chapter 4: from England with love

74 5 0
                                    

Chapter 4: From England with Love

=Prof. Sebastian POV=

[ 4 years ago]

Note: some of the lines here ay tinagalog ko na lang. Masyado kasi akong tinatamad at baka magkabalentong pa ang english ko.

By: the author

“I’ve had enough! I’ll move out!!” sigaw ko ng hindi ko kaya ang sigawan nina mom and dad. It’s been years na rin simula noong mag-divorce sila. As usual nag-aaway na naman ang dalawa dahil sa mga properties at lupain na sinusubukan nilang hatiin. Palagi na lang ganoon ang eksena sa tuwing magkikita ang dalawa.

“Saan ka naman pupuntang bata ka?” sigaw sa kin ni dad. Nakatingin silang dalawa ni mom sa akin.

“Magpapakalayo. Ayoko kong tumira kasama ng mga bwisit na tulad niyo!”

Nagtatakbo agad ako papunta sa hagdan par pumunta sa kwarto ko sa second floor ng bahay namin. Kung medyo nalalabuan kayo sa storya ganito kasi yun.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakatira sa bahay ng dad ko kung saan talaga orihinal na nakatira ang family naman ngunit simula noong nag-divorce sila. Palipat-lipat ako sa mga bahay ng magulang ko. Kung minsan dito ako kina dad at kung may time naman ako lilipat ako kay mom.

This time talagang naiirita na ako sa kanila. Bulahaw sila ng bulahaw na nakakasawa na. Bahala sila kung anong gawin nila sa pera nila basta ako aalis na talaga ako.

“Son, wag ka naman ganyan. Para rin naman sa yo tong ginagawa namin,” pigil ni mom sa akin pagkababa ko habang dala ko yung maleta ko.

“Mom, i can’t stand the sight tha palagi na lang kayong mag-aaway ni dad dahil sa mga properties na lang. At anong pinagsasabi niyong para sa akin? Alam ko naman na gusto niyo makuha ang shares niyo sa pamilya natin!”

Kinuha ko ang kamay ni mom at lumabas na ako.

I was fifteen years old back then at kahit papaano ay kaya ko naman buhayin ang sarili ko. Sa edad na fifteen ay graduating na ako ng college sa Harvard. Marami nga ang nagsasabi na genius daw ang caliber ko pero aanhin ko naman yun kong di ko kaya i-solve ang problema namin ng family ko.

=fast forward, 2 years after=

“Michaelis, hindi ka ba sasama sa amin?” yaya ng ka dormate ko sa akin. Matanda siya sa akin ng 3 years pero upperclassman niya ako.

“Sige, kayo na lang tatapusin ko pa tong report na gagawin ko,”

“Naku, kayang-kaya mo naman yan kahit nakapikit ka pa. Sumama ka na sa amin. Paminsan-minsan naman ay break loose masyado mong tinoturture ang sarili mo,”

“At dahil naman sa paminsan-minsan na yan ay nahuhuli ka na sa klase mo. Huwag na, kayo na lang ang mag-enjoy para sa akin,”

“Bahala ka. Masyado kang praning dyan sa report mo.” Sabi niya bago tuluyan ng lumabas.

Nakaharap ako noon sa laptop ko at gumagawa ng report. Napri-print na ako noon ng maubusan ako ng papel. Inubos ata ng isang yon ang bondpaper rito. Tumayo na ako at lumabas para bumili.

Naglalakad na ako sa may sidewalk nang mabangga ako ng isang babae. Napatingin siya sa akin at ganoon din ako. Nagulat ako dahil itim ang buhok niya at mga mata na hindi naman nakikita rito sa bansa namin. ( black din ang haircolor ko )

“Pasensya na.” Mabilis din siyang napatayo at umalis. Naiwan niya tuloy ang isang notebook.

“Ciel Sandrine..” binasa ko ang mga salitang nakalagay sa notebook. Mukhang yun ang pangalan niya.

Meet my NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon