LAST NA TALAGA TO, MAGMOMOVE ON NA KO!
Kadalasan yan ang madalas na sinasabi natin kapag gusto nating kalimutan
yung taong minahal natin. Pero paano ka nga ba makakapagmove on kung
hindi mo tinutulungan yung sarili mo para magawa mo yun?
Alam mo hindi ka talaga makakapagmove on nyan.Bakit? Eh paano kapag
nagbukas ka ng facebook, punta ka agad sa profile nya. Scan scan ng mga
latest update nya tapos kapag nakita mo yung post nya na may kasamang
iba aouch ka? Yung totoo nagmomove on ka? Paano mo sya makakalimutan
kung gumagawa ka pa din ng paraan para malaman yung mga ginagawa nya?
Tapos kapag may nakita kang hindi kaaya aya masasaktan ka. Yung totoo
martir ka? Ikaw na gumagawa ng sarili mong ikakasakit eh. Alam mo naman na
na may iba sya pero ikaw inaupdate mo pa din yung sarili mo sa love story
nila. Tapos ikaw? Ayun mukhang tanga sasabihin sa sarili "Last na talaga
magmomove on na ko sa kanya!". Hay naku! Pang ilang beses mo na bang
sinabi sa sarili mo yan? Hindi na siguro mabilang.
Ilang araw ang lumipas, nagpadaan sya sayo ng gm break na sila ng bf/gf nya
ikaw si tanga ayun matutuwa ka naman ng bongga. Isasantabi mo muna yung
sinabi mo na magmomove on ka kasi hihirit ka pa na "last na last na talaga to".
Itetext mo sya, icocomfort mo sya pero ang totoo habang pinapagaan mo ang
loob nya hinihiling mo na sana hindi na sila magkabalikang dalawa. Yan tayo eh!
Tapos mga ilang araw magugulat ka hindi na sya magrereply sayo. Bakit? Kasi
ok na sila. Ikaw? Ayun tengga na naman! Ikaw kasi eh nag away lang sila
kala mo naman matutuluyan na. Umasa ka agad. Iiyak! Magggm ng broken
hearted o paasa quotes. Magpopost at ihahashtag ang PAASA! Sino ba
nagsabi na umasa ka?
Eto pa, dinilete ang number pero kabisado nya. Kunwari magggm pero sa
kanya lang isesend. Minsan kunwaro wrong send/call pero sinadya naman
talaga. Papansin lang? Hindi ka na nga pinapansin nagpapansin kapa.Tapos
minsan magreply lang sayo ng hi o hello tuwang tuwa ka na agad. Ayun
nakalimutan na naman nya na kinakalimutan mo sya. Iisipin mo na naman na
baka may pag asa pa talaga. Hihirit ka na naman ng isa.Hay naku yan tayo eh!
Masyado ka kasing nagbibigay ng meaning sa mga ginagawa nya.
Alam mo kung paano ka makakapagmove on?
Distant yourself with him/her.
Stop stalking his/her account.
Dont update yourself with his/her current relationship.
Acceptance!
Tanggapin mo na walang magiging KAYO! And by accepting that fact magugulat
ka na lang hindi mo na pala ginagawa yung pangistalk sa account nya. Wala
ka na ding care kung magupdate sya ng status nya. No hard feelings! Sa huli
masasabi mo "At last nakamove on din ako sayo!".