May laser beam yon!" Kaya pala siya nakatingin sakin.

 ''Cole. Akin na muna siya." Ibingay naman niya ako kay Daphne. Ba't parang di ako makalaban? Ready na ako diba? "Dito ka muna." Nakapaligid sakin ay tubig. "Kapag may sumalakay sayo, gamitin mo lang ang magic power mo. Kaya mo yan, Ice." Lumipad na siya at nakipagpalaban.

 "May bagong kalaban!" Sigaw ni Cirrus. "Dashiell, targetin mo ung isa!" Pero nasapo nung isa ung apoy ni Dashiell. "Pano nangyari yon?! Sino ka ba!!?" Mukhang galit na si Cirrus.

 "Wait. Lemme introduce myself." Nakatingin lang kami sa kanya. "I'm Maya, the Frustrating Illusion." Hindi namin namalayan, andun na siya sa tabi ni Cirrus.

 "Cirrus!" Sigaw ko sa kanya. Pero huli na, nahulog na siya. Pinuntahan ko agad kung san siya nahulog. "Cirrus! Cirrus, gumising ka!"

 "Ice.." Walang buhay ung pagtawag niya sakin. "Ikaw ng bahala." Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko!! Bakit hindi ako makalaban? Bakit??

 "Hoy, panget!" Napalingon ako sa pagtawag sakin ni Dashiell. "Tatayo ka na lang ba jan? Akala ko ba kaya mo na? Weak ka naman pala eh!" Alam ko namang sinasabi niya lang yon para lumaban na ako pero nakakabwisit siya!

 "Sinabi ko na sayong wag mo akong tatawaging panget ha? May pangalan ako! Eurice!" Lumipad na ako para magkaharap kami. "Baka gusto mong ikaw labanan ko jan!" Napalingon ako dunsa Corby daw tas nakatingin na naman siya sakin. Ang ganda ng mata niya. Bakit hindi ko magawang iiwas ung mata ko? Bigla na lang may yumakap sakin at napunta kami sa taas.

 "Ang tigas ng ulo mo!" Si Dashiell pala. "Wag ka sinabing titingin sa mga mata niya! Aish! Ikaw ba talaga ang chosen one?"

 "Hoy, wag mo akong minamaliit ah!"

 "Maliit ka naman talaga eh."

 "Arrrghhh! Nakakabw---"

 "Tama na yan." Ang seryoso ni Cole. "Ice. It's time." Humarap ako kay Corby.

 "P-panahon na p-para itigil mo ang panggugulo m-mo." Nakatingin ako sa mga mata niya. Napakadaming emotions. Hindi ko alam kung ano nararamdaman niya. "I am Eurice, fairy of the ice. I'm the coldest ice." Tinapat ko ang dalawang kamay ko sa kanya. Nandun lang siya. Nakatingin pa din sakin. Nabobother ako sa tingin niya. Well, nakasakay pala siya sa isang robot?

 "Ice!" Niligtas na naman ako ni Cole. "Wag na wag kang makikipagtitigan sa kanya!" Nakalimutan ko. Ang kulit ko talaga.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon