Missing Reality 18: Comantem Flos (Blooming Flower) Ḽїℓẙ ❀
~Eurice, the Coldest Ice~
"Helloooooooo~" Nandito kami ngayon sa flower field. Lahat ata ng klase ng bulaklak andito. Ang bango bango nila. Natutuwa ako sa pagkuha namin ng power-up. Para kaming mga Dora eh, kung san san kami nakakarating. Ang cute lang. "I like your hair, chosen one. Wah! Your eyes, Cirrus. I love it! ♥"
Etong makulit na to ang Flower Guardian. Hindi halata noh? Ang kulit niya kasi. Hindi siya katulad ni Lilly na ang sungit sungit! Na ngayon ay nabait na. :) Hyacinth is her name. Naka-yukata siya. Tas may hawak siyang pamaypay. Ung boses niya maliit na cute. Hindi siya nakakainis pakinggan. Para siyang barbie. Bow.
"I really love to see your smile, Cole. It's fantastic." Nabaling naman ung tingin niya kay Hikaru. "You are so cuuuuuuuuuute!!" Saka niya hinug si Hikaru. Kanina pa siya ganyan. Pero natutuwa naman kami sa kanya. Ang cute kasi niya sa ginagawa niya. Ang sarap pang pakinggan ng boses niya.
"Thank youuuuu!" Saka hinug din ni Hikaru si Hyacinth. Pero pansin ko nakatingin siya kay Lilly. Umirap lang si Lilly. Pinagseselos niya ata si Lilly. ;D
"Oh my! Daphne, your skin." Saka siya napanganga kay Daphne. "Wow."
"Hindi ka pa ba titigil?" Naging masungit na naman si Lilly. Selos siguro. Hoho.
"Hindi PA. Sungit." Umirap na lang ulit si Lilly. Mukhang wala lang kay Hyacinth kahit ang sungit ni Lilly. Nakangiti pa din siya tas parang binubwisit pa niya lalo si Lilly. "Teka, nagugutom ba kayo?"
"Gutom na nga ako Hyacinth eh." Sabi ni Hikaru tas nakahawak pa siya sa tiyan niya. Kelan pa naging flirt si Hikaru? O mukhang close na talaga sila?
"Teka! Kayo, gusto niyo rin?"
"Sige!"
"Kukuha lang ako."
Para kaming nagpipicnic dito nung bumalik si Hyacinth. May dala siyang mga pagkain. Galing yun sa bahay niya. Mas maganda daw kasi dito sa labas. Ang hangin pa. Nasa ilalim kami ng puno habang nakaupo saka kami nakaharap sa mga bulaklak dito. Ang gaganda talaga nila.
"Pepper, I think we share the same cheeks." Saka niya sinipat sipat ung pisngi ni Pepper.
"Patingin nga?" Hinawakan naman ni Pepper ung pisngi ni Hyacinth saka bahagyang parang kinurot. "Oo nga."
"Oh!" Napansin naman niya si Kai na kumakain. "Muscles." Saka siya ngumiti kay Kai. Nginitian lang din siya nito.
"Bubble, penge nga nun." Saka tinuro ni Cirrus ung pinapakuha niya. Nakatingin lang ako sa kanila. Pinagmamasdan ko silang lahat.
Inabot naman ni Bubble ung pinakuha ni Cirrus. "Kuya, oh."
"Bubble, mahinhin ka. Pero hindi din naman."
"Eh?" Napatingin na lang kami sa sinabi ni Hyacinth. Eh hamak hinhin ni Daphne kay Bubble.
BINABASA MO ANG
Missing Reality
FantasyJoin Eurice to her adventure in Magic Realm. Wanna come? But.. what's your magical power?