Chapter 12.2: A Christmas with him

60 6 3
                                    

Chapter 12.2: A Christmas with Him

=Mei Rin POV=

“Ok, cut! Nice one, guys!” sigaw direktor namin. Natapos na rin namin sa wakas ang last scene pero inabot pa rin kami ng bisperas ng Pasko.

Matapos naming magpaalam sa mga kagrupo namin ay nag kanya-kanya na rin kami ng uwi para humabol sa Pasko. Nagmamadali nga yung ilan at agad ng sumakay ng mga dumadaang jeep at taxi.

“Mei Rin, hindi ka pa ba uuwi? Tingnan mo oh,” tinuro ni Finnian yung relo niya at ipinakita sa akin yung oras, “.. less than 2 hours na lang Pasko na,”

“Uuwi naman ako pero hindi ako nagmamadali,” sabay pilit kong ngumiti.

“Bakit naman? Baka hinihintay ka na ng pamilya mo. Ihatid na lang kita pauwi sa inyo,”

Walang naghihintay sa akin. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko ginawa. Ayokong kaawaan niya ako lalo pa at siya yung tipong sentimental. Natural alam ko, unrequited crush ko nga siya, diba?

“Salamat na lang. Kaya kong ihatid ang sarili ko sa amin. Nakikita mo naman sigurong may mga paa at binti ako, di ba? Baka ikaw na ang hinahanap sa inyo,” sabihan niyo na akong walang modo pero ganito talaga ako. Masyadong denial sa sarili ko kahit alam kong gusto ko naman.

“Ehh naman. Ok lang yun sa kanila. Kakain at magkukulitan lang naman kami dun ehh...” nakangiti niyang sabi habang nakatingala sa langit.

Naglalakad na kami nun sa direksyon ng highway. Mabagal lang yung paglalakad namin. Nakayuko lang ako habang siya kinakausap ako. Hindi ko alam pero parang naiinggit ako sa kanya, sa pamilya niya.

Hindi naman kasi kami ang tipo ng pamilya na nagsasama-sama tuwing merong okasyon o celebration. Pabalik-balik ang parents ko sa China dahil na rin sa negosyo naming fabrics at kung ano-ano pa. Meron akong isang kapatid pero hindi kami nakatira sa iisang bahay. Nasa mga lola at lolo ko siya, sa mother’s side namin. Minsan bumibisita naman siya at nakikigulo sa buhay ko. Ayaw kasi nina lola na lumaki si Ly Chee na walang kinamulatang mga magulang o guardian man lang. Halos 6 years din ang gap namin ni Ly Chee. Kahit gusto kong makita ang kapatid ko hindi pwede, marami rin akong pinagkakaabalahan sa buhay ko.

“Magsalita ka naman. Kanina pa ako dada ng dada dito parang hindi ka naman nakikinig,” humarap siya sa akin at iniwave yung kamay niya sa mukha ko. Masyadong malapit yung mukha niya mga ilang inches na lang siguro mula sa akin. Nagulat at sinamantala niya yun at bigla niyang hinawakan yung magkabilang pisngi ko at pinisil. Hinila niya pa yun ng magkabilaan kaya naman ang sakit!

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!” galit kong inalis ang kamay niya sa pisngi ko at nagpapapadyak na naglakad palayo sa kanya.

Napansin ba niya yung mukha ko? Feeling ko kasi napakapula ng mukha ko kanina kaya ako nagmadaling lumayo.

“Sandali lang!” sigaw niya mula sa likod. Masyado ng madrama ang mga nangyayari at naiinis ako sa sarili ko. hindi ko alam kung bakit ako nag-iinarte ng ganito.

Naramdaman ko ang kamay ni Finnian na humila sa braso ko para pigilan ako sa mabilis kong  paglalakad. Hindi ko siya nilingon at rinig ko ang mabigat niyang paghinga.

“Saan ka ba pupunta? Lumampas ka na sa kalyeng papunta sa bahay mo,” nagulat ako sa sinabi at nilingon ang direksyong tinuturo ng daliri niya. Tama siya, lumampas na nga ako.

“Bigla-bigla ka na lang nagkakaganyan ehh binibiro lang naman kita,” iniangat niya yung kamay niya at hinawakan yung mukha ko,to be more specific malapit sa may ilalim ng mata ko.

“Tsaka bakit ka umiiyak? Masakit ba talaga yun kaya ka napaiyak?” pinahid niya yung luha ko. hindi na ako nakaimik pa.

“Halika, may pupuntahan tayo,” sabay hila niya sa kamay ko. hindi ko na nagawa pang magprotesta at nagpahila na lang sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet my NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon