Missing Reality 17: Frigidissima Glacie (Coldest Ice) ∃ṷԻ유ḉ∊❅
~Eurice, the Coldest Ice~
Asan ako? Ang ginaw. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. Bahay to ah? Pero bakit napakaginaw? Punong-puno ng yelo?
"Ice?" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Kai. "Gising na siya!" Tas nagdatingan na silang lahat. Wala akong matandaan. May nangyari ba?
"Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong sakin ni Zoe. Ano bang nangyari? Para namang nacomatose ako.
"Okay lang ako."
"Sure ka?" Tanong naman ni Bubble.
"Sabihin mo lang kung may masakit sayo." Sabi naman ni Daphne. May nangyari ba sakin? Kung makapag-alala sila eh.
"Oo, okay lang ako." Para naman silang nabunutan ng tinik. "Teka, may nangyari ba?" Umupo muna sila ng maayos bago magkwento. Lahat kasi sila nakadungaw sakin.
"Tinangka kang kunin ni Yoichi." Paliwanag sakin ni Lilly. Yoichi? Ung dark sorcerer?
"Buti na lang nakuha ka namin." Sabi naman ni Hikaru.
"Bigla ka na lang nahimatay kaya akala namin kung ano ng nangyari." Si Cole naman ang nagsalita. "Wala ba talagang masakit sayo?" Gusto pa ata ni Cole na magkaroon ng masakit sakin ah? Nakakahalata na ako ah. Pero, wala naman akong nararamdaman. Okay na okay naman ako.
"Wala namang masakit sakin. Pero.."
"Pero?" Tanong ni Cirrus. Manu kasing hintaying akong makatapos noh?!
"Giniginaw ako." Mukha kasing sampung aircon ang meron dito. Sobrang lamig. "Pwede pakihinaan yung aircon?"
"Hahahahahaha." Oh ba't sila tumatawa? "Hindi tayo naka-aircon Ice. Guardian mo ung nagdala satin dito habang tulog ka." Sabi ni Hikaru. Guardian ko? Angel ko?
"It's time for you to get your power-up." Ano?! Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Cole.
"Ayan na pala siya eh." Sabi naman ni Pepper. Napatingin ako dun sa guardian ko daw. Ang lamig ng presence niya. Syempre, yelo eh.
"Hi." Malamig lang pala ung presence niya pero hindi siya cold. Nararamdaman ko ung emosyon niya eh. "Chosen one." Kapag tinatawag nila akong chosen one, feeling ko hindi ako yun. Para kasing hindi ko deserve ang pagiging chosen one. "I'm Yann. The Ice Guardian. Your Guardian."
"Hello." Yun na lang yung nasabi ko tas nginitian ko siya. Pamaya maya pa kumain na daw kami.
Tahimik lang ako habang kumakain. Sobra akong kinakabahan. Pano kung kahit ilang ulit hindi ko pa din makuha ung power-up? Nakakahiya.
"Ice, sure kang okay ka lang talaga? Ang tamlay mo eh." Sabi sakin ni Zoe ng mahina. Magkatabi kasi kami.
"Okay lang talaga." Saka ko siya nginitian. Dapat pagnagsimula na akong itrain ni Yann, focus lang ako. Focus lang dapat.
BINABASA MO ANG
Missing Reality
FantasíaJoin Eurice to her adventure in Magic Realm. Wanna come? But.. what's your magical power?