Life is too Short

265 4 0
                                    

"Life is too short" yan ang sabi sa isang kasabihan. Sadya ngang maiksi lang ang buhay. Lahat tayo may kanya kanyang katanungan sa ating isipan kung hanggang kailan lang ba tayo mabubuhay.

Sa labingwalong taon kong pamumuhay madami na akong naranasan, medyomadami na din akong napagdaanan. Madami dami na din ang mga taong nakasalamuha ko na may iba't ibang pananaw sa buhay.

May ilan na mas pinahahalagahan ang sarili kaysa sa magulang, may ilan na mas nangingibabaw ang pagmamahal sa Dyos, may ilan din naman na mas pinipiling makapiling ang mga kaibigan kaysa sa mahal nila sa buhay. Iba iba man ang gusto nilang gawin pero isa lang ang kanilang katwiran, gusto nilang ienjoy ang kanilang buhay.

Magkakaiba man ang pamamaraan naten sa pagsasaya at paglasap ng ating buhay, ang mahalaga TAYO ay masaya . Pero naisip mo na ba minsan na pasayahin ang magulang mo? Madalas nakapokus lang tayo sa ating sarili, sa ating mga girlfriend/boyfriend, sa trabaho o kaya sa ating mga kaibigan.

Nakakalimutan natin minsan na meron tayong magulang na nagkakaedad na at naghahanap ng konting oras mula sa atin. Nakakalungkot man isipin na habang nagpapakasaya nating inienjoy ang ating kabataan hindi na natin napapansin ang mga simpleng bagay katulad ng pagbibigay ng panahon sa ating magulang.

Sa mga kapwa ko estudyante, minsan sa isang linggo anim na araw ang klase naten, maghapon tayong nasa labas ng ating bahay pero kahit isang beses ba sa paguwe mo napagtutuunan mo pa ba ng oras ang makipagusap o makipagbonding man lang sa iyong magulang? Siguro pag uwi mo hihiga ka agad magtetext sa gf/bf Mo, kaibigan mo o kaya naman ay haharap ka sa computer at magfefacebook. Minsan nakakalimutan natin ang ganong bagay, masyado tayong nagiging abala sa mga bago at makamundong pamumuhay. Nawawala na sa isip natin ang pagpapahalaga sa ating mga magulang.

May kakilala ako, mas sinusunod nya pa ang boyfriend nya kaysa sa magulang nya, nang tinanong ko sya kung bakit? Ang sagot nya mahal na mahal nya daw. Nagtanong ule ako eh paano yung magulang mo? Hindi sya kumibo. Minsan napapaisip ako bakit may ganoong tao? Bakit mayroong isa sa atin na mas ginagawa pa nila ang mga bagay na inuutos ng boyfriend/girlfriend nila samantalang kapag magulang natin yung nag uutos pahirapan pa sa pagsunod. Minsan naman pinapabayaan pa angpag aaral dahil inuuna pa ang pakikipagkita at pakikipagdate sa bf/gf nila.

Hindi ba pwedeng pagkatapos nalang ng klase tsaka nila idaos ang date na iyon? Makapaghihintay naman yun eh. Minsan sa paghahanap ko ng kasagutan sa ganoong mga katungan sa aking isipan hindi ko din lubos maintindihan at maunawaan na may tao palang ganon ang kaisipan.

Magkakaiba nga tayo ng gusto sa buhay at pananaw pero hindi ba masyadong makasarili ang ganoong gawain? Nahihirapan sa pagtatrabaho ang mga magulang natin pero tayo hindi natin pinapahalagahan ang mga ginagawa nila para sa atin. Simple lang naman ang gusto nila, ang mag aral ka! Yun ba ipagkakait mo pa? Wala ka na ngang oras para sa kanila bibiguin mo pa sila? Yan tayo eh! Ang ikakatwiran pa wala namang ginagawang masama.

Gusto ko lang ilabas ang mga nakikita kong gawain ng karamihan sa atin. Hindi ko nilalahat na ang ilan sa atin ay ganito pero sana magising tayo at mapaisip. Tanungin natin ang ating mga sarili kung nabibigyan ba natin ng oras ang ating mga magulang. Kung hindi pa eh simulan mo na.

Maiksi lang ang buhay! Hindi mo alam kung hanggang kailan sila mabubuhay. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo sila makakasama. Hindi mo alam kung sa paguwe mo ba madadatnan mo pa silang humihinga. Huwag ka sanang magsisi sa huli. Hangga't may oras ka pasayahin mo ang magulang mo, gawin mo ang mga bagay na kalimitan mong nagagawa para sa kanila. Minsan hinihintay ka lang nila na pansinin mo sila pero hindi mo napapansin yun kasi abala ka sa iba. Mahirap ang may pinagsisisihan. Minsan kung kailan wala na sila doon mo lang maiisip na sana pinahalagahan mo sila noong nabubuhay. Doon mo lang mapagtatanto ang mga bagay na hindi mo nagawa para sa kanila. Gusto mo ba ng ganon? Puro ka sana.., pero sa kakasana mo ba may magagawa ka pa? Hindi ba wala na? Kasi huli na. Kaya tayo magising tayo, habang abala tayo sa ibang bagay huwag sana nating kalimutan ang ating mga magulang.

Tandaan nyo, ang boyfriend/girlfriend iiwan ka din nyan, ang pag aaral hindi ka mapapasya nyan, ang mga kaibigan hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo yan. Pero ang magulang palaging nandyan. Kahit ilang beses kang magkamali dalawang kamay ka pa din tatanggpin ng mga yan. Kaya sana wag natin silang kalimutan. Mas lalo pa natin silang pahalagahan dahil kung hindi dahil sa kanila wala tayo dito sa mundong ibabaw.

Sa pagtatapos ko, sana nagbigay ito ng konting kaisipan
sa inyo. Sana ay magsilbi ito upang ang ilan sa atin ay magising at mapagtanto
ang mga ginagawa natin. Sabi nga sa isang kasabihan, "Nasa huli ang pagsisisi"
pero sana wala kang pagsisihan sa huli. "The end depends upon the beginning",
kung anuman ang ginawa mo nung umpisa iyon ang magiging resulta

Let's Talk about LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon