Chapter 9: Living together
=Prof. Sebastian POV=
Tatayo na sana ako mula sa kama ngunit napabagsak ulit ako ng upo ng bigla niya akong hilahin pababa. Napatingin ako sa kanya. Kainis naman. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang to?
“Ano?” tanong ko.
“Two weeks na lang at Christmas na. Paano na yan kung dito ako titira?” tanong niya. Binitawan na niya ang pantalon ko.
“Edi ibabalik na lang kita pag Christmas na tapos kukunin ulit,”
“Ok lang sa yo?”
“Buti nga yun kahit one day lang mawawala ka muna dito,”
“Alam mo ang ganda na sana ng simula pero sinira mo. Lumabas ka na nga dito! Matutulog na ako may pasok pa bukas,”
“Aba kung makapagsalita ka, eh parang ikaw lang ang may pasok. Tss,”
Tumayo na ako at nagtungo sa pinto. Lumingon ako sa kanya at nahuli pang nakatingin pa rin sa akin. Natawa ako ng madali rin siyang nagtalukbong ng kumot na abot pati mukha niya. Abnormal talaga.
“Pwede ka ng magpantasya sa panaginip mo,”
Sinirado ko na ang pinto pero narinig ko pa rin ang sagot niya.
“Ang kapal mo!! Bangungutin ka sana!!”
Napakamot na lang ako sa ulo. Dapat mainis ako sa sinabi niya pero heto ako ngayon, tatanga-tangang pangiti-ngiti sa likod ng pinto. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa kukote ko na dito siya patirahin sa loob ng tatlong buwan para maging home tutor niya pero ang alam ko exciting ang mga nangyayari.
Pagdating ko sa sala agad akong sinalubong ni Fuji. Napangiti ako at binuhat siya para paupuin sa sofa. Sumunod naman yung iba kaya napuno agad ang sofa at yung ibang hindi na nagkasya ay umakyat na sa mga balikat at ulo ko.
MEOW!
Napatingin ako kay Fuji, nasa bibig niya ang wallet ko. Ngumiti ako ng mapait. Sabihin niyo ng bitter ako pero hindi ko sasabihin kung bakit. Hindi muna ngayon. Kinuha ko kay Fuji ang wallet at kinuha mula roon ang isang litrato. Hindi ko mapigilan na hindi ito hagkan. Isang importanteng tao kasi ang nasa litrato.
“Gising ka pa pala?”
Halos humiwalay ang puso ko sa katawan dahil sa bigla. Nagulat ako ng marinig ang boses ni Ciel mula sa likod.Nakapajama siya at mukhang wala sa bokabularyo niya ang salitang “manahimik”.
“Ano yun? Picture ng girlfriend mo?”
“Wala.”
“Anong wala, eh tinago mo agad tapos wala lang. Girlfriend mo noh?”
“Wala nga sabi. Pusa ko lang yun,”
“Pusa? Ang dami-dami mo ng pusa, pati pa naman sa wallet mo may picture ka ng pusa?” sabi niya na parang natatawa.
“Wag ka ngang makialam. Ang kulit mo rin eh. Ba’t ka ba nandito? Akala ko ba matutulog ka na?”
“Matutulog na sana pero nagugutom ako eh. May pagkain ka ba sa ref mo?”
“huh?”
“May pagkain ka ba?”
“Ewan ko sa yo,” mabilis akong tumayo at pumasok na sa kawarto ko. Nakakainis naman eh. Nag-eemo na ako tapos sisirain niya yung moment.
“Eto naman hindi mabiro. Ang serious mo masyado. Hindi ako kakain, masama daw yun. Baka bangungutin pa ako. Sige, goodnight.”
Tumalikod na siya at nagtungo sa direksyon ng banyo. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya. Bakit ba magkamukha sila? Kahit sabihin natin na wala na siya ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka buhay pa siya at nasa katauhan ngayon ni Ciel. Natawa tuloy ako dun sa naisip ko. Imposible. Magkaibang-magkaiba sila. tumayo na ako sa pagkakaupo ko mula sa sofa.
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...