MR 40: Doll Master ヽ(•‿•)ノ

3.4K 101 14
                                    

Missing Reality 40: Doll Master ヽ(•‿•)ノ

~Third Person~ 

"Matulog na tayo." Announce ni Lilly. Malalim na rin kasi ang gabi. "Tumigil na kayong apat." Simula kasi ng mangyari yung tungkol sa doll ay takot na takot pa rin yung apat.

Paano nakapasok yun sa hide-out nila at bakit sila lang ang nakakita? Paanong bigla itong nawala? Bakit ganun ang mga mata nito?

"Okay ka lang ba, Ice?" Nag-aalalang tanong ni Corby dito.

"Oo." Kahit hindi. Oo na lang. Sobrang natatakot kasi siya sa mga bagay na hindi maipaliwanag.

"Andito lang ako ah?" Ngumiti naman si Ice. Buti na lang talaga andiyan ang mga kaibigan niya.

Ipapat na sana ni Corby si Ice kaya lang may humila kay Ice. Nakaakbay na ngayon si Dashiell kay Ice. "Okay na siya." Tumango na lang si Corby at ibinaba na niya ang kamay saka nagpaalam na. "Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Ngayon lang nakausap ni Dashiell si Ice tungkol sa nangyari kanina. Kapag kasi nilapitan niya ito sa harap ng lahat, paniguradong mapupuno lang ang tenga niya ng kantyawan.

"Totoo yung sinasabi namin kanina." Medyo hindi na natatakot si Ice dahil nasa tabi niya si Dashiell kaya lang gabi na kasi kaya madilim. Baka bigla na lang kung anong mangyari. "Ang hindi lang namin maintindihan, paano nakapasok yung babae na yun, bakit hindi niyo siya nakita at kung paano siya biglang nawala." Napabuntong hininga si Ice. Naalala na naman niya yung kanina. Kinikilabutan at kinakabahan siya.

"Wag mo na lang isipin yun. Tara na taas." Sila na lang pala ang naiwan sa baba. Umakyat na ang lahat.

Paakyat na sana sila ng may maramdaman silang kakaiba. Humahangin.

Paano? Sarado ang hide-out. Saan papasok ang hangin? Gising pa ba si Zoe? Kapangyarihan ba niya to?

"N-nararamdaman mo?" Kabang kabang tanong ni Ice.

Hinila lang siya palapit dito at pinaglakad na siya. "Wag mo nang pansinin." Gusto sana ni Ice na baliawalain yun pero hindi niya magawa. Napaparanoid na siya. Feeling niya may nanunuod sa kanila.

Sa pinto papasok sa kwarto nila, andun yung babae. May hawak siyang dalawang manika. Siya yung babae kanina pero hindi na pula ang mga mata nito. Medyo nawala ang takot ni Ice nung makitang itim na ang mga mata nito.

Nalaglag ang isang manikang hawak nito. "Pwedeng pakikuha?" Maliit ang boses nito at mabagal siyang magsalita. Mahinhin ito.

Tinignan ni Ice si Dashiell. Natatakot na talaga siya. Nagbuntong-hininga si Dashiell at siya na ang kukuha ng manika. Pinigilan siya ni Ice. "Wag."

"Bakit?"

"Baka.." Mabagal ang pagsasalita ni Ice. "k-kunin ka ny-nya." Pautal utal din ito.

"Ice, ibibigay ko lang yung manika niya." Pagod na rin kasi si Dashiell. Gusto na niyang mahiga at magpahinga.

"Baka mapano ka." Nag-aalala lang naman si Ice.

Inalis ni Dashiell ang hawak ni Ice sa braso niya at tinignan niya ito. "Okay lang." Kinuha na ni Dashiell yung manika at ibinigay sa babae. Nagkatinginan sila.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon