MR 32: Purple String ﹌

4K 103 8
                                    

Missing Reality 32: Purple String 

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Nakatingin ako sa pulso ko. Umaga na pero hindi pa rin siya nawawala. Pero yung orange string kahapon ang bilis maglaho. Dapat ko bang itanong kay Zoe? Baka makahalata na siya eh. Ang alam niya, si Cole to. Pero, pag nagtanong ako ng nagtanong, baka malaman niyang si Dashiell. Ayokong magsabi kahit kanino dito. Ayokong umabot kay Dashiell to. Ayokong masira ang katiting na pagkakaibigan namin.

"Okay lang na aminin mo. The feeling is mutual." The feeling is mutual? Pareho kami ng nararamdaman?

Hindi, Eurice! Wag kang nagpapaniwala sa mga pasimpleng salita at actions niya. Dapat yung sigurado na talaga bago ka tuluyang mag-expect. Dapat marinig mo talaga sa mismong bibig niya yung mga mismong salita.

And please, sana tigilan mo na ang pagiging magugulatin at pagiging paranoid.

"Ice!" Kai, bwisit ka talaga! Kinokompose ko pa lang sarili ko para hindi na maging magugulatin at paranoid eh. Bigla ka namang susulpot. "Lately, parang ang dalas mong magulat?" Hala. Nahalata niya? Luh. Baka malaman niya.

"Hindi naman ah? K-kung ano anong pinapansin mo! Hahahaha!" Sabay tapik ko sa kanya sa braso na medyo napalakas ata.

"Aray naman." Napalakas nga. Teka, paano kung alam pala niya? Baka nahahalata niya ako? Baka nakita niya yung kiss ni Dashiell? Kiss.. sa cheek at noo.

Teka, teka nga! Paranoid  na ako ng sobra!!!!

"Sorry." Makikipag-usap na lang ako kay Kai para hindi ko isipin ang mga bagay na naiisip ko.

"Okay lang. Alam mo, may napapansin ako sayo. Parang may iba sayo." Hala. Napatingin ako sa kanya. Nakakahalata ba siya sa nararamdaman ko? Hala naman.

"A-ano naman yon?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Parang gusto kong takpan ang dalawang tenga ko para hindi ko siya marinig. Pero ayokong tumakas.

Nakatitig ako ng seryoso sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Parang wala akong ibang naririnig. "You seem in love." 

Dapat pala talaga tinakpan ko na lang ang mga tenga ko. "Paano mo naman nasabi yan?" Hindi dapat ako magpahalata. Keep cool, Ice. You're Ice. Cool.

"Iba kasi yung ngiti mo. Yung kislap ng mga mata mo." Kung ano ano nga pala ang nakikita nila dito.

"Kai, may tatanong ako sayo."

"Sige lang. Ano ba yon?" Isa siyang fairy. Kaya masasagot niya to.

"Ang sabi ni Cole, hindi pa tapos ang misyon nila Maya dito kaya hindi pa sila pwedeng bumalik sa mundo ng mga tao. Ganun din ako diba?" Tumango siya. "Anong mangyayari kapag natapos na ang misyon namin dito?"

"Di, babalik na kayo sa mundo niyo." Yun nga ang inaasahan kong magiging sagot niya.

"Hindi ba pwedeng manatili na lang ako dito?" Nag-aalangan kong tanong. Ang tagal ko na rin dito. Hindi ko na sila naaalala.

"Pwede naman kaya lang mahirap."

"Paanong mahirap?"

"Depende kasi yun. Depende kay Majesty." Naguguluhan ako. Hinintay ko na lang na sundan pa ni Kai yung sinasabi niya. "Kung nararapat kang manatili rito, madali lang. Pero kung hindi, mahihirapan ka, Ice. Kapag nagpumilit kang manatili dito kahit hindi dapat, mapapahamak ka lang." Hindi ko siya maintindihan. Ayaw niya akong diretsuhin.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon