Missing Reality 46: Thank You \(^o^)/ *.*.* \(^o^)/
~Eurice, the Coldest Ice~
I really love sleep. I love my relationship with my bed.
Bumangon ako at tinignan ang kwarto. Wala na agad sila? Silang lahat? Ako na lang ang nandito. Pero ang aga pa ah? Tumingin ako sa bintana at naking pasikat palang ang araw. Ang aga naman nilang nagising lahat? Tuluyan na akong bumangon at bumaba pero wala sila.
Where the hell they are? Pinagtataguan ba nila ako?
Hinalughog ko ang buong hide-out pero hindi ko sila natagpuan. Ni isa sa kanila.
Sumuko na ako. Saan ba sila nagpunta? Bakit iniwan nila akong mag-isa dito? Binuksan ko na lang ang tv at nanuod pampalipas oras. Nakakaiyak naman kung umalis sila at hindi man lang ako sinama.
Narinig ko na nagbukas ang pinto. Agad agad akong lumingon sa kanila at magkakasama nga silang lahat. Nagtatawanan sila at nang makita nila ako ay tinago nila ang mga dala dala nila at napatigil sa pagtawa. Ang iba ay umakyat at ang iba ay pumuntang kusina.
Hindi man lang nila ako binati. Hindi ba nila ako nakita or napansin man lang? Sa tingin ko naman nakita nila ako. Napahinto pa nga sila, diba? Are they avoiding me?
Hindi ko na lang pinansin ang mga iniisip ko at lumapit sa kanila. "Uy." Nakangiting bati ko sa kanila.
"Uy, Ice. Gising ka na pala?" Tanong sakin ni Daph nang hindi man lang ako tinitignan. Gising na pala ako? Parang hindi nila ako nakita nung pumasok sila ah?
"Saan kayo galing? Bakit hindi niyo man lang ako ginising? Ba't di niyo ako inaya?" Tuloy tuloy kong tanong sa kanila at lumalapit pa ako para tignan nila ako but I failed. Masyado silang nagpapakabusy kahit wala naman silang ginagawa.
They're really avoiding me. "Wala naman yun. Namalengke lang kami." But, for what reason? May nagawa ba akong masama sa kanila?
"Kayong lahat?" Halatang nagsisinungaling sila. Gagawa na nga lang ng palusot yung hindi pa lulusot.
"Eh, bon--" Pinigil ko na ang sasabihin ni Zoe.
"Quit it guys. I know you're hiding something from me." Oo, sakin lang talaga. "What is it?" Umupo ako sa at nagdekwarto pa saka nagcross arms. "Spill it out." Nagkatinginan silang lahat. They're really hiding something. Ano ba yon at bakit ako lang ata ang hindi nakakaalam?
Nagtitinginan lang sila at hindi alam kung sino ang magsasalita dahil baka pag sabay sabay silang nagsalita ay magkakaiba ang sasabihin nila. Alam ko na 'yang ganyan. "Luto na ba?" Napatigil kami ng dumating si Hikaru. "Bakit?" Takang tanong ni Hikaru. Nasense din siguro niya na iba yung atmosphere.
"May nalalaman ba kayong hindi ko alam?" Sana naman sagutin ako ni Hikaru.
Pero hindi. Ni hindi man lang siya nagulat sa tanong ko. Hindi rin ba niya alam? "Tinatawag ka nga pala ni Cole."
"Ha? Bakit?" Bakit naman ako gustong kausapin ni Cole?
"Malay. Punta ka na dun." Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang sa sabi ni Hikaru.
BINABASA MO ANG
Missing Reality
FantasyJoin Eurice to her adventure in Magic Realm. Wanna come? But.. what's your magical power?