Snippet~ chapt. 8: Talking behind
(A/N: Snippet ang term ko para sa mga hidden scenes ng chapter na hindi alam ng nag-POV. Di ba after the word snippet ay may chapter? Yun yung chapter kung saan galing o nangyari ang ang scenes na hindi namention ng nag-POV kasi hindi nga niya alam. XD. Siya nga pala, ang magkukwento ng snippet ay ang author so third person POV po.)
Nakaupo sina Prof. Michaelis at ang mga magulang ni Ciel sa sala. Pagkaupo na pagkaupo ng mga ito ay agad na inilabas ni Prof. Michaelis ang ga documents na itinago niya kanina.
“Anong ibig mong sabihin na girlfriend mo ang anak ko!!?? Ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay namin,” nanggagalaiting sabi ng ama ni Ciel.
“Makinig po muna kayo sa sasabihin ko, Mr. Miketsugami. Mahalaga po ito at sana maging mahinahon po muna kayo,” sagot naman niya rito.
Inilatag niya ang mga mga documents sa lamesita para makita ng mga ito. Kinuha ni Mr. Miketsugami ang report card.
“Tulad po ng nakikita nyo, bumagsak po ang anak ninyo para sa midterm ng College Algebra niya at sa iba pa niyang subjects,”
“Bakit nasa yo ang mga ito?”
Hindi niya ito sinagot at ibinigay ang isa pang document na may nakasulat na pangalan ni Ciel at pirma nito. Laking gulatng tatay nito nang makita ang halaga na nandoon.
“800,000 pesos!?” bulalas nito pati na rin ng kanyang ina.
“Sa nakikita niyo po, pumirma ang anak niyo ng waiver dahil s damage niyang kotse at kinikilala po ito ng kompanya ng motors na nandyan,”
“Hindi namin kayang magbayad ng ganito kalaki agad,”
“Alam po ng kompanya iyon kaya magtatrabaho ang anak ninyo sa company ng 80 months para mabayaran niya ang pagkakautang niya. CEO ng company ang ama ko sa kompanyang iyon kaya matutulungan niyo po kayo dahil na rin sa pagmamakaawa ko,”
Napuno ng pag-asa ang mukha ng mga magulang ni Ciel pero saglit na napawi rin iyon nang sabihin ni Prof. Michaelis ang kapalit ng tulong na iyon.
“Ngunit may kapalit daw ang tulong na ito,”
“Ano?” nag-aalalang tanong nila.
“Kailangan manatili siya sa pamamahay namin upang makilala na rin siya ng pamilya ko at dapat magustuhan siya ng aking ama,”
“Gaano katagal naman siyang mananatili doon?”
“Huwag kayong mag-alala. 3 buwan lang siya doon,”
“Ganoon ba, paano kami makakasiguro na hindi siya mapapano dun at totoo ba ang lahat ng ito?”
“Napapansin niyo naman siguro na medyo natatagalan ang uwi ng anak ninyo, di ba? Siguro mga 2 buwan na rin at bumababa ang grades niya. Ito ay dahil sa trabaho niya sa company. Gusto niyo bang anim at kalahating taon na maghihirap ang anak ninyo para sa utang na iyon o mawawala lang siya sa inyo ng tatlong buwan para na rin sa kanyang kabutihan?”
“Naiintindihan namin. Pasensya na kanina. Salamat sa tulong mo at sa papa mo na rin,”saad ng ama ni Ciel.
“Walang anuman po iyon. Kasintahan ko po ang anak niyo at hindi ko po siya papabayaan.” Sagot naman ni Prof. Sebastian rito na may ngiti.
“Ano nga ulit ang pangalan mo, Hijo?”
“Ako si..
Ako si..
Kaien Sebastian Seithan venn Fangsilver .”
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...