"Effort is not a RESPONSIBILITY of a guy, it's a WILLINGNESS of a guy to make his girl smile."
Lahat tayo gustong makaramdam ng effort mula sa taong mahal natin. Likas na ata sating mga babae ang maghangad na sana isang araw yung lalaking mahal natin o kaya yung boyfriend natin ay may hinandang 'something special' para sa'tin. Yung tipong may ibubungad syang flowers sayo. May chocolates. May teddy bears. At kung anu ano pang pakulo para masurprise ka nya.
Eh paano kung hindi sya maeffort?
Usually, bihira sa mga lalaki ang nageexert ng effort. Minsan kasi kuntento na sila na nasasabila o napaparamdama nila na mahal ka nya. Pero minsan din kasi nageexpect tayo. We expect something more with them na minsan nagteturn out into disappointment kasi hindi nangyari yung expectation natin. And the result of this, minsan inaaway natin sila. But girls, I just want you to know na okay lang yan. Okay lang na makaramdam ng disappointment. Pero sana intindihin din natin ang mga lalaki. Baka kasi sa kagustuhan mo na maramdaman yung effort nya nakakalimutan mo ng makuntento sa kanya at pahalagahan yung mga gingawa nya.
Kadalasan yang ang nangyayari sa karamihan. Sa pagnanais mo na mageffort yung boyfriend mo sayo hindi mo na napapansin yung mga simpleng bagay na ginagawa nya para sayo. Ang mga lalaki kasi hindi naman sila ganon kaeffort katulad nating mga babae. Pero siguro naman may mga pagkakataon na nag eeffort sya sayo hindi mo lang napapansin. Baka kasi minsan masyadong mataas ang standards mo para matawag mo na effort yung ginagawa sayo ng boyfriend mo eh. Baka minsan akala mo wala syang ginagawa para sayo kasi nga iba yung gusto mo na gawin nya sayo. Baka kasi ang gusto mo yung sinusurprise ka nya habang may dala dala syang malaking teddy bear, flowers at chocolates. O kaya yung may bitbit syang gitara habang hinahara ka nya.
Yun ba yung gusto mo na hindi nya pa nagagawa sayo? Wag kang mag alala, maghintay ka lang. Baka one day, magulat ka na lang gawin nya din yun sayo. Hindi naman yun yung batayan kung gaano ka nya kamahal dahil lang sa nga surprises na ginawa nya sayo. Hindi dun nasusukat ang pagmamahal nya sayo.
Basta maghintay ka lang. Kung hindi nya man nagagawa yun sayo makuntento ka sa kanya. Sana wag yun ang maging way para maghiwalay kayong dalawa. Minsan yung simpleng pagpunas nya ng pawis mo effort ng matatawag yun. Yung paghatid nya sa inyo sa bahay nyo. Yung pag alalay nya sayo kapag nasa jeep kayo. Effort na yun. Nasayo na lang kung iaappeciate mo yun at ikoconsider mo as effort ang bagay na yun.
San ka nakakita ng ganon?
Sa bf/gf mo lang diba?
Ang sweet kaya nun.
Kaya ikaw makuntento ka sa ganon. The more na naghahangad ka ng
kakaibang effort mula sa kanya hinding hindi ka
makakaramdam ng happiness sa mga ginagawa nya. Kasi nga you need
something more special sa ginagawa nya.
Pero anong magagawa mo kung
yun lang yung kaya nya? Ipupush mo sya na gawin yung gusto mong gawin nya?
Parang mali naman na ata yun. Sana ikaw nalang ang gumawa nun para sa
sarili mo.
Matuto dapat tayong makuntento. Diba kung mahal mo talaga sya kahit ano pa
yung gawin nya maliit man o malaki dapat maging happy ka.
Sa material, naman wala naman yun sa presyo kung mahal o mura eh.
Wala din yun sa quality kung pangit o maganda. Nasa willingness nya.
Yung willingness nya na pasayahin ka kahit
sa simpleng bagay.
Maging thankful ka na dun atleast ginagawa nya yung
mga yun just to make you happy.
Yung iba nga dyan walang ginagawa sa kanila
yung gf/bf nila pero nakukuntento sila.
Bakit?
Kasi mahal nila at kuntento sila sa pagmamahal na yun. Kaya ikaw ha
makuntento ka. Just be thankful to him/her and dont ever forget na
pasalamatan sya kahit sa maliit na bagay
na ginagawa nya para mapadama nya sayo na mahal na mahal ka nya.