Missing Reality 42: Picture Taking ヅ
~Eurice, the Coldest Ice~
*click click*
*click*
Ano yung naririnig ko?
Naghikab ako. Kagigising ko lang. Wala pa talaga akong balak gumising pero may narinig akong ingay. Parang tunog ng click ng camera. Gusto ko pang matulog pero nagising na ang diwa ko. Hindi na ako makakatulog nito.
Tinignan ko ang buong kwarto. Ako na lang pala ang naiwan. Tumingin ako sa bintana at nandun sila sa baba. They're taking pictures?
Naghilamos at nagmumog na ako at nag-ayos ng sarili.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
Napatigil at napatingin sila sakin. "Picture tayo, Ice!" Aya sakin ni Hikaru. Lumapit naman sakin si Zoe at inilapit ako sa camera.
Bigla nilang kinlick. Hindi tuloy ako nakangiti. "Isa pa!" Prisinta ko. Dapat maganda ako sa picture!
Pagkatapos macapture ay tinignan ko. Ayan, bawi na sa isang picture ko kanina. "Ganda mo talaga, Ice!" Nahiya naman ako sa sinabi ni Kai. Napakabolero niya talaga!
Napansin kong andito sa labas ang breakfast namin. "Picnic?" Tanong ko sa kanila.
"Oo. And picture taking na rin." Lumapit ako sa niluluto ni Bubble. Naghahanda siya ng barbeque.
"Para saan? Anong meron?" Sabay kuha ko ng isang hotdog. "Sino may birthday?"
"Walang may birthday, Ice." Sagot naman ni Bubble at binigyan ako ng barbeque. Kinuha ko naman ito. "Hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari. Kaya habang buo pa tayo, enjoyin natin ang panahon na magkakasama tayo and let's capture the moments using the camera." Sabay turo niya sa camera na hawak ni Hikaru. Nagpipicture siya kasama sila Maya.
Napaisip ako sa sinabi ni Bubble. Parang sinasabi niya na aalis na kami. Umiling iling ako. Tama siya. Hindi namin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuting enjoyin na lang namin ang moment na to.
Tumakbo ako para makasali sa picture bago maiclick ni Hikaru yung capture button. Dun pa ako pumwesto sa harap kaya mukha ko lang ang nakita. Hahahaha! "Daya naman, Ice!" Pagmamaktol nila.
"Uso yan! Kailangan mo talagang isingit ang sarili mo para lang makasali sa picture." Nagpicture na pala ulit pero hindi ako nakasali dahil nagsasalita pa ako. "Daya!"
"Gantihan lang yan, Ice~" Sabay behlat pa sakin. Hmp. Nagcross arms ako at inirapan sila.
Napangiti ako. Sana ganito pa rin kami pagkatapos ng labanan.
"Alam niyo bang kakaiba ang camera na to?" Sabay pakita ni Hikaru ng camera niya. Tinaas taas pa niya. Nakabilog kami ngayon. Nakikinig sa mga kadaldalan ni Hikaru. Sabi niya, interesting daw yun. Eh asan ngayon ang interested? Kanina pa namin gustong matulog. Pero this time, etong about sa camera niya, caught our attention. "It doesn't capture pictures, it captures feelings." Naguluhan naman ako dun.
"Please elaborate." Protesta ko.
"Kagaya nito." At nagselfie siya. Tss. Duck face pa. "I really, really like Lilly." Eh? Gumagalaw yung picture niya. Parang nagvideo siya pero hindi naman. Selfie ang ginawa niya. "Yun nga. Gets na?" Di naman niya ipinaliwanag. Pero, gets ko naman. Tumango naman kami. "Maya, wala ka bang gustong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Missing Reality
FantasyJoin Eurice to her adventure in Magic Realm. Wanna come? But.. what's your magical power?