Chapter 10: Confrontation

37 3 0
                                    

Chapter 10: Confrontation

=Finnian’s POV=

Naglalakad na akong mag-isa habang himas-himas pa rin ang mukha ko na namamaga pa rin dahil sa natanggap ko left hook mula kay Ciel. Masyado na siyang brutal at mapang-abuso sa mabait na si Ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako sinagpang na parang tigre na inagawan ng karne sa bibig kanina.

Hindi nagtagal at narating ko na rin yung bahay ko. Medyo malayo rin ang nilakad ko kasi gumamit ako ng ng alternative route pauwi sa amin. Ayaw ko kasing daanan muna ngayon ang bahay nila Ciel at baka ano pang pumasok sa kukote ko.  Mahirap na baka mag-confess ako ng wala sa oras para ma clear ang misunderstanding na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

“Nandito ka na pala, Finny,” bati sa akin ni mama ng makapasok ako sa loob ng bahay.

Hindi ko na siya sinagot at nagdire-diretso na lang sa pag-akyat sa hagdan. Nasa second floor ng bahay namin ang kwarto ko.

“Finny, ayos ka lang ba, anak? Anong nangyari sa pisngi mo? Napaaway ka ba?” habol pa sa akin ni mama.

“Wala po ito, ma. Kay Ciel po galing to,”

“Nag-away ba kayo?”

“Hindi ko po alam. Sige, aakyat na po ako ng kwarto,” paalam ko sa kanya at pumasok na sa kwarto ko.

Hindi na ako nagpalit pa ng damit at humiga na lang sa kama ko. Ang dami ko pang kailangang isipin. May binigay pa na project sa amin si Ma’am Encienzo at malapit na ang Christmas vacation. Kailangan ko ng makapag-isip ng concept para next month pero bago ang lahat si Ciel muna.

Gumulong ako patagilid at hinalbot ang bag ko na nasa ibaba ng side drawer ko. Mula doon ay kinuha ko ang cellphone ko. Agad kong pinindot ang button papuntang message. Magta-type na sana ako pero natigil ang mga daliri ko sa pagpindot. Nahilamos ko ang palad sa mukha ko ng ma-realize kong hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

“Ciel, ano b ang prblema? Usap tau, pwde?” sabi ko habang nagta-type.

Ise-send ko na sana at pipindutin ko na lang ang send button pero binura ko lahat ang tinype ko maliban sa ‘Ciel’. Nagdadalawang-isip ako kung isesend ko o kakausapin ko na lang siya ng personal. Masyadong malalim ang pag-iisip ko dahil hindi ko narinig ang katok sa pinto. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone, hindi alam kung ano ang gagawin.

“Nag-LQ ba kayo ni Ciel??”

Napaigtad ako sa pagkakahiga at napaupo sa kama ko. Nakita ko si mama, nasa loob na ng kwarto at nakaupo sa kama. Halata sa itsura niya na nang-aasar siya at hindi parang nag-aalala. Minsan, naisip ko kung ganito talaga siya o mahilig lang siyang makisawsaw sa lovelife ko.  (=________=)

“Mama, ba’t nandito kayo sa loob ng kwarto ko?” nayayamot kong sabi sa kanya habang kinakamot ang likod ng ulo ko kahit hindi naman makati.

“Hindi ka kasi makausap ng matino kanina at hindi mo rin sinasagot ang katok ko. Gusto ko lang naman sabihin sa iyo na ikaw na lang ang hindi pa naghahapunan,”

“Eh, bakit LQ yung sinabi mo kanina at hindi hapunan? Tsaka, hindi naman kami nag-away ni Ciel at lalo namang hindi kami,”

“Ano ba kasi ang problem at para kang kiti-kiti dyan na hindi mapisa?”

Napatawa ako ng konti ni mama sa sinabi niya. Alam niya talaga kung kailan ko kailangan ang mga biro niya kahit hindi naman talaga nakakatawa. Nawala na yung yamot ko.

“Paano naman natawag na kiti-kiti yun kung hindi pa napisa? Edi itlog pa,” sabi ko sa kanya.

“Ganun ba, nauna pala ang itlog kesa sa kiti-kiti? So nauna rin ang itlog kesa sa manok?” biro pa niya.

Meet my NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon