Friend zoned

185 2 0
                                    

FRIENDZONE!

Sakit mafriendzone no? Yung tipong hindi pwedeng maging kayo kasi baka masira yung friendship 

nyo. Hindi natin maiiwasan ang mafall sa kaibigan natin. Yan naman talaga kalaban kapag may 

kaibigan kang babae/lalaki eh. It's either sya yung mafall o ikaw. Pero ang mahirap dyan yung mahal 

mo sya pero sya mahal ka nya kasi kaibigan ka nya. Friendzone! Pero dahil mahal mo talaga sya 

iseset aside mo yung feelings mo kasi mas gusto mo syang makasama. Pero habang

tumatagal mas lalo mo lang syang minamahal.Pero hindi mo masabi sa kanya

kasi nakalatag ang katotohanan na hanggang kaibigan ka lang at malabong

maging ka-ibigan. At minsan ang mas masakit sa part mo bilang lihim na

nagmamahal yung tipong magkekwento sya sayo tungkol sa mahal nya. Ikaw

naman kunwari interesado ka pero ang totoo sobrang nasasaktan. Ngingiti ngiti

pero ang totoo naiiyak na. Yan ang mahirap sa part mo! Minsan tatanungin ka

pa nyan, hihingi sayo ng tips kung ano ba pwedeng magpasaya sa babaen/lalaking

mahal nya. Ikaw naman magbbigay ka ng idea. At pagkatapos nun, iisipin mo

sana ikaw na lang yun. For sure, madaming beses ka ng nagimagine na sana

maging kayo. Yung tipong friends into lovers. Pero dahil imposible dinadaan

mo sa imahinasyon ang pangrap mong relasyon. Madaming beses ka na ding

nag attempt na umamin sa kanya na mahal mo sya pero natatakot ka kasi

baka iwasan ka nya. Na baka layuan ka nya. Pero alam mo wala namang masama

kung sabihin mo yung nararamdaman mo para sa kanya. Atleast nailbas mo yun,

kaya nga lang dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari. May ilan kasi na iba

maghandle sa ganyang sitwasyon. May iba na iiwas at lalayo. Meron naman na

pwedeng sabihin na mahal ka din pero sabay dugtong bilang kaibigan nga lang.

Ano nga ba mas mahalaga sayo? Friendship o intimate relationship? Madalas

ang pagkakaibigan nauuwi sa pagkaka-ibigan pero ang vice versa malabo. Kaya

kung sakali man na bilang kaibigan lang ang tingin nya sayo be thankful! Atleast

you still have her/him forever. Yung gf/bf nya pwede din silang maghiwalay. Pero

kayo, yung pagkakaibigan nyo never na masisira habang buhay.

Let's Talk about LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon