MR 28: I Get It (シ_ _)シ

4K 104 4
                                    

Missing Reality 28: I Get It (シ_ _)シ

~Eurice, the Coldest Ice~ 

"Good morning!" Panimulang bati ko sa kanila.

 "Morning, Ice!" Bati rin nila sakin. "Kakain na. Tawagin mo na sila." Mas napangiti ako sa sinabi ni Zoe. Tama nga si Maya, it takes time. Mali yung nagawa ko. Pinilit ko sila.

Umakyat na ako para tawagin yung dalawa. Buti ngayon, sila na nag-aayang sumabay sila Corby samin. Okay na to kesa sa dati. It takes time nga kase.

"Morning!" Bati ko sa kanilang dalawa pagbukas ko ng pinto. "Kain na tayo?"

 "Tara na Corby." Aya ni Maya kay Corby. Sumunod na sila sakin. May pagka-awkward pa rin pero hindi na katulad nung mga unang araw nila dito. Mukhang naiintindihan na nila ang gusto kong iparating. Hindi pa lang sila masyadong sanay sa presence nung dalawa.

"Anong ginagawa niyo?" Sabay lapit ko sa kanila. Nakakatuwa lang. Kausap ni Maya si Lilly. Wow lang. Si Corby naman at Daph.

 "Ang laki ng ngiti mo ah!" Sabay akbay sakin ni Kai. Mukhang okay na rin kay Kai.

 "Syempre ah! Ano ba yan?" Tanong ko sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa kanila habang nakaakbay pa rin siya sakin.

 "Origami." Sagot ni Bubble at pinakita sakin ang kagagawa niyang bird na origami. "Ang sabi kasi nila, kapag nakagawa ka raw ng isang daan na origami, pwede kang magwish. Hindi ko lang alam kung matutupad." Sabay balik ang tingin sa origami at nagsimulang gumawa ulit.

 "Nagpapaunahan nga kami eh." Sabi naman ni Daphne. "Eh ang problema, hindi marunong gumawa si Corby at Maya kaya tinuturuan namin." Si Daphne ang nagtuturo kay Corby. Si Daphne, siya ang perfect girl. Bakit may iba akong nararamdaman? Hindi. Wala lang to.

 "Meron pa ba? Pagawa din ako!" Medyo marunong naman akong gumawa ng origami.

 "Marunong ka?"

 "Slight." Ngiting sagot ko kay Cole. Gumagawa din si Cole. Ano naman kaya ang iwiwish niya? "Anong iwiwish mo Cole?" 

 Mukhang nabigla siya sa tanong ko. "Bakit mo naman natanong yan?" Patuloy pa rin siya sa pagagawa ng origami. Sa tingin ko ay rose ang binubuo niya.

 "Kasi gumagawa ka rin katulad nila. So, I think magwiwish ka din like the others." Tumingin siya sakin at ngumiti. Yung ngiti na yon. Ang tagal ko ng nakikita yun pero hanggang ngayon nacacapture pa rin ako ng ngiti na yun. Pinat niya ako.\

 "I'm not wishing for anything. Gumagawa ako nito para ibigay sa inyo." Mas napangiti ako sa sinabi niya. "Kapag kasi nagfold ka ng papel para gawing origami, nababago mo na ang alaala sa papel na yun. Gusto kong bigyan kayo ng alaala ko gamit ang origami." Ang unpredictable niya talaga. Words of wisdom in his own way.

Tapos na kaming lahat gumawa ng origami. Nandito kami sa labas dala dala ang mga origami na nagawa namin.

"Magwiwish na ko." Pauna ni Daphne. Hawak hawak niya ang mga origami na nagawa niya saka siya pumikit at nagwish. Sumunod na rin yung iba. Mukhang si Daph ang nakakaalam ng gagawin sa mga origami.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon