Chapter 6: it's a deal
=_______________=
nakatingin ako sa test paper ko ngayon. puputok na ata ang ulo ko eh wala pa rin akong mapigang sagot. I'm currently taking my College Algebra exam and sa nabasa niyo naman kanina ay 50/50 na ako dito.
I really hate this subject and everything that revolves around numbers. masyado kasi nilang pinapahirapan ang mga tulad kong simple lang naman ang gusto sa buhay. bakit kailangan ko pa silang harapin?
T______T
wag na kayong magtaka kung paano ako umabot ng 2nd year. alam niyo naman kung paano di ba? kunwari pa kayo but anyway kahit isumpa ko pa ang nag-invent ng subject na ito ay wala rin naman akong magagawa.
hindi kasi magamit ang method of survival ngayon kasi ang higpit ng proctor namin at yun ay ang aming adviser, si Prof. Michaelis. kanina pa siya lakad ng lakad in between spaces ng mga upuan namin thus giving us no time para maka-copy sa cheatmate este seatmate namin. Cheating pa rin kahit seatmate ang tawag doon.
nakakatakot pa yung sinabi niya kanina before nag-start ang exam. Lalo tuloy na blangko ang utak ko at ang nag sink in lang ay yung sinabi at threat niya kanina. Nangangatog tuloy ako ng maalala yun.
=flashback=
"Ok, class. settle down i have something important to say." bungad niya sa amin ng pumasok na siya sa classroom.
kami naman ng mga time na yun ay busy sa pagbuo ng mga strategies namin kung paano namin malalampasan to. Nakaready na ang plano kung papano namin masusulusyonan ang exam na ito. Mid term namin to at kailangan namin na mapasa ito para makaabot kami sa mga exemted sa final term. Yun kasi ang deal sa amin ng math prof sa amin.
"Everyone, stand up and go to the front. as i call you one by one, you sit at where my finger points. do i make myself clear?"
*gulp* hindi namin inaasahan na gagawin niya yun . may ideya kami na baka hindi matutuloy ang plan dahil sigurado kaming may 99.9% chance na hindi kami magkakatabi ng cheatmates ko. mukhang alam na alam niya ang mga kalokohan namin ahh. patay kami ngayon.
matapos niya kaming tawaging lahat at inilayo sa mga kasabwat namin ay naupo siya sa teacher's table. literal na sa mismong table siya umupo. (usual niyang ginagawa yun na para bang may kung ano sa chair na ayaw niyang upuan)
"I know your tricks quite well. kahit na halos ka edad nyo lang ako ay naging estudyante pa rin ako tulad niyo but I never engage my self into something shameful like copying from my seatmate in order to pass,"
Tagus-tagusan naman kung makapagparinig ang isang to. Halos kaming kahat ay hindi makatingin sa kanya ng deretso. Halata ba masyadong guilty kami??? Alam mo naman pala ehh, bakit ayaw mo pa kaming pagbigyan? KJ lang? bulong ng mind ko.
. For all we know naman na matalino siya at hindi na niya kailangan pa ang power of cooperation during exams kasi nga di ba hindi naman siguro siya aabot sa university professor na level sa edad na nineteen kung naman genius? kainis. ang damot niya!!
binigyan na niya kami ng testpapers at pagkatapos noon ay bumalik na naman siya sa table. he prompted his glasses and look at us. Nakakaloko ang smirk niya sa amin na para bang alam na alam niyang minumurder na namin siya sa isip namin. Ewan ko na lang dun sa fan squad niya basta yun yung nasa isip ko ngayon. +__________+
"Begin. Let's find out who's gonna sink and who's gonna swim to pass. One more thing, pag nahuli ko kayong gumagawa aside from answering your papers ON YOUR OWN magkikita tayo sa office ng dean ninyo."
=end of flashback=
kaya heto ako ngayon, since sinira nitong magaling naming propesor yung napakaganda na naming plano para sa exams, nangangamote at nangangalabasa tuloy ako sa pagsagot sa mga problems. tiyak ako na pag hindi ko to nagawan ng paraan ay pupulutin sa kangkongan ang grades ko. T_________T
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Ficção AdolescenteNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...