SORRY!
Lahat tayo hindi perpekto! Lahat tayo may mga flaws. Lahat tayo nagkakamali.
Lahat tayo may mga bagay na nagagawa na pwedeng nakakasakit na sa iba.
But what important is we know how to accept our mistakes. And the most
important part is we learned from our mistakes.
Pero minsan iba eh. May mga pagkakataon na kung sino pa yung mali sya pa
yung nagpapakataas. PRIDE! Yan ang umiiral sa kanila. Nakakasakit na sya
pero pinaiiral pa rin nya yung pride nya. Hindi mo ikagaganda/ikakagwapo yan.
Hindi mo ikayayaman yan.Bakit feeling mo kapag mapride ka mataas ka na?
Ikaw na yung mali hindi mo pa din iadmit sa sarili mo. Sorry lang naman yung
sasabihin hindi mo pa masabi sabi. Bakit? Masyado bang mataas ang tingin
mo sa sarili mo? Well if that's the case wala na kong magagawa. Pero isa lang
ang masasabi ko, maswerte ka kung may taong nagtyatyaga sayo kung sakali
man na ganyan ang attitude mo. Hindi biro ang maghandle ng mapride na tao.
Hindi madali para sa kanila ang patuloy na intindihin at unawain ka kahit
na ikaw ang mali. Minsan sila pa yung nahihirapan na humingi ng sorry na
dapat ikaw ang gumagawa. Pero ikaw anong ginagawa mo? Aba hindi mo pa
pinapansin. Lupit mo naman! Alam mo kung ganyan ka nang ganyan aba
magising ka naman. Ang tao napupuno din yan. Tao lang sila na napapagod at
nasasaktan. Sa pagmamatigas mo hindi mo alam nasasaktan sa sila pero
the still go on. They keep on saying sorry para lang magkaayos kayo. You know
why? Kasi mahal ka nya. Kasi mahalaga ka sa kanya. Kasi kahit na mapride
ka he/she still care for you. Kasi mas MAHALAGA KA kaysa sa pride nya kaya
kahit na mukha na syang tanga sa paghingi ng sorry sayo ginagawa pa din nya
kasi nga mahal ka nya.
Alam mo ikaw din! Baka kapag napagod at nagsawa yan magsisi ka. Minsan
ganyan tayo eh. Kung kailan wala na tsaka natin marerealize na kailangan pala
natin sila. Hindi masama umamin ng pagkakamali, ang masama ay yung hindi
mo pag amin na ikaw yung mali. Kung mapride ka ilugar mo.Idepende mo sa
sitwasyon. Walang masama kung ganyan ka na talaga pero kung palagi kang
ganyan, yun ang masama. Kaya ikaw, kung mali ka aminin mo ha? Sorry lang
sasabihin mo sa pag amin mo. Hindi mo ikamamatay ang paghingi ng sorry.
Kaya iset aside mo muna yang pagmamataas mo lalo na kung para sa mahal mo.