Chapter 7: Clueless
=Finnian’s POV=
“Alis na ako,”
Yun lang ang sinabi niya at kumaripas na siya ng takbo. Napabuntunghininga naman ako habang mag-isang nakatayo. Lately kasi, napapansin kong may kakaiba sa kanya. I thought baka imagination ko lang yun pero habang tumatagal I can sense something was off about her.
Napabuntung-hininga ako at napatingin sa mga paa ko. Tutal, wala naman akong ibang gagawin ay uuwi na lang ako. Nagsimula na akong maglakad nang biglang—
*boooggsh!*
Tumalsik ako sa matigas na sahig at napakaupo sa sahig ng hallway. Hinimas –himas ko pa ang pwet ko dahil sa sakit.
“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Nagmamadali pa naman ako!!!,” bulyaw pa sa akin ng nakabangga.
Inangat ko ang aking mukha at para tingnan kung sino ito. Aba naman sa lahat ng pedeng makita siya pa. Si Mei Rin, yung class mayor naming walang ibang ginawa kundi ang magmarunong.
“Wag ka ngang tumunganga diyan! Tabi!”
Sigaw niya sa akin na ikinainit lalo ng ulo ko. Bad mood pa naman ako ngayon dahil sa sakit ng pwet ko. Humanda siya. Akala ba niya siya lang ang marunong bumulyaw, pwes ako din. Tamang-tama may pag bubuhusan ako ng disappointment.
“Ang angas mo masyado, alam mo yun. Ang lakas ng loob mong singhalan ako eh ikaw tong bigla-biglang susulpot at babanggain ako!!”
“So nagsasalita ka pala? Ikaw nga yung haharang-harang sa dinadaan ko! May pa emote-emote ka pa kasi iniwan ka ng bestfriend mo!!”
Paano niya nalaman na tungkol ito kay Ciel? Teka—anong ibig niyang sabihin? Ano ba? Ba’t niya alam? Mamaya ko na nga lang iisipin. Makikipag-fliptop na nga lang muna ako sa kanya.
“Wala ka ng pakealam kung haharang-harang ako dahil hindi mo naman binili tong hallway para sabihin mong dinadaanan MO!! Hello?! Ginagamit din ng iba to!!”
Blahblahblahblahblahblahblah.... yun na yung mga sumunod. Palitan na lang kami ng putok ng butchi kasi walang may intensyon magpatalo. Nagsisisgawan na kami at wala akong pakialam kong iniisip nilang nakikipag-away ako sa isang babae.
“STOP!!! MANAHIMIK NGA KAYONG DALAWA!! FINNIAN!! MEI RIN!!!”
Napalingon kaming dalawa ng may biglang sumigaw sa di kalayuan. I felt a shudder over may shoulder at sa palagay ko ay ganoon din siya. Paano kasi si Ma’am Encienzo pala ang sumaway sa amin.
“Bakit ba kayo nagsisigawan? Alam niyo namang bawal yun di ba? At pede niyo naman pag-usapan ng maayos kung may problema kayo,” mahinahon na sabi ni Ma’am Encienzo sa amin. Nasa loob kami ngayon ng faculty room at nasa harap ng mesa niya.
“SIYA NAMAN KASI MA’AM ANG NAGSIMULA!!” duet naming sabi ni Mei Rin habang nakaturo sa isa’t-isa. Sabay naming iniiwas ang tingin namin sa isa’t isa nang mapansin naming magkatinginan pala kami.
Natawa lang si Ma’am Encienzo sa kanyang upuan. Kung hindi ko lang alam na normal na tao itong si ma’am ay iisipin kong baliw ata siya. Sa tingin ko kasi wala namang nakakatawa sa mga nangyari. =______=
“May iba pa akong rason kaya ko kayo ipinatawag dito. Malapit na Teachers and Students Day, di ba? Bilang president at vice president ng Filmakers Society, I want the two of you organized and make a movie related sa event na ito. Let it be beautiful. Hahayaan ko kayong gamitin ang finest cameras at funds ng society para sa project na ito. Maliwanag? Kayong dalawa ang bahala rito at huwag niyong kakalimutan, you need to work hand in hand.”
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...