chapter 3: my desperate chances

94 3 0
                                    

Chapter 3: My desperate Chances

Ilang weeks na rin ang lumilipas simula ng ma confirm ko na si Sir Michaelis ang malas daw sa buhay ko, ang mismo kong professor. Well, kung itatanong ninyo kung nasaan at ako ang ginagawa ko, wag na. Maiintindihan niyo rin naman pag nabasa nyo na ang takbo ng chapter na ito.

34 degrees ang temperature ngayon. Perfect day para maglakad sa ilalim ng sikat ng araw at maghanap ng part time job. So naiintindihan niyo na ako ngayon.

Hawak-hawak ko ang dyaryo habang nakatingin sa classified ads. Napailitan akong humanap ng trabaho dahil sa nangyari kaninang umaga.

=one hour earlier =

Nandoon ako noon sa CR, naliligo. Tahimik sana ang araw ko ngayon kasi kahit papaano nakasanayan ko na ang araw-araw kong makikita si Sir Michaelis kaya araw-araw na rin ako kung malasin.

Tahimik lang akong bumababa sa kusina ng may mapansin akong may kausap si mama. Seryoso ata ang pinag-uusapan ng kung sino sa kabilang linya. Napansin ako ni mama kaya tinawag niya ako.

“Ciel, may naghahanap sa yo. Sabi professor mo raw,”

O_O

Nagulat ako sa sinabi ni mama at nilipad ko kung saan siya nakatayo. Inagaw ko sa kanya ang telephone at kinausap ko iyong nasa kabilang linya. Na trauma ata ako sa kanya kasi boses pa lang nanginginig na ako.

“He-hello po, Sir. N-Napatawag ho kayo?”

“Nasaan na yung pinangako mong bayad sa akin? 3 weeks na ang nakalilipas ni singkong duling wala pang napangda-down!”

Wow, makagamit ng pinoy expression tong lokong to hanep din. Parang mas gusto ko pang mag-english ng mag-english yang si Sir eh, para kahit papaano ay hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Nakakatakot kasi. Feel na feel din  yung tagalog accent niya pero hindi ito yung time na makipagbiruan ako sa sarili ko.

“Hindi pa po ako nakahanap eh, pero pangako magbabayad po ako,”

“Siguruhin mo yan kundi pupunta ako dyan at sasabihan ko parents mo”

Lagot. Nagalit ata. Pagkatapos niyon ay dali-dali ako umalis dala ang mga bio data, ID, at birth certificate ko pati na ang dyaryo na tinutulugan ng pusa namin.

Kaasar!! Akala ko pa naman ay peaceful ang weekend ko ngayon. Sana tanga na lang yung manghuhula at sinabihan na lang ako na magiging milyonaryo eh sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Kainis talaga!

=One hour after =

Kaya heto ako ngayon, naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw na ang tanging panangga ay ang dala-dala ko dyaryo. Daig ko pa ang nasa disyerto nito.

“Wanted waitress, age 18 above. Have pleasing personality...” nabasa ko sa ads. 1,000 per night.

Malaki na din to. Agad kong tinungo ang address. Feeling ko susuwertehin ako ngayon.

“Dito po ba mag-aaply sa pagiging waitress?” tanong sa mamang naabutan ko doon sa lugar.

“Oo, sige, dumiretso ka lang doon.”

Pinuntahan ko yung direksyon na tinuro nung mama sa akin. Liblib ata masyado ang lugar na ito pero buti na rin hindi ako makikita ng mga classmates ko mahilig pa namang gumimik ang mga iyon.

Pumasok ako sa door kung saan may nakalagay na “General Manager”. Matapos masara ang pinto ay sinalubong na agad ako ng amoy ng alak. Napatingin  ako sa lalaking medyo may katabaan na nakaupo sa isang swivel chair. Nakabihis Don siya at nakatabako pa.

“Anong kailangan mo, Miss? Mag-aaply ka ba?”

“Opo, sana.” Medyo kinakabahan ako sa hitsura ng tabachoy na to.

Meet my NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon