Chapter 12.1: A Christmas with Him
=Ciel’s POV=
“Hindi ka ba uuwi sa inyo?” tanong ko kay Prof. Michaelis na abalang nag-gigisa sa kusina.
“Hmmm, hindi na. Matagal na rin kasi akong di umuuwi sa amin at tsaka iba ang timezone namin dun so hindi sabay ang Pasko niyo sa amin,” sabi niya while tossing the spices kasama na ang iba pang sangkap up in the air. Umaapoy pa ang kawali at halos maabot na nito ang mukha niya.
“So matagal ka na pala dito sa Pilipinas?”
“Hindi rin. One week before magsimula ang second semester nandito na ako,”
“Bakit mo naman nasabi na matagal ka ng hindi umuuwi sa inyo? Naglayas ka siguro no?” nakatukod ang siko ko sa mesa habang nasa kamay ko ang mukha ko. Nakaupo ako habang pinapanood siya na mag-ala ‘Chef Boy Logro.’
“You can say that pero hindi ko ginawa yun bilang pagrerebelde,”
“So naglayas ka nga, bakit naman?”
“Wala lang, gusto ko lang pagpakaindependent. Sabihin na nating I want to stand on my own two feet,”
“Ang lalim naman nun, ilang taon ka nung naglayas?”
“Don’t call it ‘Layas’, ok? Fifteen ako nun,” inilapag niya yung bowl na sa ibabaw ng mesa. Ito yung niluto niya kanina. Mga tahong na nasa isang misteryosong sarsa na sa palagay ko ay masarap naman dahil siya ang nagluto. =_______________=
Naghain na rin ako ng kain at kumuha ng mga plato para sa aming dalawa. Ako ang nagsaing ng kanin at siya dun sa ulam. The truth is, siya ang nagturo sa akin na kung paano magsaing. Hindi naman mahilig kumain ng kanin ang mga English sa pagkakaalam ko kasi tinapay ang uso doon sa kanila. Sa palagay ko ay kumakain lang siya nito dahil na rin sa akin at ito ang staple food ng Pilipinas. Tinalikuran niya ang pagiging wheat bread lover!
“Ang bata mo naman nung naglayas ka,” sabi ko sabay subo dun sa tahong.
“Hindi bata ang tawag dun, napaaga lang ang pagiging independent ko,” sagot naman niya.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain namin. Hindi na rin kasi ako nagtanong pagkatapos nun. Matapos namin kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin. Take note, nauna pang maghapunan sa amin ang mga alaga niyang pusa. Maltreatment to para sa akin, unahin ba naman ang pusa kesa sa tao?
TT____________________TT
“Sige, aalis na ako,” paalam ko sa kanya. Uuwi kasi muna ako sa amin. Bisperas na kasi ng Pasko at baka hinihintay na ako nina mama at papa.
“Mag-ingat ka at umuwi ka ng maaga kinabukasan,” nakatayo lang siya sa may labas ng pintuan ng unit. Wala talaga siyang balak na ihatid man lang ako. Napaka ungentleman naman nito. Tss.
Malamig na hangin kaagad ang sumalubong sa akin. Buti, na lang at nakajacket ako at nakapantalon. Malapit lang naman ang bahay namin mula rito kaya mas pinili ko na lang ang maglakad. Namamangha ako sa mga nakahilirang mga puno na napapalamutian ng mga nakikislapang mga Chistmas lights. Napangiti ako dahil sa nakikita ko. Marami ring mga taong naglalakad at mostly sa kanila ay lovers sa palagay ko. Mas maganda siguro ang scene kung umuulan ng snow tapos magkashare sa iisang scarf yung mga magnobyo. Ang sweet siguro tingnan pero wala namang snow dito sa Pilipinas at lalong hindi uso ang scarf, face towel pa siguro, pwede pa.
=Prof. Sebastian POV=
I send Ciel off just by the unit’s door, wala na akong balak ihatid o samahan pa siya hanggang sa labas ng building. Ayaw ko ring formal siya na ihatid sa parents niya. Hindi naman sa wala akong pakialam kay Ciel, ayaw ko lang na umabot sa point na magbago ang isip ko at huwag na lang siyang hayaang umalis. Bumalik na ako sa loob ng unit at umupo doon sa couch. Tutal, wala naman akong gagawin maliban sa maghintay na parang tanga.
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...