chapter 2: series of unseen badluck

110 3 1
                                    

Chapter 2: series of unseen bad luck

Ano bang klaseng araw to. Nakakabwisit! Wala naman akong nagawang napakalaking kasalanan para gawin sa kin ni Lord to! Huhhuhuhuhu.

Nakahiga na ako sa kama ko habang iniisip kung bakit nagsimula itong kamalasang nangyayari sa buhay ko. Nangisay tuloy ako ng maalala ko yung pinag-usapan namin kanina.

=flashback=

“Pardon po, sir?”

“You are going to pay me 800,000 pesos for the car damage”

“Sir, kahit naman po may lahing Hapon ako at baka inaakala ninyong kayang-kaya ko kayong barayan ay nagkakamali po kayo. Hindi naman po Mitsubishi ang lastname ko, Miketsugami po. Hindi ko naman po kasalanan na magkadamage ang kotse ninyo eh, muntik mo nga akong masagasaan kanina tapos may gana ka pang singilin ako?”

Hindi ko na tuloy naisip na nagtatagalog na pala ako at nalimutan ko ang fact na English pala dapat. Baog yata ang utak at hindi makaintindi na imported nga pala ang kausap ko.

“ So paano ba yan, wala akong magagawa kundi tawagan ang parents mo,” iniwave niya sa harap ko ang mga documents na pinanasa ko sa school noong enrollment.

Aktong kukunin na niya yung desk phone para i dial yung home number namin. Wala naman sa isip ko napasigaw ako.

“Yamete kudasai!!”(please, Stop!!!)

Napatingin naman siya sa kin at tila natutuwa pa sa mga nangyayari. Inikot niya yung swivel chair paharap sa akin. Alam kong hinihintay niyang may sabihin ako.

Sige. *gulp* tutal wala na akong magagawa ,na sa kanya na lahat ng alas.

“Babayaran ko na yung damage.”

“at paano mo naman gagawin yun?”

Wait. Sandali lang. Sabihin niyo ng OA ang reaction ko pero talaga bang nagtagalog si Sir Michaelis kanina? Baka dubbed lang yun. TANGA! Wala naman ako sa koreanovela so papaano magiging dubbed yun?

“Oh, naghihintay ako. Paano mo naman babayaran yung damage, may pera ka ba, o doon mo kukunin sa credit card na provided ng daddy mo?”

nag-eenjoy talaga ang isang to sa paghamak sa kin. naku kung hindi ko lang professor eh kahit gwapo siya ay tatadtarin ko siya na parang sibuyas. gusto ba talaga ako paiyakin nito?

“Sir, nagtatagalog din kayo?” pilit kong iniiba yung topic.

“Sa tingin mo susugod ako ng Pilipinas na hindi man lang alam kung papaano  makipag-usap in tagalog? Hindi ako nanggaling ng Harvard para gawing katawa-tawa ang presence ko.” Pilosopo niyang sagot.

Iba na nga siguro kung henyo ka katulad ng isang to. Kahit ano na lang alam mo. Kainis din no? Wala tuloy akong maipintas sa bwisit na to. Nose bleed ako sa english-english tapos nagtatagalog pala ang mokong. Muntik na tuloy akong magka- anemia dahil sa kanya.

“Pagtatrabahuhan ko po, bigyan lang po ninyo ako ng sapat na panahon.”

“Sigurado kang mababayaran mo ako?”

Aba, kainis din itong lalaking to. Kung hindi lang ako takot ma samurai ng tatay ko ay hindi talaga ako magbabayad at isa pa, siya pa nga itong muntik makasagasa sa akin, ang kapal talaga!

“BABAYARAN KO PO, OKAY?! Kaya manahimik na po kayo kung gusto niyo pang sikatan ng araw bukas.” gusto ko sana idagdag pero naremember ko na kahit gaano ka hangin ang lalaking to eh professor at adviser ko pa rin siya at tsaka ayaw kong dadagan ang offense ko nuh.

Baka magkaroon pa ako ng record sa school na “Assaulting teaching personnel by oral defamation”. Tatanggalan talaga ako ng bituka ng tatay ko pag nangyari yun. Kaya tatahimik na lang ako. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kung nakatingin naman siya akin. Ano na naman ngayon ang problema niya?

Meet my NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon