TRUE LOVE.
Kadalasan madalas nating sinasabi yan kapag may boyfriend/girlfriend tayo.
Iniisip natin na sila na yung true love natin. Pero kapag nagbreak kayo
anong sinasabi mo? "Akala ko sya na pero hindi pala."
Madalas kasi nating namimisinterpret ang pagbibigay ng meaning sa true love.
Pero ano nga ba ang true love? Kailan ba natin yun nararamdaman? At kung
naramdaman mo na yun, masasabi mo ba talaga na sya na ang true love mo?
Mahirap ipaliwanag ang love. Kanya kanya tayo ng definition ukol dito. Depende
sa sitwasyon natin at sa naranasan. Pero sure ako sa isa sa mga naging bf/gf
mo nasabi mo na sa sarili mo na sya na yung true love mo. Minsan naman
tinanong mo yung sarili mo kung sya na ba talaga yung para sayo. Minsan naman
sa kahahanap mo sa true love kung sinu sino na ang naging bf/bf mo. Iba iba
man tayo ng mga pinagdaanan isa lang ang gusto natin, makita yung nakatakda
para sa atin. Pero kasi hindi mo naman kailangan hanapin yun eh. Minsan hindi
mo alam sa kahahanap mo nandyan lang pala sya sa tabi mo. Pwedeng
kapitbahay mo, pwedeng kaklase mo, nakasabay mo sa jeep, bus, o kaya
nakasalubong sa daan. Sa kahahanap mo napupunta ka sa maling tao. Sa
kahahanap mo hindi na true love ang nakita mo. You dont need to search for it,
because love knocks on you. It knocks on your heart that's why there is
fall in love na tinatawag. Ooops! Hindi porke nafall ka sa kanya eh sya na. Syempre
kailangan mutual ang feelings nyo. Madalas kasi ikaw lang ang nagmamahal
tapos sasabihin mo true love na! Yan tayo eh. Dapat mahal ka din nya.
Kung nasa in a relationship ka, for sure minsan kapag nagdadasal ka lagi mong
sinasabi "Lord sana sya na!" Alam mo hindi mo naman kailangan ipagdasal na
sana sya na eh. Kasi mas alam ni Lord kung sino yung para sayo at taong
nararapat sayo. Swerte ka kung yung bf/gf mo ngayon yung nakatakda sayo.
Pero hindi mo naman agad masasabi na sya na. To say it's a true love kailangan
mo/nyo magdaan sa proseso. Sa proseso na yun habang magkasama at
hawak kamay nyong nalalagpasan yung mga pagsubok sa relationship nyo
kung may instances man dun na nakitaan mo sya ng willingness to save your
relationship then you can say it true love.
Kung broken hearted ka, uy wag ka ng malungkot dyan. Dapat maging
masaya ka! Why? Kasi maybe this is one way of God to tell you na
"Anak hindi yan yung para sayo". Minsan namimisinterpret natin yung
nangyayaring break ups sa mga bg/gf natin. May mga pagkakataon pa na
sisisihin mo si Lord kasi pinagdasal mo na sana hindi kayo magbreak pero
nagbreak pa din kayo. Hey guys! Dont blame God sa nangyari sa previous
relationships mo. Instead thank Him for saving you and for leading you to the
right man, in the right time at the right place. Maghintay ka lang kasi. Wag kang
magmadali. Mauubusan lang? Malaki ang mundo at sa sobrang laki ba naman
ng populasyon ng mundo baka magsawa ka sa mga lalaki/babae na makikilala
mo. Hintay hintay din. Kumbaga tambay ka muna dyan. Wag ka mag alala
hindi lang ikaw ang naghihintay kasi hinihintay ka din nung lalaki/babae para
sayo. Kaya smile! Dadating din sayo ang true love mo.
Sa mga may complicated na status dyan. Dont complicate your lovelife. Let it
go! Parang sa Frozen lang. Kung wala na edi wala na. Wag mo nang gawing
kumplikado ang lovelife mo. Hayaan mo na sya. Let him/her go. Move on.
Wag nang maghold on. Tandaan mo kung dalawa kayong bumubuhat sa timba
at bumitaw na sya mahihirapan at mabibigatan ka na. So bitaw bitaw din. Dont
stress yourself. Hindi mo deserve ang magkaroon ng kumplikadong relasyon
dahil sa kanya. You deserve someone better who see your worth. Who loves
you and makes you happy. At mangyayari lang yan kapag dumating na ang
true love mo. So what are you waiting for? Bitaw na dyan. Maupo ka lang sa
classroom nyo, sa jeep, sa bus, sa kung saan mo gusto maupo. Baka hindi mo
alam nandyan lang pala sya hinihintay ka. Hindi mo lang napapansin kasi busy
ka sa pagpapakatanga sa kanya.
Single. In a relationship. Brokenhearted. Di makamove on. Anuman ang
status mo ngayon wag kang mag alala who knows baka one of these days
nakatabi, nakasalubong o nakasama mo na pala yung para sayo.