Mahal Ko Silang Dalawa.

1.1K 2 0
                                    

MAHAL KITA, MAHAL KO DIN SYA.

Naranasan mo na bang magmahal ng sabay? Yung tipong dalawa silang

bf/gf mo? Anong pakiramdam? Masaya ka ba?

Hindi na lingid sa ating lahat ang ganyang sitwasyon. Ika nga nila yun

na ang uso ngayon. Minsan napapaisip ako kung paano nila nagagawa ang

ganon. Mahal mo sya, mahal mo din yung isa. Kalokohan! Kahit sa ina,

kung marami ang anak nya sabihin man na pantay pantay ang pagmamahal

nya hindi pa din mawawala dun yung mas higit na mahal nya. Kaya hindi ko

maintindihan yung mga taong pinagsasabay yung dalawang mahal nya sa

kadahilanang hindi nya alam kung sino ang pipiliin nya. Hindi ako naniniwala

na parehas mong mahal yun, kasi kung mahal mo talaga yung isa bakit nagawa

mo pang magmahal ng iba? Selfish. Yan ka! Hindi mo lang maamin sa sarili mo

na makasarili ka kasi ayaw mong mawala isa sa kanila. Pero hihintayin mo pa

ba na sabay silang mawala? Ngayon pa lang mag isip ka na. Magdecide ka

kung sino yung gusto mong magstay sa buhay mo at kung kanino ka masaya

kapag kasama mo sya. Mahirap yung ganyang sitwasyon. Kapag wala yung

isa dun ka sa isa. Eh paano kapag parehas silang nawala paano ka? Edi nganga!

Gumising ka! Hindi lang sayo umiikot ang mundo nila. Palayain mo yung isa

sa kanila kasi sa totoo lang hindi nila deserving yung ganyang sitwasyon.

Hayaan mo syang makita at mahanap yung tamang babae/lalaki para sa kanya.

At ikaw naman hindi mo kinaganda o kinagwapo yung ganyang sitwasyon hindi

mo ba alam nakakasakit ka na? Hindi mo ba alam na sa bawat araw na

lumilipas sinasaktan mo sila. Minsan mahal ka lang talaga nya kaya kahit

masakit na, kinakaya nya. Hindi ka ba nakokonsensya? Wala silang ibang

masamang ginagawa sayo, ang ginagawa lang nila ang mahalin ka pero

ikaw hindi mo alam kung kanino ka makukuntento. Magising ka nga! Ngayon

tanungin mo yung sarili mo sino ba yung MAS mahal mo. Kanino ka MAS masaya

kapag kasama mo sya. Sino yung MAS namimiss mo agad kahit kahihiwalay nyo

palang? Wag kang sasagot na parehas lang. Sarili mo lang lolokohin mo. Ikaw

lang nakakaalam kung sino ang mas kailangan at mas higit na mahal mo.

Siguro natatakot ka lang na iwan isa sa kanila. Pero for what? Para saan yung

takot mo? Eh sa pagsasabay mo sa kanila hindi ka ba natatakot? Diba mas

nakakatakot yun? What if mahuli ka nila? What if malaman nila? Sa tingin mo anong

mararamdaman nila? Kaya kung ako sayo hanggang maaga pumili ka na.

Magdecide ka na. Sa pagdedecide mo iconsider mo kung kanino ka masaya.

Hindi yung magdedecide ka at pipiliin mo sya dahil ayaw mo syang iwan at

saktan. Hindi yun ang basehan ng pagdedesisyon. Gawin mo yung tama at DAPAT!

At ang dapat ay ang iwan mo sya kung mas mahal mo talaga yung isa.Bakit

kapag ba pinili mo yung ayaw mong masaktan magiging masaya ka o sya?

Ikaw ang nakakaalam sa sagot dyan. Basta ang sakin lang wag mong patagalin

yan dahil habang tumatagal mas nadadagdagan yung kasalanan mo sa mga

kasinungalingan at pananakit mo.

Let's Talk about LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon