Chapter 11: Cramming Vacation
=Mei Rin’s POV=
“Hannah, paki-check naman dun sa mga drafts,” sigaw ko dun sa isa sa mga club members ng Filmakers Society.
“Ok, dadalhin ko muna to kay Oliver,” sagot niya na tinutukoy yung isa pang member.
Kung sa naaalala niyo niyo dun sa first POV ko ay binigyan kami ni Ma’am Encienzo ng project para sa Students and Teachers Day. Kaya heto kami ngayon, one week to go na lang at bakasyon na pero halos wala pa kaming nasisimulan. Mga drafts pa lang at wala pa kaming matinong film na pwede naming gawin.
Marami sa mga members gusto ng magpahinga dahil kanina pa kaming umaga sa club room. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng club room. Nagsimula kami sa paghahalungkat mga 10am na siguro hanggang ngayon na 1:30 na ng hapon. Kaming lahat ay hindi pa nakakakain ng lunch at sa palagay ko hilong-hilo na sa gutom.
“Iwanan na muna natin to at kumain muna tayo,”
Napalingon kami sa nagsalita. Si Finnian pala na kadadating lang muna sa office ni Ma’am Encienzo, dala niya ang mga gahiganteng boxes. Tumigil kami sa ginagawa namin. Marami sa amin ay nagpapasalamat dahil sa wakas ay may nagsalita na rin.
“Kumain muna tayo tapos para makapag-meeting na rin tayo sa kung ano ang gagawin nating film,” suggestion niya.
Sumang-ayon naman ang lahat at nagsimula na kaming ayusin ang mga kalat sa room at lumabas na. Matamlay kami at parang zombies na handang kumain ng buhay na tao na makakasalubong namin.
“So anong gagawin natin?” tanong Tristan habang humihigop ng coke float. Siya ang secretary ng society. Babakla-bakla pero disguise lang niya para mapalapit sa mga babae. Madugas talaga. =____=
Nasa Jollibee kaming lahat ngayon dahil na rin sa gusto naming magpalamig at ito na rin ang suggestion ni Finnian. Pinagdikit-dikit namin ang mga mesa para parang iisang mesa lang ang pinagkainan naming lahat.
“Sabi ni Ma’am dapat ay related sa event so meaning involve ang teachers at students na parang nasa school,” sagot ni Oliver na nakaupo sa unahan, malapit kay Hannah.
“May point ka dun pero parang paulit-ulit na lang na sa school ang setting pwedeng school pero dapat hindi school ang focus,” sagot ni Clarence, ang treasurer.
“So dapat sa school pero hindi school ang main focus, parang iba ang topic pero involve pa rin ang mga students at teachers?” parang nalilitong tanong ni Elize, ang actress ng society.
“Pero sa tingin ko mahirap ata yun kasi hindi naman pwedeng paghiwalayin sa usapan ang school lalo pa at students and teachers ang pinag-uusapan natin,” pahayag ni Yucca, isang member rin.
“Parang ganun na nga, pero ano naman kaya? Hindi naman pwedeng forbidden love between them noh. Magagalit si Ma’am pag yan ang theme natin,” reklamo naman ni Georginalyn, George for short.
“Sino naman may sabi sa’yo na yan ang gagawing theme? Masisira tayo sa mga teachers pag yan. Bawal pa naman ang ganyang klase ng relationship between teachers at students,” sabat naman ni Winston, ang nag-iisang fourth year sa amin.
Napalingon kaming lahat ng makarinig kami ng parang may nahulog. Napunta ang atensyon naming lahat sa direksyon ni Finnian.
“Finnian, may problema ba?” tanong ko sa kanya tutal ako naman ang pinakamalapit sa kanya.
“Wala, dumulas lang sa kamay ko yung float. Sorry kung naka-cause ako ng commotion.” Kumuha siya ng tissue para punasan ang pantalon niyang natilamsikan float.
BINABASA MO ANG
Meet my Nemesis
Teen FictionNagsimula ang itinuturing na ‘streak of bad luck’ ni Ciel nang makilala niya si Kaien Sebastian venn Michaelis, ang bago nilang nineteen-year-old professor. Dahil sa isang hula, pinipilit niyang iwasan ito, pati na rin ang nararamdaman niya ngunit...